Chapter 4

498 9 4
                                    

Hindi ako tatagal dito...

Dapat ay nagtatrabaho si Charisse. Nang magtungo siya sa kubling bahagi ng hardin matapos matiyak na umalis na nga si Andro, ang pakay niya'y ang isaayos ang mga ideyang itinala niya sa notebook. Ngunit natagpuan niya ang sariling nakatulala sa hangin at naglalaro ang samu't saring agam-agam sa puso.

Puwede na sana niyang tiisin si Don Enrique, pero si Andro? Pakiramdam niya'y kakainin siya nang buhay ng lalaki.

"What's a girl like you doing in a place like this? O baka hindi na 'ko dapat magtaka."

Kagyat na bumalik ang diwa ni Charisse nang marinig ang tinig. Pinanlamigan siya ng buong katawan. Hindi pa man niya nakikita ang may-ari noo'y parang nakikilala na niya.

"Surprised to see me?" Nakangiti si Andro, ngunit mas nakakatakot pa ang anyo nito kesa kung ito'y naka-pormal lang. "You shouldn't be. Kung ganitong magkakasama tayo sa iisang bubong, tiyak na maya't maya'y magkikita tayo."

"Magsasama sa iisang bubong? You... you mean..."

"I'm gonna be living here. Umalis lang ako sandali para kunin ang mga gamit ko, but now I'm back."

Nanuyo ang lalamunan ni Charisse. Daig pa niya ang hayop na nahulog sa bitag. Mamamatay yata siya sa tensiyon kung ganoong makakasukob sa isang bahay ang lalaki.

"Andro, I mean Senyorito Andro... kung anuman ang kasalanang iniisip mong nagawa ko... p-patawad na," paudlot-udlot niyang saad.

"It's a little late for that, don't you think? Kung noon ka humingi ng dispensa, baka sakaling pinatawad na nga kita. But no, nagmatigas ka pa. Now, I'm gonna make you pay. My way."

Hindi na mawari ni Andro nang mga sandaling iyon kung galit siya sa dalaga dahil sa naging kasalanan nito sa kanya o galit siya rito dahil pumapatol ito sa kanyang ama.

"Ganyan ka ba kalupit at kawalang-puso? Humihingi na nga ng tawad sa iyo ang tao, 'di mo pa makuhang kalimutan ang kung tutuusin ay napakaliit na bagay?"

"Maliit na bagay ha? Para sa 'kin, hindi maliit na bagay ang ako'y isahan. And that's exactly what you did. Pero mabait pa rin ang kapalaran. You were delivered straight into my hands."

"Babayaran kita. Mag-iipon ako para..."

"Mag-iipon? That's a nice little word. Bakit, magkano ba ang sahod mo bilang laruan ng aking ama?"

Sa biglaang silakbo ng galit ay napatayo si Charisse buhat sa sementong upuang niluklukan kanina. Nagbabaga ang paninging hinarap ang lalaki.

"Mr. Madrigal, mag-iingat kayo ng paratang," pasigaw niyang wika.

"Kung di ka laruan ng Papa, what are you exactly?"

Habang nagsasalita'y matamang nakatitig sa kanya si Andro.

Nababalisa namang umiwas ng tingin si Charisse. Wala siyang dapat itago sa lalaki, subalit naaasiwa pa rin siya sa pagkakatutok ng mapanuring mga mata nito.

"A-assistant niya 'ko," sapilitan niyang sabi.

"Assistant? Hmmm, mas disente nga namang titulo kesa... You know what I mean."

"Bakit ba ayaw mong maniwalang hindi kami magkaanu-ano ng papa mo? Napakahirap bang intindihin na kaya ako narito'y dahil namamasukan ako rito?" Gusto nang umiyak ni Charisse sa matinding frustration.

"Tama na, puwede ba? At 'wag ka nang mag-drama. Unang pagkikita pa lang natin ay bistado ko na ang pagkatao mo. Isa kang manunuba. Isang oportunista na walang pakundangan kung gamitin ang angking kagandahan para isulong ang kapakanan. Tell me, paano ka nakarating sa malayong bayan na ito? Hindi ka na ba mabenta sa siyudad at pati San Geronimo'y nilusob mo na?"

My Love My Hero Andro - Laurice Del RioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon