Chapter 6

537 8 0
                                    

"NAPAKAESPESYAL ng hapunang ito. I want everything to be perfect.‛

Iyon ang sinasabi ni Don Enrique nang mapadaan sa azotea si Andro isang araw. Nang sumilip siya'y natuklasan niyang si Charisse ang kausap ng ama. Sa mesang nasa harap ng mga ito'y nakahain ang masaganang almusal.

May kung anong nag-udyok sa kanyang labasin ang mga ito sa halip na tumuloy sa komedor para mag-agahan.

What do you want?‛ nagsasalubong ang kilay na tanong ni Don Enrique nang mamataan siya.

Breakfast,‛ simpleng tugon ni Andro.

Nasa dining table.‛ Kababanaagan ng matinding hostilidad ang tinig ni Don Enrique.

Pero parang mas gusto kong dito kumain,‛ sabi ni Andro.

May pinag-uusapan kami,‛ tanggi ni Don Enrique.

Don't mind me. Kunwari'y wala ako rito.‛ May paghahamon sa mga mata ni Andro nang bunutin niya ang isang silya't umupo doon. Pagkuwa'y inabot niya ang isang tinapay, pinalamnan ng butter at jam saka kumagat dito.

You can go on with your discussion,‛ nakangiti niyang susog nang manatiling tikom ang bibig ng mga kaharap.

Nangulimlim sa matinding iritasyon ang anyo ni Don Enrique bago siya nito tinalikdan at muling balingan si Charisse.

Like I said, this is a special dinner. Ang magiging bisita'y siyang magpapasya kung tatanggapin nila ang proposal ko para maging kabahagi ng grupong mamumuhunan sa planta. Do everything in your power to satisfy them,‛ sabi niya. ‚This means—‛

Iyong planta ba ng semento ang tinutukoy n'yo?‛ sabad ni Andro.

Isang matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ni Don Enrique. ‚Yes, so what?‛

I can't believe na gusto n'yong pasukin ang negosyong iyon. Kung di n'yo pa alam, nilalabanan ng environmental groups ang plantang sinasabi n'yo.‛

Eh, ano ba'ng paki ko sa kanila? Wala namang ginawa ang mga grupong iyon kundi manghimasok sa buhay ng may buhay. Kagaya mo ba.‛

Sisirain ng sinasabi n'yong planta ang kalikasan.‛

Teka nga, hinihingi ko ba ang opinyon mo?‛ galit na tanong ni Don Enrique.

Hindi, pero ipapahayag ko pa rin.‛

‚Pwes, hindi ko naman siguro kailangang pakinggan.‛ At muli'y tinalikdan siya ni Don Enrique. ‚Alam kong ito ang unang pagkakataon na mag-e-entertain ka ng marami-raming tao, but I have faith in you. Sa 'yo nakasalalay ang pagtatagumpay ng deal na gusto kong pasukin.‛

Si Charisse na ang hinarap nito.

Sa akin ho?‛

But of course. I want you to be nice to my guests.‛

Dahil nakatalikod ang dalaga kay Andro ay hindi nito nakita ang pagtatagis ng bagang niya.

WHAT do you mean by nice?‛ Hindi mapigilan ni Andro ang sumabat.

Nakangiti itong binalingan ni Don Enrique.

Maging charming siya sa kanila. See to their needs. Make them feel good. You know, those kind of things.‛

Gusto nang ipanalangin ni Charisse na bumukas ang lupa't lunukin siya. Tiyak niya, hindi magandang larawan ang nabubuo sa isipan ng lalaki sanhi ng pinagsasasabi ni Don Enrique.

Bueno, hija, I'm sure nagkakaintindihan na tayo.‛

Opo.‛ Mahinang-mahina ang tinig ni Charisse nang sumagot siya. Hindi siya nakatingin kay Andro kaya hindi na niya nakita ang matalim na tinging ipinukol nito sa kanila ni Don Enrique nang walang pasintabi itong tumayo't umalis.

My Love My Hero Andro - Laurice Del RioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon