Chapter 9

492 11 0
                                    

NAGMAMADALI sa pag-eempake si Charisse.

Ngayong nakapagpasya na siya'y dapat na agad kumilos bago pa magbago ulit ang kanyang isipan. Isa pa, ibig niyang samantalahin ang pagkakataon habang wala ang lalaki. Ayaw na niya ng komprontasyon. Balak niya'y mag-iiwan na lang ng note na nagpapaliwanag kung bakit siya umalis.

Mas natagalan siya kesa inaasahan. Patanghali na nang matapos siya sa pag-aayos ng gamit. Hustong nakapagbihis na siya't ibababa na lang ang kanyang bag nang marinig ang ugong ng sasakyang pumasok sa bakuran. Kasunod niyon ang tunog ng bumukas-sarang pinto.

Nanigas si Charisse, hindi malaman kung itatatago ang bag o haharapin na lang ang lalaki't ipapaalam ang pag-alis niya.

Bago pa siya makapagpasya'y may kumatok sa pinto ng silid. Katulad niya'y isang estatwa—hindi makagalaw, hindi rin makapagsalita. Mayamaya pa'y may pumihit sa seradura ng pinto't binuksan iyon.

Charisse, are you...‛ Natigilan si Andro at kagyat na nangulimlim ang mukha pagkakita sa bag na nakapatong sa kama.

Ano'ng ibig sabihin nito?‛ tahimik nitong tanong, ngunit kababakasan ng nag-aalimpuyong galit ang tinig.

E-exactly what it looks like. Aalis na 'ko,‛ kalmante namang sagot ni Charisse kahit pa halos mangatog na siya sa takot.

At saan ka naman pupunta, aber?‛

Sa... sa hacienda, saan pa ba?‛

So you're that anxious to be with my father, right?‛ Mas lalong dumilim ang anyo ni Andro.

O baka si Mike ang—‛

Hindi pa 'ko nasisiraan ng bait para magmadaling makita si Mike matapos ang ginawa niya. Kung gusto ko man siyang makita, iyon ay para isumpa't sumbatan siya.‛

Pwes, bakit ka aalis? Hindi naman kita pinalalayas sa pamamahay ko.‛

Hindi mo ba naiintindihan? Kailangan kong ipagpatuloy ang paglilingkod sa papa mo. Iyon lang ang paraan para ako'y makalaya.‛

I can't let you go.‛

Kailangan dahil...‛

Don't you understand? Hindi makabubuti sa iyo ang manatili sa Hacienda Madrigal. You don't know what my father is capable of doing. Hindi man siya ang direktang gumawa ng kasalbahihan sa iyo, hindi rin siya mangingiming ipain ka sa iba para isulong ang sarili niyang kapakanan.‛ Gusto na siyang yugyugin ni Andro at baka sakaling kapag naalog ang utak niya'y matauhan siya.

I have no choice,‛ mahinang saad ni Charisse.

May kasunduan ang Inay at si Don Enrique. Ang pagtupad sa binitawang salita, iyon na lang ang maipagmamalaki ng aming angkan.‛

What about me? Paano ang utang mo sa akin?‛

Natahimik si Charisse. Napayuko. Pakiwari niya'y napakaaba ng posisyon niya nang mga sandaling iyon. Lubog siya sa utang sa mga Madrigal, mapa-ama o mapa-anak.

H-hindi ko alam kung paano ka namin babayaran,‛ aniya sa tinig na hindi na halos marinig.

"There is a way."

Napaangat ang ulo niya. May kung ano sa tinig ni Andro na kinahimigan niya ng panganib. At nang magtama ang kanilang paningin ay kagyat niyang naintindihan kung ano ang paraang tinutukoy nito upang makabayad siya sa pagkakautang.

"No." Ipinipilig niya ang ulo, napaurong siya.

"Oh, yes," kumpirma ni Andro na lumapit naman sa kanya.

"Ganoon ka ba kasama para—"

"Haven't you realized by now? I am my father's son."

Napapiksi si Charisse nang abutin nito ang braso niya't hilain siya. Gayunpaman, hindi siya pumiglas nang sapuin nito ng dalawang palad ang kanyang mukha't dampian ng halik ang kanyang mga labi.

My Love My Hero Andro - Laurice Del RioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon