Chapter 8

460 11 0
                                    

"MAHIGIT isang linggo sa ospital si Charisse bago siya pinayagang umuwi.

Inay, ano pa ang hinihintay natin?‛ tanong niya sa ina. Nailigpit na ang lahat ng gamit sa silid niya at inaasahang aalis na sila.

Si... Andro.‛

Bakit kailangan natin siyang hintayin?‛ Agad naalarma si Charisse.

Kabilin-bilinan niya iyon,‛ paliwanag ni Aling Choleng.

Huwag na natin siyang hintayin. Tayo na.‛

Habang nagpapagaling siya, malimit na dumadalaw sa ospital ang lalaki. Madali siyang pakitunguhan dahil madalas inaantok si Charisse dahil sa gamot na iniinom. Pero ngayon, malakas-lakas na siya at mas alam na ang nangyayari sa paligid. Tiyak na matetensiyon na naman siya.

Ano bang 'wag na siyang hintayin, eh, siya nga ang magbabayad sa ospital?‛

Hindi na nakaimik si Charisse. Maya-maya ay bumukas ang pinto.

Good morning. Sorry kung natagalan ako. May dinaanan pa kasi ako,‛ nakangiting bati ni Andro. ‚O, handa na pala kayo. Tayo na.‛

Binuhat nito ang bag na lalagyan ng gamit saka inalalayan siyang sumakay sa wheelchair.

Kaya ko na,‛ tanggi ni Charisse, ngunit hindi pinansin ng lalaki ang sinabi niya.

Pinaghintay sila ni Andro sa lobby ng ospital habang kinukuha nito ang kanyang sasakyan. Pagkuwa'y tinulungan ulit nitong sumakay si Charisse sa likod samantalang si Aling Choleng naman ay sa passenger's seat nagtungo.

Ihahatid mo ba kami hanggang San Geronimo?‛ nalilitong tanong ni Charisse.

Sino'ng may sabing uuwi na kayo sa San Geronimo? Hindi mo pa kayang magbiyahe nang malayo at—‛

Pero sabi ni Inay ay—‛

My fault. Iyon ang ipinasabi ko sa kanya. Alam ko namang magpoprotesta ka nang katakut-takot kung malalaman mo agad na sa bahay ko muna kayo lalagi.‛

Nagtama ang paningin ni Charisse at Aling Choleng sa salamin, at sa mga mata ng ina'y namalas niya ang piping paghingi ng paumanhin.

Kina Tiya Saling na lang—‛

Mag-isip ka, Charisse,‛ sabad ni Andro. ‚Sa palagay mo ba'y may panahon pa ang tiyahin mong mag-alaga sa iyo?‛

Hindi siya nakaimik. Tama si Andro. Masyadong abala na ang kanyang tiyahin.

At ikaw ay maraming libreng oras, ganoon ba?‛ may anghang niyang tanong.

Marami akong makakatulong. Nandiyan ang inay mo. Meron akong maid at maaaring kumuha ng private nurse kung kinakailangan,‛ napapangiting tugon ni Andro.

Huwag na. Mabilis lang akong lalakas,‛ ani Charisse.

Pagdating sa bahay ay si Andro pa rin ang tumulong sa kanya papunta sa magiging silid niya.

Rest. Iyon ang kailangang-kailangan ng iyong katawan. Kung may kailangan ka, 'wag kang mag-atubiling magsabi, okay?‛ bilin nito matapos siyang alalayang humiga sa kama.

Tumango si Charisse.

Iiwan na muna kita para makapagpahinga ka.‛ At umakma si Andro na lalayo na.

‚Andro,‛ tawag ni Charisse bago ito makalabas ng silid.

"Yes?" Bumaling sa kanya ang lalaki.

"Maraming salamat. For everything."

Isang ngiti lang ang itinugon doon ng lalaki.

My Love My Hero Andro - Laurice Del RioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon