Chapter 10

846 17 0
                                    

"TILA nahulaan ni Don Enrique ang iniisip niya.

Napamulagat ang mga mata nito. Halatang natakot.

Parang... awa... mo na. Tulungan... m-mo 'ko. Pangako, ibibigay ko sa 'yo... ang kalahati ng... mga ari-arian ko.'

Noon parang may ilaw na nagsindi sa isip ni Charisse. Kung gagantihan niya ng kasamaan ang kasamaang ginawa sa kanya, parang mas magiging masahol pa siya sa pinakamababang uri ng nilalang.

Hindi kagaya n'yo, ako'y tumutulong kahit walang kapalit,' saad niya saka tumakbo sa bintana para tawagin si Tero.

Dahil kay Charisse ay naligtas sa kamatayan si Don Enrique. Kaagad itong sinaksakan ng pampatunaw ng blood clot at sinuwerteng nagbukas ulit ang ugat nitong nabarahan. Hindi pa ito makakilos; subalit ayon sa paunang pagsusuri, nakikini-kinita na ng manggagamot na tumitingin dito na ang pinakamasamang puwedeng mangyari ay ang makulong ito sa wheelchair.

But that's the worst case scenario. Sa pamamagitan ng therapy, baka makuha n'yo pa rin ang dati n'yong mobility. Kung ano't ano man, dapat pa rin kayong magpasalamat,' ani Dr. Romero. 'Kung di pa kayo agad nadala sa ospital, malamang ay namatay na kayo, 'di kaya'y naging isang gulay.'

Tumangu-tango lang si Don Enrique saka ipinikit ang mga mata. Nanatili naman si Charisse sa silid nito. Walang nag-utos sa kanyang bantayan ang don, ngunit walang ibang magbabantay kaya nagkusa na lang siya.

Hinihintay mo kasi si Andro.

Napatda siya. Iyon ba ang ginagawa niya? Ang hintaying dumating ang anak ni Don Enrique na kanina pa lang nasabihan ng pangyayari?

'Bakit ko siya hihintayin? Wala na kaming dapat pag-usapan pa.'

Nang maalala niya ang namagitan sa kanila, pati na ang damdaming natuklasan niyang inilalaan dito ay dagli siyang nataranta. Napiho niya, hindi niya kayang harapin si Andro.

Napabalikwas siya. Dali-daling lumabas ng silid at hinanap ang isang nurse."

P-pakibantayan si Don Enrique. Uuwi lang ako sandali,‛ sabi rito at nagmamadali nang umalis bago pa makasagot ang pinakiusapan.

Umuwi nga sa kanila si Charisse at si Aling Choleng ang pinapunta sa ospital.

Dalawang araw lang ang inilagi ni Don Enrique sa pagamutan. Ayon na rin sa kuwento ng kanyang ina, nalaman ni Charisse na pagdating ni Andro ay inasikaso agad nito ang paglilipat sa ama sa ospital sa Maynila.

Mabuti naman kung ganoon,‛ sabi niya.

Huwag kang malungkot, anak. Ligtas na si Don Enrique, salamat sa iyo. Kung ako lang... baka nga... baka nga hinayaan ko na lang siyang mamatay,‛ may pait sa tinig na usal ni Aling Choleng.

Huwag n'yong sabihin 'yan, Inay. Hindi dapat paghihiganti ang mamayani sa ating puso,‛ malumanay sa saway ni Charisse.

Suwerte pa si Don Enrique at bigla kang napapunta sa hacienda. Hindi ko pa nga pala naitatanong kung bakit ka nagtungo roon.‛

Para ituloy ang pagbabayad-utang natin.‛

Pero ang akala ko'y nagkaintindihan na kayo ni Andro sa bagay na iyon.‛

Walang kinalaman si Andro sa pagkakautang natin sa papa niya.‛

Hindi pala niya nabanggit sa iyo?‛ gulat na wika ni Aling Choleng.

Ang alin, 'Nay?‛

A, wala.

Baka hindi lang kami nagkaintindihan,‛ ani Aling Choleng matapos saglit na mag-atubili.

Hindi na kumibo si Charisse. Sapat na ang mapag-usapan si Andro para manariwa ang kirot sa puso niya.

MATULIN ang paglipas ng panahon. At habang dumadaan iyon ay unti-unting nawawala ang kakatiting na pag-asa ni Charisse na magtatagpo pa ang landas nila ni Andro.

My Love My Hero Andro - Laurice Del RioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon