CHAPTER 3

10 1 0
                                        

Koa's POV

Sabay kaming pumunta ng lalaki sa office ng Dean. Kapag talaga katabi ko ang lalaking eto, parang higante. Ang tangkad. Ang kinis, ang puti pa tapos napakaamo ng mukha. Masasabi talagang isa akong Omega. Ang liit ng katawan ko kumpara sa isang Alpha.

"What're you looking at?", may diin nitong tanong sa angit. Ang sungit! Anong nagustuhan ni Leigh sa taong ito?

Umiling ako. "W-Wala . . . b-bakit ba?"

Hindi niya ako sinagot at binuksan niya na lang ang pintuan. Bumungad sa amin ang amoy ng opisina ng Dean. Nakakahilo.

"Ayy, my very well-educated and smart students. Come in, come in. Sit down, sit down.", bungad sa amin ng Dean. Naunang umupo si Mikhael kaya umupo narin ako kaharap niya.

"You called, Sir?", walang prenong tanong ni Mikhael sa Dean.

"Yes, yes.", pagsang-ayon naman neto at umupo. Wala paring reaksyon ang lalaki.

"Yesterday, there's a memorandum about a contest for students. Mostly the topics are about AI and I know, 'yun ang lessons ninyo. I called you two 'cuz you will be the representative for our school. Exactly, dalawa ang contestants na need sa contest.", explain ng Dean sa amin.

"I'm not free." kaagad namang sagot ni Mikhael. Kita mo talaga ang bibig ng lalaking ito, walang kupas. Kakatapos lang ipaliwanag yung contest, hindi agad ang sagot. Binigyan ko siya ng masamang tingin pero nagtatanong ako.

"What?", walang reaksiyon niyang tanong sa akin.

"Mikhael, my boy . . .", ang Dean at napasiklop ng kaniyang mga palad at itinungkod sa ibabaw ng lamesa. "This is a . . . a regional contest and speaking of regional, dapat ang ating mga contestants nito are those who are . . . well-educated deserving and brainy.", saad ng Dean at nakita kong umangat ang kilay ni Mikhael.

"That's the purpose, Sir. The purpose of the contest is to let everyone experience to enhance their skills and knowledge. We should let everyone try to participate on this contest. It isn't just because we need a well-educated contestants, you just immediately choose me and Koa. Isn't it too biased? Are you saying that other students don't deserve and isn't well-educated like us to be in this contest? Just because they're not on top of the class, and don't have good grades, it doesn't mean they are not worthy on this contest.", napangaga kami pareho ng Dean sa sinabi niya.

Tumayo siya at nakasunod naman ang mata ko sa gawi niya.

"I'm sorry, Sir. I can't accept this. I'll excuse myself now.", ani Mikhael at lunabas ng office ng Dean.

Napatingin ako sa pintuan kung saan lumabas ang lalaki bago ako bumalik kay Dean.

"Are you in, Koa?", tanong ng Dean sa akin ng may ngiti sa mukha. Napangiti na rin ako. Contest na to at baka, makakatulong ito sa pag-abot ng goal ko na maging valedictorian since ayaw ng lalaking 'yon.

Tumango ako kay Dean at napapalakpak naman siya. "Ay, ganyan! Ganyan ang gusto ko. Pero Koa . . .", saad neto at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Baka naman pwede mong kumbinsihin si Mikhael."

"A-Ay, naku p-po. H-Hindi po kami close nun.", saad ko naman kay Dean. Totoo naman ah. Hindi kami close nun.

"Kahit na. Just try, hm? Malay mo ba ka pumayag siya, okay?", nakatingin ako sa mukha ng Dean at naguguluhan ako sa isadagot ko kaya, tumango na lang ako.

"That's good. That's good. Thank you, Koa. You may go.", saad nito. Tumayo naman ako at nagpaalam na.

Padabog akong lumabas sa opisina ng Dean dahil sa lalaking 'yun.

"Ang pangit ng ugali! Bwesit naman. Ang hirap-hirap na nga talunin, nagpapakipot pa. Akala mo naman kung sinong magaling. Nakakaiー", naputol ang pagdadabog ko ng makita siyang nakasandal sa wall frame habang naka-cross ang mga mamay niya sa dibdib niya. Nakasuot kasi siya ng white na long sleeve shirt tapos nakatupi hanggang sa siko niya. Napaayos naman ako sa lakad ko.

"Ay, nandiyan ka pala.", saad ko pero tinignan lang ako ng lalaki ng walang reaksiyon. Ang tigas ng mukha ah. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, saka siya tumalikod at naglakad.

Sinundan ko siya at kaagad hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Shemz, ang tigas!

"Huy . . .", tawag ko sa kaniya. Narinig niya naman ako kasi huminto siya, at tumingin ulit sa akin. Tinaasan niya ako ng isang kilay niya.

"A-Ayaw mo ba talaga?", mahinhin kong tanong sa kaniya. Mahirap na kapag nagsungit ulit.

"Did the Dean told you to convince me?", seryoso niyang tanong sa akin. Umiling naman ako.

"Lies. I know he did. I know you're too desperate to surpass me, to defeat me, Koa. Kaya ka pumayag sa contest na 'yon. But you just keep on struggling to reach me. Para malamangan ako.", seryoso niyang saad na ikinasama ng timpla ng mukha ko.

"Sige, babatukan kitang lalaki ka. Ano pa bang magagawa mo eh pinili ka nga!? Napaka-arte mo naman!", galit kong saad sa kaniya.

I saw a smirk formed on his lips at naglakad siya papalapit sa akin. Isang galaw niya lang ay halos magkadikit na ang mukha namin.

"I'm easy to defeat, Koa.", aniya at ngumisi sa akin. "And you know my weakness."

Bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumisi sa akin si Mikhael. Hindi ko pa 'to nakitang ngumiti sa buong buhay ko dito sa university kaya, nakakapanibagoーnakakakilabot. Umayos na siya ng tayo kaya nakahinga ako ng maluwag.

"You're really is an Omega.", aniya na nakatingin sa akin.

"A-Ano namang p-problema mo dun?", ani ko.

"Nothing.", sagot niya naman.

"Pumayag ka na kasi. Papakipot ka pa. Palagi ka na lang may chance, sinasayang mo pa."

"No, I won't.", pagmamatigas niyang sabi.

"Is this yours?", maya-maya niyang saad at may ipinakita sa akin. Ang Gojo keychain ko. Ano ba naman!

"Akin na 'yan! Ano ba? Nangunguha ka ng hindi sa'yo!", bulyaw ko sa kaniya pero mas itinaas ng lalaki ang kamay niya para hindi ko maabot 'yon.

"Mikhael akin na!"

"Go. Get it."

Tumatalon-talon ako para maabot ko yung keychain ko. Nang maabot ko ay ayaw naman bitawan ng lalaki. Iwinaksi ko ang kamay niya para bitawan ang keychain ng pareho kaming may matamaan sa likod. Sa isang iglip ay biglang nabasag ang vase na nasa tabi namin. Isa sa mga collection ng Dean. Malaki ang vase kaya malakas ang ingay na nagawa. Pareho kaming napatulala ni Mikhael.

"Dios mio!", sigaw ng Dean at nilapitan ang vase. "Anong ginawa niyo!?", masamang nakatingin sa amin ang Dean.

"Mikhael, Koa! To my office, now!", sigaw sa amin ng Dean kaya sinamaan ko ng tingin si Mikhael. Sinisisi ko siya. Bwesit! Paano kapag mawalan ako ng scholarship? Naku! Patay na.




[AES1] Loving Him  Where stories live. Discover now