Chapter 1

3 0 0
                                    

"Ma'am uuwi na po ako nandito na po ang sundo ko" Magiliw na sambit nang lalaking studyante ni Kaena. Pasado alas kwatro na iyon nang hapon at kanina pa natapos ang klase nila. Tanging ito na lamang ang naiwan roon dahil wala pa ang mag susundo sa bata. Hindi niya naman ito pinapayagang lumabas nang wala pa ang mga magulang nito dahil baka mapano ang bata.

"Nandiyan na ba ang mga magulang mo Gian?" tanong niya sa bata. "Opo ma'am mauna na po ako, ba bye po" nakangiti pang sambit nito bago hinawakan sa braso ang ina na nginitian naman si Kaena. Tinanguan niya ito bago tumalikod at nag lakad paalis ang dalawa.

Iniligpit naman ni Kaena ang ilang mga maninipis na libro na nasa kaniyang table saka iyon inilagay sa book shelves. Pagkatapos ay nag walis muna siya sa loob nang classroom at sinigorado niyang malinis na ang buong paligid bago niya mapag pasyahang umowi na. Inilock niyang maigi ang pinto at pagkatapos ay nag lakad na siya papunta sa kalye para mag bantay nang masasakyan pauwi.

Hindi niya kasi na dala ang kaniyang auto dahil ipinaayos niya pa iyon sa talyer at bukas niya pa iyon makukuha kaya naman mag ko commute na lang muna siya papunta sa kaniyang maliit na bahay.

Napapabuntong hininga na lamang si Kaena nang halos trenta minuto na siyang nakatayo roon ay wala paring dumadaan na sasakyan. Naiinip na siya at mukhang uulan na rin dahil sa makapal na ulap na nag kukulay abo na din senyales iyon nang malakas na pag ulan.

ilang minuto pa nga ay biglang bumuhos ang ulan gamit ang dala niyang plastic envelope ay inilagay niya iyon sa kaniyang ulo para hindi siya mabasa habang mabagal siyang tumatakbo papunta sa kung saan na pupwede niyang ma silongan. Dahil sa suot na takong na may haba nang 2inchess ay hindi siya maka takbo nang mabilis dahil baka ma tisod siya.

Nang makakita siya nang isang waiting shade na walang tao ay nag tungo siya roon. Basa na ang manggas nang kaniyang suot na uniporme at ang kaniyang likuran ay nararamdaman niyang nabasa na rin. Kumuha siya nang tissue sa kaniyang bag at pinunasan ang kaniyang mukha na ngayon ay basang basa dahil sa mga butil nang tubig ulan na tumama sa kaniya. Nang humupa na ang ulan ay medyo ma dilim na rin ang paligid sakto naman mayroong taxi na dumaan kinaway niya ang kaniyang kamay para parahin ito.

Pero hindi siya nito hinintoan. Sa inis ay minabuti niya na lang na mag lakad pauwi, mabuti na lamang ay parati siyang may dalang flat sandal sa kaniyang bag. Inilabas niya iyon para suotin at binitbit na lamang ang kaniyang heels. Dahil medyo kalayuan sa skwelahan ang kaniyang tinitirhan ay inabot siya nang kwarenta minutos bago nakarating sa maliit niyang bahay.

Nilabas niya ang susi sa kaniyang bag para ma buksan ang kaniyang maliit na gate. Nang makapasok ay isinara niya iyon at binuksan naman ang front door, kadiliman ang tumambad sa kaniya. Binuksan niya ang ilaw at inilapag niya sa mahabang upuan ang dalang bag at envelope. Nilagay niya naman sa shoe rack ang bitbit na heels pagkatapos ay umakyat siya para mag tungo sa kaniyang silid.

Maliit lamang ang kaniyang bahay na naipatayo niya noong mag loan siya matapos maka pasa nang LET. Kahit na ma liit lamang ang sweldo nilang mga guro ay pa unti unti niya naman iyong nabayaran. Tuwing weekdays ay tutor naman siya nang anak nang isang mayor medyo malaki rin ang nakukuha niyang bayad roon na nakatulong para sa kaniyang pang araw araw na pangangailangan.

Ang kaniyang mga magulang ay parehong namatay dahil sa isang aksidente na tinamo nang mga ito. Ayun sa mga pulis na nag imbistiga ay nawalan umano nang preno ang minamanihong sasakyan nang mga ito na naging sanhe nang kanilang disgrasya nang mawala ang mga magulang ay gumuho ang mundo ni Kaena isama pa roon ang balitang na lugmok sa utang ang mga magulang dahil sa pagkakasino nang mga ito.

Kahit pa sabihing aksidente ang nangyare, alam ni Kaena na hindi iyon aksidente posibleng pinatay ang kaniyang mga magulang at pinalabas lamang na aksidente ang nangyare. Pero kahit na anong gawin niya noon para mabigyan nang hustisya ang pagkawala nang mga ito ay wala ring silbi dahil wala naman siyang ibedensya na mag papatunay na isa iyong murder case. Hanggang sa hinayaan na lamang niya ito at nag fucos sa kaniyang career bilang isang teacher.

Unspoken Longing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon