"Mika? ayos ka lang ba anak? Natahimik ka riyan" untag nang ina ni Mikaella na nakapag pabalik sa kaniya sa huwisyo. "Oo naman ma, may naisip lang ako" sambit niya na lamang rito. "Oh, siya tawagin mo na si Steaven at nang makapag hapunan na kayo".
Nasa balkunahe si Steaven nakatanaw lang siya sa ma dilim na paligid nang buong kabahayan napapa pikit pa siya habang ninanamnam ang malamig na simoy nang hangin. Napaka sarap niyon sa pakiramdam at animoy na re relax ang kaniyang katawan. Maya maya pa ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone kaya napamulat siya at dinukot ito sa kaniyang bulsa at pinindot ang answer button.
Itinapat niya ang aparato sa kaniyang tainga. "Sir , na kuha ko na po ang resulta" sambit nang nasa kabilang linya. "Good, sasabihan nalang kita kung kailan tayo mag kikita" wika niya at kaagad na pinatay ang tawag dahil na ramdaman niya kasi ang biglang pag bukas nang sliding door kung saan siya na roroon.
"Nandito ka lang pala, halika na sa baba at nang makapag hapunan na tayo" si Mikaella iyon na kapapasok lamang. Tinanguan lamang siya ni Steaven at saka ito nag patinguna sa pag lalakad.
Kanina pa natapos ang klase ni Kaena pero nagkaroon sila nang meeting kaya kinalangan mo nilang um-attend. Medyo natagalan din sila na inabot na nang alas syete nang gabi bago natapos.
"Tara na?" Sambit ni Faith
"May dala kabang kotse?" Tanong pa nito. Napakamot naman sa batok si Kaena dahil hindi niya nga dala ang auto niya dahil nagka aberya na naman iyon masyado na kasi itong luma at kailangan na talagang palitan nang bago pero kulang na kulang pa naman ang sweldo niya pambili nang bagong auto. Kaya nag ko commute na lamang siya ngayon mensan naman ay nag bo volunteer si Justine na ihatid siya."Wala akong dala e, nag ka aberya na naman kasi kaya kailangan ko na namang ipaayos" sagot niya rito. "Walang problema, mag papasundo nalang tayo sa pinsan ko. Nag text nako sa kaniya kanina, wait nalang natin sa kalsada" Saad nito habang nag lalakad sila pa tungo sa kalsada sakto namang may pumarang itim na sasakyan doon.
Agad na ibinaba nito ang salamin nang kotse kaya nakita kaagad ni Faith "Andiyan na pala siya" nang sulyapan ni Kaena ang lalaki sa driver set ay napakunot siya nang noo nang mapag sino ito. Mag sasalita palang sana siya nang maunahan siya nito. "Hello, batch mate dito ka pala nag tatrabaho?" Anito. Napa tingin naman si Faith sa pinsan at sunod ay kay Kaena. "Do you know each other guys?" Parang gulat pa ito habang nag tatanong.
"Ah Oo magka batch nga kami noong high school, Andrew right?" sambit naman ni Kaena hindi niya sukat akalain na mag pinsan pala ang dalawa. Tsaka paano nga ba niya makakalimutan ang taong ito na siyang matalik na kaibigan nang taong lihim niyang iniibig.
Habang nasa byahe sila ay dinadaldal siya nito. Matalik na mag kaibigan noon si Andrew at si Steaven nang highschool hindi niya alam kung may communication paba ang dalawa mag mula nang lumipat sa UK ang pamilya nang lalaki para doon siya makapag college.
"Ang tagal na, hindi ko alam na same pala kayo nang skwelahang pinag ta trabahuan nang pinsan ko" ngumiti lang nang tipid si Kaena rito. "Hindi ko nga alam bakit nang teacher to e napaka short tempered naman" tudyo nito sa pinsan na si Faith na ginatungan pa nang tawa kaya binatukan naman siya agad ni Faith na nasa front seat.
"Hayst as if namang may choice akong kunin kong anong course ba talaga ang gusto ko" naka simangot na sambit ni Faith. Napag alaman niya na desisyun pala nang mama ni Faith ang pag te teacher kaya hindi siya nag karoon nang pag kakataong kuhanin ang gusto niyang kurso which is ang pag do doktor. Ganun talaga ang buhay mensan ay kung ano ang gusto nating maging sa hinaharap ay hindi natin kayang e achieve o abutin kasi taliwas iyon sa gusto nang ating mga magulang.
Ako naman hindi ko nga din alam kung bakit ba ako nag teacher kasi sa katunayan hindi talaga ito ang gusto ko. In embrace ko nalang since nandito narin naman ako, beside nakakatuwa din sa pakiramdam na naibabahagi natin ang ating kaalaman sa mga bata kahit na kung mensan ang daming nang da down sa mga teacher. Kisyo guro lang daw tayo, but little did they know that tayong mga guro is may malaking parte sa mga mag aaral na kung wala tayong mga guro walang mga magagaling na engineer, doctor, lawyer, nurse at marami pang iba.
BINABASA MO ANG
Unspoken Longing
RomanceNang dahil sa isang liham na nag lalaman nang confession ay hindi ma pigilan ni Kaena ang pag guhit nang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi niya alam na gusto rin pala siya nang taong lihim niyang minamahal. When she was about to confess h...