Chapter 9

1 0 0
                                    

Busy si Kaena sa pag lilinis nang bahay dahil holiday ngayon kaya wala siyang pasok. Tamang tama kinakailangan niya nang mag general cleaning sa kaniyang tahanan. Dahil nga isa siyang guro at namumuhay nang mag isa bihira lamang siya makapag linis nang buong bahay dahil sa dami nang paper works na ginagawa niya pagka uwi nang bahay.

Ganito siguro kapag mag isa at walang katuwang sa buhay. Yung mga kapwa guro niya na may mga asawa na ay ini encourage na siyang mag asawa nang sa ganon ay may kaagapay naman siya sa buhay. She's already 23 years old pero no boy friend since birth pa din kaya papaano siyang makaka hanap nang tamang lalaki na masasabi niyang pwede niyang makasama habang buhay kung ni experience nga sa love life ay hindi pa siya nakaka ranas.

It's all because she was waiting for this person na bumalik kaya maraming taon siyang na sayang at marami din siyang mga suitors na binasted. Bata pa naman siya kaya hindi niya kinakailangan na mag madali sa pag aasawa besides marami pa siyang gustong gawin bilang isang dalaga saka na siguro papasok sa isip niya ang pag aasawa kung mahahanap niya na ang lalaking para sa kaniya. For now, fucos lang muna sa career bilang guro.

Makalipas nga ang ilang oras na pag lilinis ay nag decide na siya na mag luto nang tanghalian nakapag saing na naman siya at ngayon ay ulam na lamang ang lulutoin niya. Mabuti na lamang ay naka bili siya nang pork kahapon at inilagay lamang iyon sa ref para hindi mangamoy at ma sira. Dahil may mga gulay pa siya sa ref ay na isipan niya na lang na mag luto nang sinigang para sa tanghalian. Saktong pagka luto niyon ay may ilang mga katok siyang na rinig sa labas.

Sa pag aakalang si Justine iyon ay kaagad niyang tinungo ang pinto para pag buksan ito. Subalit ganon na lamang ang gulat at pag tataka niya nang makitang hindi si Justine ang nakatayo sa harap nang pinto. Dalawang lalaki ito na hindi siya familiar sa mga mukha nito.

"Pasensya na miss bukas ang gate kaya pumasok na kami" anang lalaki na medyo bilugan ang mukha. "Ikaw ba si Kaena Calderon?" tanong naman nang isa na may hawak hawak pa nang kaniyang litrato na ngayon lamang niya napansin. Nilukob nang pangamba ang puso ni Kaena nang mga sandaling iyon. May mga nag lalarong katanungan sa kaniyang isip una na roon ay kung sino ang mga ito? bakit siya kilala nang mga ito? anong kailangan nila sa kaniya?.

"A-ah bakit anong kailangan niyo?" may bahid nang kaba sa tono nang buses niya mahigpit ang pagkaka hawak niya sa pinto. Kapag may maling kilos siyang mapansin sa mga ito ay agad niyang isasara ang pintoan kaya hinahanda niya na ang sarili. "Pwede ba kaming pumasok?" Anang lalaki na bilugan ang mukha. "H'wag kang mag alala hindi naman kami masasamang tao e katunayan nga niyan pinapunta kami rito nang lolo mo" sambit nang lalaking may hawak hawak nang kaniyang letrato.

Tila na bingi sandali si Kaena pagka rinig niya sa sinabi nitong pinapunta nang kaniyang lolo ang dalawang lalaking ito sa bahah niya. Impossible baka na mali lang siya nang rinig. Dahil nong bata pa siya ay hindi niya na , na meet pa ang kaniyang lolo dahil ang sabi nang nanay niya ay matagal na itong nasa langit. Sa kaniyang ama naman, ang sabi hindi paman ito nag bibinata ay pumanaw na ang ama kaya sinong lolo ang tinutukoy nang dalawang ito. Baka naman nililinlang lamang siya nang dalawa. Kailangan niyang maka sigurado.

"Pano niyo nasabi na lolo ko siya?" matapang niyang sambit sa mga ito. "Sasabihin namin Pero pwede bang papasukin mo muna kami at pa upoin? kanina pa nangangalay ang mga binti namin kakatayo" ani nang bilugan ang mukha. Nag aalangan man ay niluwagan ni Kaena ang pag kaka bukas nang pinto at pinapasok ang dalawa. Kaagad namang naupo ang dalawa at sinimulan na ang pag papaliwanag.

Ipinaliwanag nang mga ito na hindi tanggap nang ina ni Kaena ang ama nito na siyang lolo niya. Iyon ay dahil sa pag aakalang pinabayaan sila nito kaya namuhi siya sa kaniyang ama at hindi ni nais nito na mapalapit si Kaena rito at kilalanin itong lolo niya. Sinabi din nang mga ito na mag mula nang ma lamang na matay sa aksidente ang mga magulang ay hinanap siya nang kaniyang lolo. May tao pa itong inutusan na mag bantay sa abandonadong bahay nag babakasakali na muling pumunta roon ang dalaga.

Unspoken Longing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon