Chapter 2

1 0 0
                                    

Maagang nagising si Kaena at nag handa nang kaniyang almusal. Pagkatapos niyang kumain ay kaagad siyang nag tungo sa banyo para maligo. Nag bihis lamang siya nang white trouser pants at pinarisan niya iyon nang black na pulo na inipit niya sa kaniyang pants. Nilugay niya lang din ang mahaba at straight niyang buhok  at nag suot siya nang plain white na sapatos.

Bukod sa madali itong kapitan nang dumi, hindi niya maitatanggi na bumabagay iyon sa anumang outfit ang isuot niya. Nang matapos na siyang mag ayos ay sinigorado niyang na e lock niya nang maayos ang bahay bago siya lumabas at nag tawag nang tricycle. Pupuntahan niya muna sa talyer ang auto na pinaayos niya para hindi na siya mahirapan sa mga dadalhin niyang groceries mamaya.

Mahirap mag commute lalo pa kung may marami kang mga dala-dala dahil karamihan sa mga driver na mapang abuso ay pinababayaran din ang mga dala mo. Nang marating ang lokasyon na pinag paayusan niya nang kaniyang auto ay ibinaba siya nang driver sa mismong tapat nang talyer, inabot niya ang bayad dito pagkatapos niyang bumaba sakto at nag bubukas na ito nang maabutan niya.

"Magandang umaga ho kuya" bati niya sa lalaki na naroon "Okay na po ba yong pinaayos kung auto?" Magalang niyang tanong rito kaagad naman siyang na kilala nito. "Ay, opo ma'am okay na po. Subukan niyo pong e restart ma'am" sambit nito. Binuksan naman ni Kaena ang kotse at pumasok sa driver's seat in-start niya iyon at napangiti nang mapag tantong okay na nga ito hindi kagaya nong nakaraan na parang nag hihingalo ang tunog nito sa tuwing sinusubokan niyang buhayin ang makina.

"Salamat ho kuya" Nakangiti niyang sambit dito sabay abot nang bayad. Ngumiti naman pabalik ang lalaki. "Walang anuman ho ma'am ingat po kayo" isang ngiti pa ang ibinigay niya rito bago niya lisanin ang talyer. Pakanta kanta pa siya habang nag mamaneho papunta sa department store. Nang makarating ay kaagad niyang pinarada ang sasakyan sa bakanteng lote at saka tinungo ang entrance pagka pasok sa loob ay kaagad siyang kumuha nang shopping cart.

Una niyang pinuntahan ay mga canned goods kumuha lamang siya nang ilang mga delata. Pagkatapos ay mga cup noodles. Kumuha rin siya nang bacon at ham at iba pang mga ready to eat na mga pagkain.She knew processed foods aren't good in our health pero kasi madalas siyang pagod kapag uuwi galing schools at tinatamad na mag luto dahil marami pa siyang gagawin na mga paper works na kailangang tapusin that's why she has always have ready to eat foods na stocks sa kaniyang cabinet and fridge. Bumili rin siya nang ilang supot nang biscuits lalo pat madalas siyang ma gutom sa madaling araw. Lalo na mensan ay tinatamad siyang bumangon para mag luto.

Sunod ay nag punta naman siya sa mga toiletress section, bumili siya nang mga personal niyang gamit katulad nang shampoo, conditioner, lotion at ilan pang mga needs niya. Nang matapos ay mabagal niyang tinutulak ang kaniyang shopping cart at sa hindi inaasahan ay nabangga niya ang nakatalikod na babae roon. Nagulat naman si kaena at hindi muna nakapag salita, hindi niya rin kasi nakita ito dahil nawili siya sa pag titingin tingin nang ibang mga paninda roon.

"Ano ba naman 'yan bakit ba kasi hindi ka tumi_" nabitin ang sasabihin nang babae nang makita siya nito, maging si kaena ay tila na estatwa sa kaniyang kinatatayuan nang makilala niya kung sino ang babaeng na bunggo niya. Ilang minuto pa silang nagka titigan. Kumurap kurap so Mekaella bago tumikhim at nag salita. "K-kaena? Ikaw ba 'yan?" Parang natataranta ito nang makita si Kaena roon ang kaninang galit nitong mukha ay napalitan nang pangamba at pagka balisa na ipinag taka naman ni Kaena.

"Naku pasensya na Mika ikaw pala iyan mukhang na bunggo yata kita sorry ulit. Ngayon lang kita ulit nakita, kamusta kana pala" alanganing ngumiti si Mika sa kaniya saka natatarantang nagpa linga linga ito.

Kunot noo namang iginala ni Kaena ang kaniyang mga mata saka nag tatakang napasulyap kay Mikaella. "May kasama ka ba?" tanong niya tito base na din sa mga kakatwang ikinikilos nang kaharap na pakiwariy niya'y may hinahanap ito.

Unspoken Longing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon