Habang nasa byahe ay walang imik si Steaven ang isip niya ay naroon parin sa babaeng naka bangga nang sasakyan nila. Bakit ganoon ang epekto nito sa kaniya? bakit nang banggitin nito ang pangalan niya ay kakaiba ang naramdaman niya. Bakit ba siya nag kakaganito?. Ang personal driver niya naman na si Mang Ernie ay kanina pa pasulyap sulyap sa kaniya.
'Bakit kaya walang imik si sir?' tanong nito sa kaniyang isip. Hindi naman ganoon ka lakas ang naging banggaan kanina kaya hindi sila nasaktan pero baka nga nabagok ang ulo nang kaniyang amo at hindi lamang nito pinapahalata iyon. "Sir dadaan ho ba tayo sa hospital?" sambit niya dito na nakaagaw sa atensyon ni Steaven kaya napatingin ito sa kaniya. "Ano namang gagawin natin sa hospital?" wala paring emosyong tanong niya rito.
"Baka ho kasi may masakit sa inyo dahil sa nangyare kanina" isinandal ni Steaven ang kaniyang ulo habang daretso lang ang tingin sa kalsadang dinadaanan nila. "Hindi na natin kailangang pumunta nang hospital, I'm fine, let's just go home" hindi na lamang umimik si Mang Ernie sa sinabi nang kaniyang amo at itinuon sa kalsada ang buong atensyon habang nag mamaneho.
Mayroon lamang silang inasikaso at pauwi na nga sana nang mangyareng bumangga ang sasakyan nila sa sasakyan nang babaeng iyon. Nang makarating na sila sa Richwell Villa ay kaagad silang pinag buksan nang gate nang katulong kaagad namang umabante ang sasakyan papasok at huminto ito sa kanilang garahe. Kaagad naman na lumabas si Mikaella para salubongin ang dalawa. Walang emosyong bumaba nang sasakyan si Steaven kaagad naman siyang niyakap ni Mikaella nang tumuon ang pansin niya sa harapan nang kotse ay kunot noo itong bumitaw sa pagkakayakap at nilapitan ang kotse. Mas lalong napakunot ang noo nito nang makitang medyo malaki ang yupi niyon.
"Anong nangyare bakit ganito ang sasakyan may nangyare ba?" Alalang tanong niya na ikinalingon naman ni Steaven "Nag karoon lang ho nang banggaan ma'am habang pauwi kami rito" paliwanag mang personal driver ni Steaven na si Mang Ernie
"What?! nasaan na iyong naka bangga? aba dapat siyang managot rito pano kung napahamak kayo" hindi mapigilang sigaw ni Mikaella sa nalaman. Napapakamot na lamang si Mang Ernie sa biglaang pag taas nang boses ni Mikaella. "Calm down okay? besides wala namang nangyare samin it was all an accident" paliwanag ni Steaven dito na ikinairap lang ni Mikaella.
"What's going on here?" boses iyon nang tiyahin ni Steaven na nag lalakad papalapit sa kanila. Kaagad nag iba ang ekspresyon nang mukha nito nang makita ang yupi sa harapan nang kotse. "Oh my goodness! anong nangyare Steve? bakit__" alalang sambit nito napahawak na lamang sa noo si Steaven.
Bakit naman ganito sila umakto sasakyan lang naman ang nayupi at wala namang nangyareng masama sa kanila ni Mang Ernie. "Tita we're both fine naman ho ni Mang Ernie, there's nothing to worry about" sambit niya sa mga ito. "Paanong hindi kami mag aalala Steaven? naaksidente kana noon diba? kaya nga wala kang maalala ngayon tapos malalaman naming ka muntik ka na namang ma aksidente. Mabuti nalang talaga at na yupi lang ang sasakyan at walang nangyareng masama sa iyo" nang gagalaiti pang sambit ni Mikaella.
"Ikaw naman Ernie mag ingat ka naman sa pag mamaneho mo sa susunod" singhal nang tiyahin ni Steaven sa personal driver nito. "Opo ma'am pasensya na po" napapayukong sambit nito.
"Oh siya halina kayo sa loob" turan pa ni Avory na siyang tiyahin ni Steaven.
Kasalukuyang nakaupo si Kaena sa maliit niyang sofa sa sala habang lumilipad naman ang kaniyang isip. Hindi niya parin makalimutan ang naging pag haharap nila kanina ni Steaven at kung paanong hindi siya nito ma alala o matandaan. Anong nangyare dito at bakit parang wala man lang itong naging reaksyon nang mag kita sila kanina. Parang hindi talaga siya nito kilala at nasasaktan siya sa isiping iyon.
Pasado alas syete na nang gabi at hito siya hindi parin maalis sa kaniyang isip ang gwapong mukha nang lalaking matagal niyang hinintay. Napapabuntong hiningang tumayo mula sa kinauupoan si Kaena at nag tungo sa kaniyang silid. Doon ay ibinagsak niya ang kaniyang sarili sa malambot niyang higaan saka muling nilunod ang sarili kakaisip sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Unspoken Longing
Roman d'amourNang dahil sa isang liham na nag lalaman nang confession ay hindi ma pigilan ni Kaena ang pag guhit nang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi niya alam na gusto rin pala siya nang taong lihim niyang minamahal. When she was about to confess h...