Chapter 3

110 4 3
                                    

Nasa library kami ngayon habang nagsusulat ako ng lessons for Mathematics in the modern world, requirements para makatake ng final exam. Nagrereview na rin ako while nagsusulat, malapit na rin kasi after a week finals na namin. Tapos magkakaalaman na ng grades, kung makakapagstay pa ba kami or magshishift na.

Ganon kasi ang patakaran sa amin, if you'll not get an average of 85% or 2.0 maeeliminate ka na. Either lilipat ka ng school para magpatuloy pa rin pagiging educ mo or you'll just shift to another program. Kasi once you're eliminated, you can't go back anymore.

Depende na lang kung you shift sa AB English tas nagproprof-ed na lang.

"Gisingin niyo ko kung pupunta na tayong room, matutulog muna ako"inaantok na nga talagang sabi ni Lia.

"Natapos mo na ba yung lessons?"pagtatanong ko sa kaniya, may isa kasi kaming ipapasa ngayon.

"Oo"sagot nito saka napatakip ng bibig dahil napapahikab na naman siya. Kanina pa nga siyang ganiyan, buti na lang meron kaming one hour break.

"Sige, matulog ka na. Mukhang hindi ka pa nakakatulog"naiiling na sabi ni Henley kaya mas napapapikit na nga si Lia. She's been busy kasi sa pagtatapos nung ibang subject, sabi ko naman sa kaniya noon pa eh magsulat na siya. Eh mas gusto magcram ng gaga at kung kailan malapit na ang deadline saka pa siya maprepressure.

Napahilig na siya sa may mesa at natulog na, naiiling na lang akong inayos yung mga pens and notebook niya sa may gilid. Buti na lang at nasa unahan niya kami at kami ang nakatalikod sa harap ng librarian.

Ayaw pa naman niyang may nakikitang natutulog dito, sabi pa nga niya this is a place to study, not to nap. Pero ano nga bang laban namin sa antok lalo na at sobrang nakakadalang makita ang mga libro saka ang sarap ng hangin.

Nagpatuloy na lang kami ulit sa ginagawa namin ni Henley, may tinatanong pa nga ito tungkol sa lesson ng may lumapit sa amin.

Napaangat naman ako ng tingin at nakitang si Adrian pala pati yung guy na nagbigay sa akin ng jacket, right timing. Buti dala ko yung jacket.

"Okay lang ba siya?"pagtatanong nito sa amin saka naglagay ng jacket kay Lia. Nagkatinginan lang tuloy kami ni Henley at pinipigilan yung ngiti namin.

"Ayos lang naman, kulang lang siya sa tulog"sagot naman ni Henley kaya napatango tango naman si Adrian sa amin.

"Sige, hindi na rin kami magtatagal. May inutos lang sa amin dito"pagpapaalam na ni Adrian.

"Ah, teka…"pagkukuha ng atensiyon sa guy, napalingon naman ito sa akin "Jacket mo nga pala, thank you sa pagpapahiram"pagpapasalamat ko at ibinigay yung paper bag na may lamang jacket niya.

"Okay lang naman kahit hindi mo na isauli"bubulong na sagot niya kaya napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Huh? May sinasabi ka?"pagtatanong ko rito pero umiling lang naman siya.

"I said, no problem"nakangiting sagot niya, napatigil tuloy ako "Sige aalis na kami"pagpapaalam nito saka niyaya na si Adrian na umalis.

Napalunok na lang tuloy ako saka napakurap kurap bago huminga ng malalim. Grabe yung paghuhumirintido ng puso ko, I feel like may racing sila at nagpapaunahan sa finish line pero wag naman muna sana ayoko pa mainlove.

Eh? Inlove? No, I'm not inlove with that guy.

"Ang cute niyong dalawa, ano?"malawak ang ngiti habang nakasandal ang pisngi sa kamay nito. Tinitignan niya talaga ng mabuti yang reaksiyon ko.

"Huh? Anong cute doon?"takang tanong ko sa kaniya na kinakibit balikat naman niya.

"I find your interaction with each other cute, lovely pa nga eh"may halong panunuksong sabi nito.

Love between Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon