Chapter 3 [Flashback]

1 0 0
                                    


Flashback

March 01, 2024 [Four months ago]

Agent Black

"Sigurado ka bang wala na sila diyan?" Inis na tanong ko sa kabilang linya. Hawak ko nang mariin ang itim na earbuds sa aking tenga upang malinaw kong marinig ang nasa kabilang linya.

["Yes, sir Black. Dumating kami dito na magulo na ang lugar at mukhang nakatunog na paparating tayo."] Report ng aking agent na nasa kabilang linya.

Naihampas ko ang aking kamay sa computer table dahil sa inis. Talagang nauubos na ang pasensya ko sa grupo nila Arcenio!

Pumikit ako at nag-isip. Ilang buwan na ba namin pilit hinahabol si Arcenio? Magta-tatlong buwan na.

"Talagang mauutak ang mga loko. Bakit hindi na lang kaya sila pumalit sa atin?" Sarkastikong pahayag ko sa akin at sa mga kasamahan ko. Iniwas nila ang kanilang mata sa akin at yumuko.

Tumingin ako sa malaking monitor na nasa harap ko at tinignan ang mapa kung saan makikita ang lugar na pinuntahan ng mga assigned agent. Ang red dot na paulit-ulit na umiilaw ay nananatiling nandoon pa rin tanda na nautakan talaga kami nila Arcenio.

Ibang klase kasing kriminal itong si Arcenio, hindi mahuli-huli. May hinala kami na may malalaking connection ito kaya hindi hindi namin ito mahuli.

Dang that man! Masyado ng malakas at matapang si Arcenio. Biruin mo, nakakagawa ng illegal ng malaya pero hindi pa rin mahuli-huli. Mula sa pagbebenta ng mga tao sa ibang bansa, organ trafficking, pagbebenta ng droga at paggawa ng mga illegal gaming sites, hindi pa ba sapat na mahuli itong taong ito?

Ang operasyon na ito ay isinikreto nang husto. Tanging ako lang, ibang opisyales at iilang agents ang nakakaalam nito. Hindi naman bago ang trayduran sa mga ganitong operasyon ngunit itong misyon na ito ay napakahalaga sa akin—sa amin.

Mukhang alam ng kabilang kampo ang tracker na itinanim ng mga agents na ibig sabihin ay may traydor isa sa amin.

"Sir Black! We detected five bombs sa lugar ng mga assigned agents!" Agad-agad kong pinuntahan ang desk no'ng agent na ngayon ay nagtitipa sa kanyang computer.

Ipinakita nito sa akin ang limang orange dot na nagbi-blink. Nahilot ko ang sentido ko dahil sa nakita.

"Hello, agent Green? Can you hear me? We detected five bombs there. Inform the other agents and leave now!" Maotoridad kong utos habang hinahawakan ang earbuds sa aking tenga.

["Sir, marami pong kalapit na establishments dito na maaaring madamay sa pagsabog. Marami pong civilian na maaaring mapahamak kaya hahanapin ko po ang ilang bomba para ma-defuse po ito."]

"No! Makinig ka, Agent Green. Limang bomba ang pinag-uusapan natin dito, hindi isa lang. Buhay niyo ang nakasalalay dito. Evacuate civil—hello? Agent Green!"

Naputol ang linya sa kabila sa hindi ko malaman na dahilan. Inutusan ko ang mga agents na assigned dito na subukan tawagan ulit isa sa kanila.

Maya-maya lang ay bumalik muli ang tawag at nagsalita si Agent Green.

["Sir, I found two bombs already! 3 minutes left but I can do this. Just please, guide me,"]

Napasabunot ako dahil nabablangko ako sa sitwasyong ito. Hindi ko alam ang gagawin.

Lumapit ang ilang agents at tumulong sa akin. Sinabihan nila si Green na buksan ang kanyang camera recorder upang makita namin ang sitwasyon.

Sinunod niya ito pagkatapos ay pinakita sa amin ang apat na kulay ng wire. May dilaw, green, red at blue.

"Putulin mo ng 1 inch iyong yellow wire," Saad ni Agent Blue. Walang alinlangan pinutol ni Green ang yellow wire, halos lahat kami ay nabunutan ng tinik ng huminto ang oras ng isang bomba.

Napahinto na rin ni Green ang isang bomba. Sa ngayon ay hinahanap na niya ulit ang iba pa. Ilang segundo ang lumipas ay nakita na niya ulit ang isa.

Nasa isang minuto na lang ito kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Dalian mo, Agent Green. May dalawa ka pang hahanapin!" Sambit ko na may halong kaba.

Ipinakita nito sa amin ang apat na kulay. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita.

Nahampas ni Blue ang mesa dahil sa nakita. May takot sa mga mata nito na nagpahawa sa akin. Nilapitan ko ito.

"A-Anong problema, Blue?" Nanginginig na tanong ko ngunit hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Gano'n rin ito na lalong nagpaluha sa akin.

"T-That bomb. . . I don't know how to defuse it. Isa ito sa mahirap i-defuse dahil sa confusing nitong kulay," Saad nito na may pagsuko.

Katulad kanina ay apat rin ang wire nito ngunit ang nakakalito ay ang dalawang wire na may halos magkaparehas na kulay. Isang blue, yellow, at dalawang red wire.

"Hindi ba pwedeng sabay putulin ang dalawang red wire?" Tanong ko ngunit umiling ito.

"Hindi pula ang isa sa mga 'yan. They are almost the same pero may difference pa rin na mahirap hanapin," Nanghihina nitong wika.

["S-Sir Black, 30 seconds na lang po ang natitirang oras and I can't defuse the other bombs. I got a message from the other agents and they evacuated already the civilians,"] Rinig namin na sambit ni Green na may mahinang boses.

Naikuyom ko ang kamao ko. This is what I fear the most.

["S-Sir Black, It was nice working with you. M-Marami akong natutunan dahil sayo at sa ibang mga agents. Until we meet again,"] Sumigaw at nagwala ako dahil sa galit na nararamdaman ko sa sarili ko.

Namalayan ko na lang na lumuluha na pala ako ng tuloy-tuloy. Naririnig ko ang iyak at hikbi ng ibang agents sa loob na nagpapadurog sa puso ko.

Isa, dalawa, tatlo. Pagbilang ko sa aking isip dahil hindi ko na marinig ang boses ni Green sa kabilang linya.

"H-He ended the call for us to not hear what will happen to him," Tinignan ko ang monitor sa harap. Ang kaninang kulay berdeng ilaw na nakikita ko pang-track sa kanya ay unti-unting nawala at kasabay nito ang pagguho ng mundo ng mga agents.

This is all because of Arcenio. Halos magdugo na ang palad ko dahil sa pagdiin ng mga kuko ko rito.

"We will avenge your death, Green. I promise, criminals like him will not live happily but in vain."

Huling sambit ko bago bumuo ng panibagong plano at operasyon na magpapatumba kay Arcenio at sa mga kriminal.


A/N: Expect slow updates po dito sa SDSC, hehe. I am trying my best po na makapag-update ng maayos na chapters. Anyway, ito pong update ay flashback po before SDSC project was made. Bale, point of view po ito ni Agent Black. Sige po balik na po ulit kayo sa pagbabasa. Thank you!

PS: Comment and vote na rin po kayo. Huwag po kayong mahiya, ako lang po ito, mwehehe!

Special Duty of Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon