Warning: Typographical and Grammatical errors ahead!
—
Dalawang araw ang lumipas simula noong nagkita kaming mga special class. Dahil na rin sa biglaang pagbigay ng mga activities at assignments sa iba't-ibang subjects ay halos malimutan na ang mission namin.May pagkakataon pa na ginagawa namin ang activities namin during our special class dahil na rin sa kakulangan sa oras.
Dahil vacant naman namin ngayon, napagpasyahan ko munang maglakad-lakad. Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor, seryoso at nasa malalim na pag-iisip habang ang kanang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng blouse uniform.
Bigla sumagi sa isip ko ang pag-uusap ng special class noong lunes. Kailangan namin malaman kung may krimen ba na nangyayari dito sa loob ng Guillermo na maaaring makapagturo ng koneksyon nito kay Arcenio.
Hinayaan rin kami ni sir Dark maglibot sa Building B noong nakaraan. Sa third floor ay buo at hindi hati sa dalawang kwarto kaya mas malawak ito kumpara sa second floor. Apparently, ang building pala na ito ay dalawang taon ng abandonado dahil sa lumabas na malalaking crack sa pader na ikinabahala na maaaring mapahamak ang mga estudyante.
Ipinakita rin sa amin ni sir Dark ang mga susuotin namin kapag nasa misyon kami. Mula sa cap, eye mask, jacket, gloves, pants at rubber shoes ay itim lahat ito. Ang sabi ni sir Dark, kailangan namin suotin ang itim na jacket upang hindi makita ang tunay na built ng katawan namin.
Kinuha ko ang binigay ni sir Dark sa amin na in-ear earphones na kung saan mamamangha ka dahil sa sobrang liit nito at hindi pansinin.
"Ito ba yung ginagamit nila sir Black kapag nasa mission sila?" May kuryosidad kong tanong sa sarili habang maigi itong pinagmamasdan.
Saglit akong huminto malapit sa hagdan at sinuot ito upang makinig ng music. Kinuha ko ang phone ko at nagpipindot doon nang may marinig ako na nag-uusap sa hagdan paakyat sa second floor. Normal lang ang pag-uusap nila ngunit napukaw nito ang atensyon ko.
"Kailan ba raw natin makukuha ang order natin na HP, Renz?"
"Ang kulit mo, hindi ko nga alam, Baron!" Inis na wika nito sa kausap niya ngunit nagsalita ulit.
"Pero ang sabi kasi sa akin ni Mr. Lumin, kakaunti lang ang umo-order ng HP dito sa Guillermo kaya hinuhuli tayong padalhan," Dugtong nito.
"Kumuha ka na ng tatlo, ako na bahala sa bayad. Manghihina ako kapag hindi ako nakakagamit no'n! Naiintindihan mo naman ako diba, pre?"
Hindi ko na narinig muli ang pag-uusap ng dalawa dahil biglang may mga babaeng estudyante ang dumaan habang nagtatawanan. Nakisabay na rin ako sa mga ito sa paglalakad nang makita kong pasilip ang mga lalaki sa lugar ko.
Natapos ang buong klase nang may bumabagabag sa aking isipan dahil sa narinig ko kanina. Kung isa lang akong normal na estudyante, I wouldn't bother thinking that there's something suspicious about their conversation pero dahil I am a special agent now, anything that looks normal for the others might look suspicious for me—for us, agents.
"Your regular class ended already, Agent Three. Why are you here in our room when you don't have a schedule in my class?"
Napatayo ako bigla nang marinig ang boses ni sir Dark na tila kakapasok lamang sa room bitbit ang kanyang laptop bag at inilagay sa teacher's table.
Nakapamewang itong nakatitig sa akin, tila sinusuri nito ako sa paraan ng kanyang malalim na pagtitig.
"S-Sir Dark! Pasensya na, napalalim lang po ang pag-iisip ko at napunta rito," Ngiwi kong saad at umupo ulit.
BINABASA MO ANG
Special Duty of Special Class
Mistério / SuspenseIf you receive a special letter, you must fulfill your special duty. But if you disobey, you will be in trouble. ------ Because of the widespread of crimes inside the schools, the NCIF or National Crime Investigation Force has no choice but to let s...