Chapter 6

0 0 0
                                    



Kinabukasan ay naging normal lang ang lahat ngunit hindi ko pa rin malimutan ang binitawang salita ni Nine sa akin.

Iniwan ako nito na nakatulala kahapon. Akala ko ay frustrated lang ito noong isang gabi kaya siya sumagot kay sir Dark. Hindi ko naman alam na nagpa-plano na pala itong umalis sa grupo.

Natapos ang klase na may iniwang isipin pa rin sa akin si Nine. Nagulo ko ang buhok ko dahil sa inis dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi nito.

"Bakit pa kasi sa akin niya sinabi 'yon?!" Inis na sambit ko sa sarili.

"Makakalbo ka na girl,"

Sambit ng katabi kong si Kenny Bueno, ang seatmate ko simula no'ng nag-arrange ng upuan.

"Mabuti pa nga!" Inis na sambit ko ngunit tinawanan lang ako nito.

Natapos ang buong klase namin na halos lutang pa rin ako. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko dahil sa uhaw.

Habang naglalakad ako kasabay ng mga estudyante ay nadaanan ko si Patrick. Ang isa sa naging ka-close ko sa klase. Isa rin siya sa katabi kong upuan kaya hindi na kami bago sa isa't-isa.

Nabigla ito sa biglang pagsulpot ko sa gilid niya at hinila ang hawak nitong coke in can at agad nilagok ito dahil sa uhaw.

"Kakabili ko lang n'yan, oy!" Pagreklamo nito ngunit tinawanan ko lang.

"Bayaran na lang kita, nauuhaw na kasi ako eh," Sambit ko. Tinignan ako nito at umiwas ng tingin.

"Tsk, 'wag mo na bayaran. Nakakaawa ka naman eh," Sambit nito na may inis sa kanyang boses. Napangisi na lang ako.

"Putek! May nagsusuntukan doon sa ground, tara!"

"Kawawa yung lalaki, binubugbog no'ng babae sa baba!"

"What?! This is new, oh my gosh!"

Nang marinig ko ito ay nagdalawang isip ako kung makikitingin rin ba ako dahil last time na tsumismis ako, nakasakit ako ng tao.

"Bahala na sila sa buhay nila. Kaya naman na nila buto nila," Sambit ko sa sarili at nakisama sa mga estudyanteng papuntang ground.

Agad akong sumingit sa mga nagkukumpulang mga estudyante sa gitna at tinignan ang nagsusuntukan. Napailing ako sa sarili ko.

Last tsismis ko na 'to, promise!

I saw a familiar face of a girl, continuously punching the guy on the ground. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita.

"I-Is that Agent Nine?!"

Gulat na sambit ko sa nasaksihan.

"Anong nangyari? Akala ko ba tahimik lang 'tong babaeng na ito?!" Asik ko sa aking sarili.

Sa tabi nito ay si Agent Eleven na umiiyak at pinapakalma si Agent Nine ngunit hindi nito makalma.

"Noong isang araw ka pa eh! Binalaan na kita diba na layuan mo kaibigan ko! Tapos makikita kitang binabastos mo siya ngayon?!"

Galit na galit ang mukha ni Nine habang nagsasalita. Patuloy niya pa rin sinusuntok ito kahit na wala nang malay ito.

Tumingin ako sa paligid. Ni isang lalaki ay walang umawat kaya napapitsik ako.

"I guess, walang may kailangan ng tulong ko?" Kibit balikat kong saad at tatalikod na sana ng mahagip ng mata ko ang isang lalaki sa likod ni Nine na may dalang maliit na kutsilyo.

Isasaksak na niya sana ito ng bigla akong tumakbo papalapit sa lalaki at malakas na sinipa ang kamay nito upang mabitawan niya ang kutsilyo.

Napasinghap ang lahat sa nakita. Maski si Eleven na umiiyak ay napatingin sa amin at nanlaki ang mga mata.

Special Duty of Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon