—
"We need to do undercover again but this time, we're going to follow the four men and lure Mr. Lumin,"Pagkatapos ng aming meeting nila Seven ay napagdesisyunan niya na mag undercover ulit kami dahil nauubusan na kami ng oras at hindi na rin kami masyadong maka keep up sa school works namin.
I messaged the four men in HP adikks and asked them kung lalabas ba sila later but I only got a response from Derek.
Derek: Dorm lang, gonna relax my mind
Matapos mabasa ito ay ni-like ko lang ito at tinago na ang phone.
"I think our plan today will be cancelled. Mukhang they will stay only in their dormitory," Iling kong wika.
Napabuntong hininga na lang si Six at nagsalita. "So, we need to do something else para naman hindi sayang ang panahon."
Kami na lang ang nasa loob ng special class room dahil ang ibang grupo ay may kanya-kanyang plano. Katulad rin namin ay abala ang mga ito sa mga mission nila kaya wala kaming panahon na magbatian pa ng matagal.
We went inside the special class hideout at tumungo sa CCTV monitors.
"I'm going to copy all the footage from the first day of our class until today so we can review it later." Nag-stretch ng kamay si Six at mabilis na nagtipa sa computer. Hindi ko na ito pinanood at umupo na lang sa sofa.
Matapos ang isang oras ay tumayo na si Six at umunat dahil sa pagod.
"It's done, let's go."
Nang makalabas sa room ay nag-uusap kaming tatlo sa mga pwede namin magawa ngayon. Kailangan may progress na kami sa investigation namin para maipaalam na namin kay sir Dark.
Napalingon at napahinto ako sa isang guard na lumapit sa amin nila Seven at nagtanong. "Bakit nandito pa kayo?" Pagtanong nito na may kunot noo. "Hindi na kayo pwedeng mag-stay dito ng matagal diba? Umuwi na kayo,"
Napayuko na lang ako at napatingin sa sapatos ko.
"Pasensya na po, kuya. May group activity lang po kaming tinapos pero paalis na rin po kami," Magalang na paumanhin ni Seven at yumuko.
Tumango si kuya at sinabing sa susunod kailangan na namin ng teacher's permit na mag-stay kami sa school kapag may mga gagawin kaming related sa school.
Nang makalabas ay saglit na huminto si Seven at tumingin sa amin. "Let's meet at 4 PM, doon sa Alpha Cafe."
Tumango kami at naghiwa-hiwalay ng landas. Gusto pa nga sana sumama sa akin ni Six ngunit hinila agad ito ni Seven sa kabilang direksyon kung saan ito palaging dumadaan pauwi.
Pagod na nakarating ako sa bahay kaya pabagsak akong sumandal sa sofa namin at pumikit.
"Ang sarap humiga! Parang ngayon ko lang na-feel ang pahinga,"
"Bakit anong oras ka na umuwi?" Napadilat ako sa gulat nang marinig ang boses ng kapatid ko na si Carter.
Kunot ang noo nito na umupo sa tabi ko habang may hawak na baso ng gatas. Pinagmasdan ko si Carter at napataas ang kilay dahil parang nangayayat ito.
"Nakain ka ba? Bakit ang payat mo bigla?" May nagtatanong kong sambit.
"Nag-g-gym ako no! Palibhasa parati kang busy sa buhay mo," Mataray na sambit ni Carter at uminom ng gatas.
Busy ba ako palagi? Napaisip ako saglit sa sinabi nito at napaupo ng maayos. Lumapit ako dito at bigla na lang itong niyakap na ikinagulat niya.
"I miss you bro! Miss ko na bardagulan natin together!" Sambit ko at kunwaring naiiyak. Agad nitong tinulak ang ulo ko na siyang ikinabagsak ko sa sahig.
BINABASA MO ANG
Special Duty of Special Class
Mystery / ThrillerIf you receive a special letter, you must fulfill your special duty. But if you disobey, you will be in trouble. ------ Because of the widespread of crimes inside the schools, the NCIF or National Crime Investigation Force has no choice but to let s...