Chapter 8

1 0 0
                                    


"We will talk later."

Yan ang unang bungad sa akin ni Dark bago niya kami sinabihan na magkakaroon kami ng meeting ngayon. Huminga ako ng malalim at umupo isa sa mga upuan sa room dahil hindi muna kami pinapapasok sa hide-out namin dahil baka biglang magkaroon ng surprise visit sa special class.

Naka-lock ang pintuan ng room namin upang ma-secure ang meeting namin ngayon.

"Good morning, Agents." Pagbati ni sir Dark.

"Good morning, sir!"

"Dahil hindi natin natapos ang meeting nating noong nakaraan, hindi ko natapos ang pagpapakilala ko sa mga miyembro ng grupo ni Arcenio." Lintanya nito.

"But since we're running out of time dahil sa slow progress natin, you need to study Arcenio's cases on your own," Sambit nito at kinuha sa kanyang laptop bag ang mga folders at isa-isang inabot sa amin. "That would be your reading material that has Arcenio's group information."

Agad kong binuksan ang folder at binasa ang pangalan na nakasulat.

"Arcefox?" Nalilito kong basa sa pangalan sa unang pahina.

"That's their group name or what they want them to be called. They are bold because they don't hide their identity at all. Ang mahirap lang ay ang makilala sila sa mukha dahil niisang litrato ng mga ito ay wala kaming makita." Frustrated na saad ni sir Dark.

"Now, since special class consist of 12 members, I will now group you into four so we can get a lot of information and whereabouts of Arcefox. Magiging apat na grupo pa rin kayo dahil hihintayin pa rin natin si Eleven at Nine." Pagpapatuloy ni sir Dark.

Napalingon ako sa pwesto ni Seven nang magtaas ito ng kamay. Tumango si sir upang i-acknowledge si Seven.

"I would like to be one of the leader of the four groups, sir Dark." Saad nito na sa kanyang usual na ekspresyon.

"Okay, gusto mo bang ako pumili ng dalawang magiging miyembro mo?"

"No, sir ako na lang po pipili. I want Agent Six and Three to be my teammates,"

Napataas ang kilay ko dahil sa narinig. Bakit sinali niya pa ako sa team niya? Nakakainis naman. Gusto ko sana ituro si Agent One para maging leader ko kaso itong si Seven dinamay pa ako.

"Okay good choice, Agent Seven." Saad ni sir Dark at ngumiti.

"Pwedeng magpalipat, sir?" Pagsalita ko matapos magtaas ng kamay ngunit agad nagsalita si Seven na bahagya kong ikainis.

"I am now a leader so whether you like it or not, you will be part of my team."

Hindi na ako nakasalita kasi wala naman akong laban sa kanya. Gusto ko ngang lumayo sa kanya kasi medyo naiilang ako dahil sa pag-uusap namin noong nakaraan pero heto siya, lapit ng lapit na akala ko may crush sa akin.

eme!

Napailing na lang ako.

Naging leader si Agent One, Agent Four at Agent Twelve dahil walang gusto pang mag-volunteer aside siyempre kay Seven. Kaya no choice si sir Dark but to choose three leaders.

Si Agent Twelve ang magiging leader ni Eleven at Nine. I just hope na bumalik sila.

"Remember, kailangan niyong protektahan ang isa't-isa from now on specially, kayong magkaka-grupo. At simula ngayon, you will move as a group." Paalala pa nito sa amin.

"Isa pa pala. All weapons that you will be needed for your mission will be on the third floor. We have different kinds of dagger, stun gun, pepper spray, smoke bomb, gask mask, and even spy camera, gps tracking, audio bug and more weapons that you can use for your mission."

Special Duty of Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon