Chapter 2
TUMUNOG na ang alarm ko sa lumang cellphone ko, ibig sabihin ay 4:30 na ng umaga. Isang magandang araw para sa unang araw ng klase.
Inihanda ko ang gamit ko at gamit ng bunso kong kapatid na si Nathaniel. Sunod ay Ipinlantsa ko ang uniform na pamasok namin at naligo na ako.
5:25 AM ay natapos na ako at hindi na ako nag umagahan dahil nagmamadali ako at isa pa, dagdag gastos lang ito.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Maharlika State University-- dito ako nag-aaral at ngayon ay isang 3rd year college student.
Hindi naman ito gaanong kalayuan mula sa bahay namin. Hindi rin naman sobrang lapit. Sakto lang.
Kung tatanungin nyo ako kung matalino ba ako, ang masasabi ko lang ay siguro. Kasi kahit papaano ay scholar ako at isang dean' s lister.
Plano ko ngayon na mas pagbutihin pa ang pag-aaral ko habang pinagsasabay ang pagt-trabaho pagkagaling sa eskwelahan.
Bye the way, ang school namin na ito ay ang pinakasikat at pinakamahusay na university sa buong bayan namin! Kaya ang mga maharlikang tao ay dito piniling mag-aral. Buti nga ay scholar ako, dahil hindi naman namin kakayaning magbayad para sa tuition fee.
Tamang tama lang ang pasok ko, 5:45 ay magsisimula na ang flag ceremony.
Nagmadali na akong pumunta sa gymnasium at nakita ko ang mga dati kong kaklase. Sigurado akong marami na namang estudyanteng mayayamang lilipat dito dahil kinilala na naman itong Top 1 BEST University in the Philippines.
Matapos ang pag-awit ng "Lupang Hinirang," at panalangin ay kasunod nito ang "Maharlika Hymn."
"Maharlika Hymn"
Ohhh, Ohhh, Ohhh
We are the students of Maharlika
We are the students of Maharlika
This is the best university in the Philippines
And we are the best studentsMaharlika State University, ikaw ay nag-iisa sa puso ko
Ikaw ang pundasyon ng mga natutunan ko
Ikaw ang pundasyon ng aking kakayahan
Magiging mabuting mamamayan
Para sa inang bayanMaligalig, isang mithiin
Kami ay narito para sa'yo ohhh
Maharlika, no. 1
Ang tagapagpanday sa aming mga kabataan....Nang matapos ang flag ceremony at makapasok na kami sa room namin ay mayroong isang lalaking nakatitig sa akin, ito ay ang katabi ko!
Kung ice cream lang ako ay kanina pa ako natunaw!
Hindi ko siya kilala, at marahil ay transferee siya.
Maputi siya, maganda ang kutis, gwapo, malakas ang appeal, at maganda ang pangangatawan. At hindi lang iyon, mukha pa siyang MAYAMAN.
Maya-maya ay nagsalita ito, "Natasha, I thought you were dead. Nandito ka lang pala."
Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Ano raw?! Patay na raw ako? Pero... hindi naman Natasha ang pangalan ko noh! I am Nathalie!
"Ha? H-hindi Natasha ang pangalan ko, hehe" sagot ko sa kanya.
Idinilat niyang mabuti ang mata niya at saka tumango, "Ahhh, I'm sorry. But you really look like her."
Tumango ako, "Sino ba si Nathalie?" mausisang tanong ko.
"She's m-- nothing." maikling tugon niya.
"Bye the way, I am Raphael." pagpapakilala niya.
So, Raphael pala ang pangalan niya, "Ah, Raphael pala ang pangalan mo. Transferee ka siguro noh."
"Yup." maikling sagot niya.-----
YOU ARE READING
Please Don't Die (LOVE STORY, ROMANCE, TAGALOG-ENGLISH, ENEMIES TO LOVERS)
Romance"Please don't die" is the new "I love you." It is rapidly spreading across the world as the coolest way to express affection without sounding cheesy or corny. ----- Raphael Montecillo is a young billionaire that comes from a wealthy family, and is...