Chapter 3

133 46 6
                                    

Chapter 3

PAGLINGON ko ay nakita ko si Raphael, si Anika naman ay tuwang- tuwa.

"WAHHHH, hello. Ang pangalan ko ay Anika your future husband." sabi ni Anika na nagmamadali habang nakatitig kay Raphael.

"Beh, wife hindi husband." sabi ko kay Anika.

"Ohh so, 'you are Anika your future husband?'" sabay ngiti ni Raphael.

"Anika lang, hehe. Bay da wey. Sinasagot na kita" mabilis na sagot ni Anika habang nagpapabebe ito.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Raphael.

Kung ano-ano ang kinu-kwento ni Anika sa kanya. Sobrang random. Halatang gusto lang magpapansin at kausapin siya.

Maya-maya ay tumunog na ang bell, at nagsibalik na kami sa room.

-----

NATAPOS na ang klase at pupunta na ako sa 'ShakeItsNow,' ang schedule ko rito ay Sunday, Monday, Wednesday, and Friday.

Si Anika ay malamang nagpapahinga na sa bahay nila. Malapit lang kasi ito sa school namin. Ilang hakbang lang.

Sumakay na ako ng jeep, at nang makarating ako ay agad akong pumunta sa restroom para magpalit ng damit.

Yung uniform ko pala na pang-trabaho ay dinala ko habang nasa school, nakalagay ito sa loob ng bag ko.

Handa na naman ako sa panibagong araw ng pagtatrabaho.

-----

ILANG minuto lang ang lumipas ay may nakita akong pamilyar na mukha, si Aidan!

Naging kaklase ko siya last academic year hanggang ngayon. Gwapo siya at medyo kayumanggi ang kulay ng balat.

Hindi kami gaanong close, pero nagpapansinan kami. Lagi nga itong bumabati at kumakaway sa akin. Feel ko nga crush ako nito! Char!

Nang pumunta siya sa counter ay ngumiti ako.

"Hi, sir! What's your order po?," magiliw kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya at lumunok bago sumagot, "Uhmm, pa-order nga ng 2pcs. chicken with rice, 2pcs. french fries, 2pcs. of burger steak, and 2 glasses of drinks. Yung pineapple juice."

"Okay sir, noted. Total of 429 pesos po." nang matapos ko itong ilagay sa screen ay tinatanong ko rin siya kung ito ba ay for dine-in or take-out.

"Take-out." mabilis nitong sagot.

"Bye the way, anong oras nga pala ang out mo?" tanong niya.

"Anong out?" hindi ko siya agad na-gets.

"Anong oras ang tapos ng duty mo rito ang ibig kong sabihin." sagot niya sa akin.

"Mamayang 8 pm, bakit?" tanong ko.

"Noted!" sabay biglang alis.

Ang weird niya naman ngayon!

-----

8:00 pm na at paalis na ako, nang bigla kong makita sa Aidan. Kumaway siya at bumaba sa kotse niyang sinasakyan para lapitan ako.

"Nathalie, eto pala ohh." abot niya ng isang plastic bag.

Nang buksan ko ito ay nakita ko ang iorder niya kanina.

"Para sa'n 'to?" tanong ko.

Sumagot naman siya agad. "Para sayo 'yan, nakita kasi kita kanina na wala kang baon. Nakihati ka lang kay Anika."

"Talaga?" pagkasabi ko ay tumango siya ng may kasamang ngiti sa labi.

"Salamat ha," at niyakap ko siya sa sobrang tuwa.

"Sige, mauna na ako. Sa bahay ko na lang kakainin." sabi ko sa kanya at hahakbang na palayo.

"Wait, may sasakyan ka ba? Gusto mo ako na lang maghatid sa 'yo. Wala naman na akong gagawin at iba pang pupuntahan." alok niya sa akin.

"Nakakahiya naman." binigyan ko siya ng awkward na ngiti.

"Wag ka ng mahiya, tara na. Sumakay ka na." at kasunod noon ay hinila niya ako patungo sa kotse niya.

Nang makapasok ako sa loob ng kotse niya ay naamoy ko ang mabango, at preskong amoy nito. Amoy mayaman talaga.

Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse, hanggang sa nagsalita siya, "Nathalie, free ka ba bukas?"

"Oo, wala naman akong pasok bukas e. Bakit?" tugon ko sa kanya.

"Sama ka sa amin bukas. May party kasi sa amin. Don't worry, may iba rin tayong kasama na kaklase natin."

"Ahh sige, isasama ko rin si Anika ha. Baka magtampo yun." sagot ko sa kanya.

"Okay. Andito na pala tayo." sabi niya at bubuksan na ang kotse.

"Sige, salamat ha. Ambait mo talaga. Nilibre mo pa ako. Salamat ulit." sabi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Kumindat siya at hindi na sumagot tsaka ngumiti. Kumaway din siya habang paalis.

Nang makapasok ako sa bahay ay natutulog na si nanay. Habang si tatay naman ay abala sa pag-aasikaso ng kinukumpuning electric fan. Gumagawa kasi siya ng mga sirang gamit gaya ng electric fan, washing machine, at iba pa.

Nasa hapag-kainan na kami ni Nathaniel, at nahati kami sa isang pirasong manok, isang pirasong burger steak, isang pirasong french fries. At yung pineapple juice na binigay ni Aidan sa akin.

"Ate, ang sarap talaga nito. Magkano bili mo dito?" sabi ni Nathaniel habang kumakain.

"Bigay lang 'yan sa akin ng kaklase ko." sabi ko sa kanya.

"Wow, sanaol. Siguro may gusto sa 'yo iyon. Nililigawan ka ba non ate?" sabi niya at ako naman ay nasamid sa sinabi niya.

"Naku, kung ano-ano iniisip mo, kumain ka na nga lang diyan." at nagpatuloy kami sa pagkain at natulog na agad ako pagkatapos.

A/N: To be continued...
1. If you enjoyed this chapter, please vote for it!
2. If you have suggestions, questions, or need clarifications, feel free to comment below.
3. Lastly, don't forget to hit the follow button!
Thank you for reading😊💙

By: ThisIsMrMan

Please Don't Die (LOVE STORY, ROMANCE, TAGALOG-ENGLISH, ENEMIES TO LOVERS)Where stories live. Discover now