The Bliss Isolation

422 19 1
                                    

DISCLAIMER:

Be advised that this is a GXG story.
If you're not comfortable with it, feel free to drop the story. It contains numerous grammatical and typographical errors.

Read at your own risk.

Plagiarism is a crime.
This is a work of fiction, names, character, places and incidents either are product's of author imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual events or local or persons, living or dead, is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage without the permission of the author.

...

SIMULA

Tahimik kaming nakaupo kaya dahan-dahan ko siyang nilingon upang masilayan. Nang magtagpo ang aming mga mata, pareho kaming napangiti kaya tumingin ako sa announcement board para malaman kung kinakailangan na niyang umalis.

"Babalik ka ba?" mahina kong tanong.

Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "Yes, I have a life here."

Tumango lamang ako at hindi na muling binuksan ang bibig. Nang marinig namin sa speaker ang flight niya, sabay kaming tumayo. Hinila ko ang kaniyang maleta, at sumabay siya sa aking paglakad habang bitbit ang kaniyang shoulder bag.

"Take care of yourself," bulong niya.

Binasa ko ang ibabang labi bago sumagot. "Gagawin ko."

Nang makarating kami sa gate kung saan siya lang ang kinakailangan pumasok, tumigil siya at humarap sa akin. Inabot ko sa kaniya ang maleta, at tumingin siya sa akin nang direkta.

"I'll go now. Thanks for coming with me." sinsero niyang sambit at ngumiti.

"Mag-iingat ka." paalala ko.

Lihim akong napahinga nang malalim noong tumalikod na siya. Mag-uumpisa na sana siyang maglakad paalis nang magaan kong hinawakan ang kaniyang braso. Natigil siya at muling tumingin sa akin, tila ba may gustong marinig sa akin na kanina niya pa hinihintay.

"Hmm?"

Dinala ko ang dalawang kamay sa likod at tumingin sa paligid para kumuha ng lakas sa gusto kong sabihin. Bahagya akong nahihiya, pero hindi naman siya naiinip. Pinatong niya pa nga ang siko sa maleta, desidido marinig ang nais ko iparating.

Muli akong napahinga nang malalim bago sinalubong ang kaniyang malambot na tingin.

"Pwede ba kitang hintayin?"

Kusang lumabas ang malawak na ngiti sa kanyang labi kaya hindi ko mapigilan ang matawa nang mahina. Muli siyang tumingin sa akin, bitbit ang kasabikan sa kaniyang mga mata.

"You'll wait for me?" mahina niyang tanong.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Even if it takes long?"

Muli, ako ay tumango bago nagsalita. "Pwede ba?"

Pinagdikit niya ang kanyang mga labi bago sunod-sunod na tumango. Pinigilan niyang mas lumawak pa ang ngiti, pero kusa itong lumabas kaya muli na namang bumagal ang tibok ng aking puso. Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo bago ko siya marahang tinulak.

"Baka maiwan ka ng eroplano."

"Ayaw mo sumama?" bigla niyang tanong kaya mabilis akong umiling bilang pagtanggi.

"Sige na, baka mahuli ka," muling tulak ko sa kaniya pero hindi siya gumalaw. "Hihintayin kita." mahina kong dugtong.

Dahil sa narinig, tumayo siya nang tuwid bago lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko. Bumuga ako ng hangin sa kaniyang ginawa kaya mahina siyang humagikhik. Muli siyang naglakad papunta sa kaniyang gamit at nilingon ako, dala pa rin ang malawak niyang ngiti na palagi may bahagi sa loob ng aking puso.

"Wait for me, okay? If you don't, I'll hunt you down." pabirong banta niya at sinamaan ako ng tingin.

Tinaas ko ang kanang kamay at kumaway bilang pagpapaalam.

"Hihintayin kita, pangako." malambot kong pahayag na nagpakisap sa kaniyang mga mata.

Dahil kung ang paghihintay ay nangangahulugang pag-asam sa katahimikang gusto kong maranasan kasama siya, handa kong tiisin ang bawat segundo para lamang muli siyang masilayan kahit gaano katagal.

"I'll come back, and when that time comes, it's your name my heart will be calling. For now, let's heal first, okay? I'll come back, that's a promise."

Tahimik akong tumango at ngumiti ng huling beses. We understand each other. She needs to heal from the loss of her wife and daughter, and I need to heal from a life that took away my freedom.
...

DATE STARTED: March 23, 2024
STATUS: Ongoing

All Rights Reserved
Copyrights©2024

Zvxxyy

The Bliss Isolation [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon