Kabanata 6

92 15 0
                                    

Michelle's POV

"Pangatlong kape na 'yan ngayon ate ah, baka magpalpitate ka."

I shyly let out a smile when I heard Lupin speak behind me. He walked towards my direction and sat down beside me, taking a sip of his coffee. Kanina pa kami gising dahil kahit anong oras na akong nakatulog kagabi, sanay pa rin akong magising nang umaga.

The morning air felt cool, and the silence between us was comfortable, like we both enjoyed the tranquility without needing to say much. Malakas din ang ihip ng hangin na nagdadala ng kaunting panginginig sa aking malamlam na balat.

"Saan kayo nagpunta ni Jov kagabi?"

Natigilan ako sa akmang pagsimsim sa tasa nang marinig ang tanong na iyon mula sa aking katabi. Segundo siyang sumulyap sa akin habang may maliit na ngiti kaya hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin. May dalang panunukso ang kaniyang mga mata at nahihimigan ko ang pang-aasar sa kaniyang ngisi.

"Lumabas ba kami?" kunwaring walang alam na aking pahayag at humigop sa kape.

"Asus..." bulong niya at nagtaas-baba ang kilay. "Kita ko kayo kagabi na sabay lumabas ng bahay."

"Tulog ako magdamag."

"Kaya pala narinig ko si Jov na inaya kang magkape kayo."

"Lupin..." I mumbled his name when someone walked passed our side and it's no other than Jov who is looking straight ahead while walking.

Sinundan ko ito ng tingin pero hindi man lang siya tumingin sa amin kahit alam naming pareho na nakita niya kami ni Lupin. Narinig ko naman ang mahinang tawa nitong isa habang patuloy na nakangisi at pabalik-balik ang mga mata sa amin ng babae.

"Mukhang kailangan n'yo ulit magkape." dahil sa narinig ay hinampas ko siya sa balikat na kaniyang ikinadaing, ngunit hindi ko pinansin at tiningnan lang ang hawak na baso dahil naglalakad na pabalik si Jov.

Bakit ba ako nahihiya? Wala namang dahilan para maramdaman 'yon pero nagmumukha akong dalaga rito na nahuli sa isang masamang bagay na nagawa.

"Magandang umaga, Jov," rinig kong pagbati ni Lupin kaya pasimple kong itong sinulyapan.

Malapit na 'to sa amin at ngayon ay nakatingin sa aming dalawa ng kasama ko. Binasa ko ang ibabang labi dahil sa hindi maunawaang rason, nanunuyo ito.

Lalagpasan na sana kami nito ng sinundot-sundot ni Lupin ang aking baywang kaya nagtataka ko siyang tinaasan ng kilay. Makahulugan lang ako nitong binigyan ng tingin habang may nginunguso kaya sinundan ko ito ng aking mga mata at dumapo ito sa likurang pigura ni Jov.

"Bakit?" I whispered.

"Batiin mo,"

My eyebrows furrowed more to what he said.

"Why?"

"Sabihin mo lang magandang umaga, dali." wika niya at mahinang binangga-bangga ang aking balikat.

Nalilito at naguguluhan ay aligagang binuka ko ang aking bibig para sundin ang sinabi ni Lupin.

"Good morning, Jov," I uttered with shyness visible to my voice.

Ang akala kong tuluyan nang papasok si Jov sa pinto ay hindi. Tumigil siya sa paghakbang at dahan-dahan na lumingon sa amin. Tila ba ay alam niya ang mga mata kong nakatingin sa kaniya dahil saktong nagtama ang mga ito noong umikot siya papunta sa aming direksyon.

"Magandang umaga rin."

Sunod-sunod na naubo si Lupin habang pinupunasan ang bibig dahil sa natapon ang kaniyang kape. Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa akin at nang lumingon kay Jov, wala na siya sa kinatatayuan kanina lamang.

The Bliss Isolation [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon