Michelle's POV
Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto at lumabas. Ala sais pa lang ng umaga, pero gising na ako. Naninibago pa kasi ang aking katawan dahil nasa ibang bahay ako. Katatapos lang umulan kaninang alas cuatro, at ngayon ay makulimlim ang langit. Ramdam ko rin ang lamig ng simoy ng hangin, dala ng nagdaang ulan.
Dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan, iniwasang gumawa ng ingay upang hindi makaistorbo ng tulog ng iba. Nang madaanan ko ang sala ay napatingin ako roon at hinanap ng mata si Jov dahil wala ng sapin sa upuan.
Ipinasawalang bahala ko nalang iyon at naglakad papunta sa kusina, pero ganoon nalang ang aking pagkagitla dahil paglingon ay nandito pala siya. Ilang beses niya na akong nagugulat. Hindi ko kasi naramdaman na nandito lang pala siya. Ang ingat kasi ng kaniyang kilos, na hindi ko naririnig ang mahihinang kaluskos.
"Good morning..." mahinang bati ko at hindi na lang nagreklamo na nagulat ako.
Banayad na tango lang ang kaniyang ginawa bago kinuha ang termos at sinalin ang mainit na tubig. Naglakad naman ako papunta sa kaniyang tabi saka kumuha ng tasa. Hindi siguro niya ako naramdaman kaya nang paglingon niya sa aking direksyon ay hindi inaasahang may tumalsik na mainit na tubig.
"Ouch..." I whined, immediately covering my hand where a drop of hot water had splashed on me.
Tiningnan ko siya na may nasasaktang ekspresyon, ngunit nang makita ko ang kaniyang paraan ng pagtitig, unti-unti akong bumalik sa normal na pagtingin. Ito na naman siya, ang mukha niyang mahirap basahin kung seryoso o hindi. Diretsong nakatingin siya sa akin bago ibinaba ang tingin sa braso ko, saka sa isang kamay niya na ngayon ay tinatakpan ang bunganga ng takure.
Ay...
Hindi pala ako natamaan ng mainit na tubig dahil naharang niya agad ang kamay sa butas na lumalabas pa ang usok. I stood up casually and pursed my lips. It wasn't my intention to react like that; the feminine urge to say "ouch" even for the smallest matters just hit me out of nowhere.
Kaartehan talaga, Michelle.
"Joke lang pala..." bawi ko at mahinang tumawa para maibsan ang kahihiyan.
I hissed mentally when I noticed the sudden furrowing of her brow before she shook her head lightly. She then walked past me, setting down what she was holding on the table, while I reached for a cup, trying to act unbothered because of what I reacted.
Nagtimpla ako ng kape saka naglakad papunta sa sala at naupo malapit sa may pintuan. Pansin ko si Jov na may sinisilip sa labas, pero hindi ko siya nilingon at humigop lang sa tasa.
Dapat pala hindi muna ako lumabas. Nakakahiya. Kasalukuyan siyang nagwawalis ngayon habang ako ay nakaupo lamang. Baka isipin nitong hindi ako marunong gumawa ng gawaing-bahay. Pero ayos lang, mukhang wala naman siyang pakialam.
"Taas," tumaas ang aking kilay dahil sa kaniyang sinabi.
"What?"
Again, she didn't respond. Bumaba lang ang tingin niya sa sahig kaya sinundan ko ito ng aking mga mata. Awtomatiko kong tinaas ang mga paa nang makitang wawalisan niya ang ilalim ng upuan. Tahimik niyang ginawa iyon nang hindi ako nasasagi.
Lumipas ang minuto at tahimik lang kaming dalawa. Tapos na rin siyang maglinis at ngayon ay binabantayan ang sinaing. Humigop ako ng kape habang nakatingin sa kaniya. Bigla siyang lumingon sa akin kaya mabilis akong napaiwas ng tingin sabay punas sa bibig dahil sa kapeng lumampas.
She's wearing a plain white shirt and denim shorts that are above her knee. Her hair is styled in a ponytail. Ganito lang siya manamit, pero maayos tingnan. Nakatayo siya sa harapan ng kaniyang niluluto habang ang dalawang braso ay nakayakap sa tiyan.
BINABASA MO ANG
The Bliss Isolation [SLOW UPDATE]
RomantizmWhere each second is passed by with silence and every glance takes the heart into calmness, two people with no destination will end up home in each other's isolation. DISCLAIMER: WRITTEN IN TAGLISH