Hello, I know I'm inactive here and I apologize for not consistently updating on MIL. I just been busy with my personal life and the past months, I was looking for some motivation to continue but I failed. To tell honestly, MIL story is complicated, reason why I am being careful to what I put there because I want the outcome of it to be what I expected, kaya natagalan din.
Sa ngayon, ito na lang muna pambawi ko. Isa pa, I am still not over SN, I'm still stuck to Sol and Amor, so for the alternative of it, I created this one. May nabasa rin kasi ako sa comments noon na gumawa ng bagong story na parang katulad sa kanila at ito na nga, ang pinagkaiba lang ay hindi na 'to gano'n kabigat ng kayla Solace. Pampalubag loob na 'to.
So yeah, hope you enjoy this and always stay safe everyone!
Michelle's POV
"Maligayang pagdating sa Dapit-Hapon, anak!"
Isang malawak na ngiti ang sinukli ko nang makita si tita. Sinalubong ako nito nang nakabukas niyang mga kamay kaya kinulong ko ang sarili sa kaniyang bisig. Mahigpit ako nitong niyakap habang nagtataas-baba ang kamay sa aking likuran kaya panandalian kong sinara ang mga mata.
"Ang ganda-ganda mo, Michelle. Nagkita naman tayo noong nakaraang taon, pero mas lalo kang gumanda ngayon!" maligaling niyang sabi habang sinusuri ang kabuuan ko.
"Ikaw rin po, tita, walang nagbago, ang ganda n'yo pa rin. Hindi halatang matanda ka na." panloloko ko rito kaya pabirong kinurot ako nito sa aking kili-kili at nilingkis ang kamay sa aking braso.
"Rocco, isakay mo na ang mga gamit ni Michelle sa traysikel. Dahan-dahanin mo."
Maliit akong ngumiti sa aking pinsan na kaniyang ginawa rin pabalik, bago sinunod ang utos ni tita. Si Rocco ang nakakatandang anak ni Tita Cate at mas matanda rin sa akin. Hindi ako malapit sa kahit na sinong pinsan ko sa parte ng nanay ko, sa katunayan, ito palang ang unang beses na mayroon kaming interaksyon na magtatagal dahil kapag may kaganapan at nagtipon-tipon kami, napapansin ko silang magkakapatid na tahimik.
Tatlo silang anak ni Tita Cate, si Shanen ang bunso samantala si Lupin ang pangalawa. Kahit ang ibang pinsan namin, nasasabing mahiyain sila dahil nga ay mailap sila sa amin. But when it comes to their attitude, my mom told me that they possessed a good personality as she already lived with them. Sadyang tahimik at mahiyain lang talaga.
"Tumawag sa akin si Ate Caye kanina, ako na raw bahala sa'yo. Pinapasabi rin niyang tawagan mo siya." tumingin muna ako sa kaniya bago tumango.
Nandito kami sa terminal ng bus. Dapit-Hapon is a province where Tita Cate lived her life. Unlike my mom who lived in a city, she chose to stay here. Hindi ko rin masisisi si tita, tahimik at payapa rito. Ngayong nakatayo pa nga lang ako kasama ng mga estranghero sa paligid, nararamdaman ko na ang katahimikan na maibibigay sa akin ng probinsyang ito.
Kahit ang langhap ng hangin ay sariwa, hindi katulad sa siyudad na napupuno ng usok dahil sa mga sasakyan at pabrika. Naririnig ko rin ang presyuhan ng mga nagtitinda sa bumibili at napansin kong malaki nga talaga ang agwat ng buhay sa Maynila kaysa rito. Mababa ang kalidad ng salapi, sapat lang para sa mga mamamayan na naninirahan dito.
"Gutom ka na ba, anak? Tiis ka lang muna ng kaunti, maraming pagkain sa bahay. Nagluto ako kanina."
I gently waved my hands in front of her as I lightly chuckle. "Huwag n'yo po akong isipin, tita, medyo busog pa naman ako. May mga umakyat na nagtitinda kanina sa bus kaya bumili na rin ako."
Mom told me that I should know how to socialize with people who live here. Kailangan kong makisama at hindi malaking problema sa akin iyon. I know how to adjust in a different environment.
BINABASA MO ANG
The Bliss Isolation [SLOW UPDATE]
RomanceWhere each second is passed by with silence and every glance takes the heart into calmness, two people with no destination will end up home in each other's isolation. DISCLAIMER: WRITTEN IN TAGLISH