Kabanata 4

60 10 0
                                    

Michelle's POV

"Kumain muna tayo!"

Natigil kami sa pagtibas ng mga tuyong dahon at napa-angat ang tingin sa sumigaw. Si Tita Cate iyon na kasama si Shanen at Rocco na sa tingin ko ay kakauwi lamang galing bayan para magpasada. Naglalakad sila palapit sa amin habang may suot na balanggot at may bitbit na mga lagayan ng pagkain.

"Tara, kain muna. Mamaya na ulit." balin sa amin ni Lupin at sinenyas ang mga bagong dating.

Nagtungo na rin kami papunta sa kanila saka tinabi ang mga materyales na ginamit. Nilapag nila tita ang dala sa kamang kahoy na gawa sa plywood at pinatungan ng sapin. Lumapit muna ako sa baldeng may tubig dito at hinugasan ang kamay bago naupo.

Kung noong mga nakaraang araw ay panay ang ulan, ngayon hindi. Sobrang tirik ng araw at kahit mainit, kinakailangan nila Lupin na tabasan ang bukirin dahil lumalago na ang mga tuyong dahon. At dahil nandito na rin naman ako, tumulong na ako sa kanila. Hindi naman nahirapan ipaliwanag ng pinsan ko kung anong tamang gawin dahil mabilis kong nakuha.

Nang makaupo na kaming lahat palibot ay sandaling nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Masarap ang tanghalian hinanda ni tita ngayon. Pritong bangus saka tuyo na may kasamang inihaw na talong at nilagang okra na may dahon ng alugbati. Hindi rin nawala ang sawsawang toyo na may maraming sibuyas at bagoong na maanghang.

"Pagkatapos ay dito na muna si Shanen. May aasikasuhin lang ako sa barangay." pahayag ni tita na tinanguan ng kaniyang dalawang anak.

"Hatid kita mamaya. Ang init." wika ni Rocco na siyang kinatingin ng ina.

"Hindi ka na magpasada?"

"Hindi na, bukas na ulit. Tutulong muna ako rito at marami-rami pang tatabasin."

May mga kasamahan naman kami sa ginagawa rito sa bukid na umuwi muna para kumain. Pero sadyang malawak ang bukirin na ito na wala pa sa kalahati ang naasikaso. Lalo na at sobrang init ngayon, mas mapapabilis kung may makakatulong pa.

Napasulyap ako sa katabi nang gumalaw ito, sumubok itong kumuha ng prinitong talong, pero may kalayuan sa kaniya kaya ako na ang lumapit at nilagay sa pagitan namin ang plato. Ngumunguya nang mabagal lang ako nitong binigyan ng ilang segundong tingin saka tahimik na nagpatuloy sa pagkain.

I sighed softly as I continued eating. Our last conversation was three days ago, where we were washing our clothes. Even though it's common for her to be this quiet, it feels different this time. Sa nagdaang araw ay para bang hangin lang kami sa isa't isa. Na kahit pagtango bilang pagbati ay pareho naming hindi ginagawa kapag nagkakasalubong.

Hindi ako sigurado rito pero sa tingin ko ay iniiwasan niya rin ako. Hindi ko alam. Madalas kasi siya wala sa bahay at hindi ko nakikita. Nagku-krus lang ang aming landas kapag umaga, kakain, at bago matulog. Hindi ko rin alam kung dahil ba sa trabaho, pero nakikita ko naman si Lupin madalas kaya sa tingin ko ay isa sa dahilan kung bakit palagi siyang wala ay dahil sa akin.

I'm not mad at her or anything. To be honest, my own actions toward her embarrass me more. I realized that I've burdened her with things I should have been doing myself. I'm also ashamed of myself because I might have crossed a boundary between us without realizing it, possibly intruding on her personal space.

I want to apologize but I couldn't get the courage to do so.

"Ate Michelle," kalabit sa akin ni Lupin kaya napatingin ako sa kanila.

"Yes?"

"Gusto mo ba ng mangga? Magbabalat ako." si Rocco ang sumagot habang may hawak na iilang prutas.

Napakurap muna ako ng ilang sandali bago nakasagot. "Sure, thank you."

"Bakit tulala ka, anak? Anong iniisip mo?" asik ni tita at tinaas baba ang kilay. Tumingin ako sa katabi ngunit wala na ito. "Hindi mo napansing umalis na si Jov sa tabi mo. Malalim nga ata ang iniisip mo."

The Bliss Isolation [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon