Gwen's POV
Nang makalabas na si Staku ay walang nagsalita samin. Hinanda ko nalang muna yung pinamili ko.
"Gutom na ako!" mahinang sabi ni Sheena pero rinig ko parin
"Gusto mong kumain na?" tanong ko naman sa kanya kahit naiilang ako
"Yeah!" tanging sagot lang nito, kaya tinulungan ko nalang itong kumain
Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain ito. Masaya lang akong makitang gising na ito.
"Ayaw mo kumain?" mahinang tanong nito habang ngumunguya pa
"Mamaya na!" tanging sagot ko dito at nag cellphone nalang habang hinihintay siyang matapos kumain
"Where na you?" chat ko naman kay Staku pero wala akong natanggap na reply
Nang matapos kumain si Sheena ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan niya. Namamanhid pa kasi yung katawan niya.
Sakto naman pagkaligpit ko ng pinagkainan niya ay dumating narin yung nurse para tingnan si Sheena.
"You're a fighter!" sabi ng nurse ng matapos siya sa ginagawa niya
"Thank you po" nakangiting sagot naman ni Sheena
"Maybe next day pwede kanang ma discharge!" nakangiting sabi naman ng nurse bago lumabas
Nagpasalamat lang ako sa kanya at sinara na yung pinto.
"Be may nilagay ka ba sa tubig ko?" nagulat naman ako sa tanong nito sakin
"Wala!" agad naman akong napa harap sa kanya
"Pero bakit nangyari sakin yun? Iyong tubig na bigay mo lang naman yung huling kung ininom bago ako natulog?" nangingilid na yung luha niya habang sinasabi yun
"Bakit ko naman gagawin yun?" natataranta kung sagot dito
"Hindi ba sabi mo hindi makakapunta yung Mama sa debut natin?" nagtaka naman ako sa sinabi niya
"Anong connect?" inis na tanong ko sa kanya
"Ginawa mo ba to para ma extend pa yung debut natin, diba gusto mong makita ng mama mo yung pinaghirapan mo?" umiiyak na sabi naman nito
"Oo gusto kung makita ako ni mama mag perform pero hindi yun sapat na dahilan para ipahamak kita" hindi ko narin mapigilan yung luha ko
"Anong nangyayari dito?" takang tanong ni Ate Colet na kakapasok lang
Kung iyan ang tingin mo sakin, wala na akong magagawa doon!" tanging sagot ko lang at lumabas na
Umaakyat nalang muna ako sa rooftop para magpahangin. Hindi ko alam kung bakit ganun ang tingin nila sakin. Una si Ate Colet, ngayon naman si Sheena.
Napatawa nalang ako ng may makapa ako basa sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan. Bakit ang sakit sakit na ikaw yung pinagbibintangan kahit wala ka namang ginagawang masama.
"Hello!" sagot ko sa tumawag sakin
"Are you crying?" takang tanong nito sakin
"Hindi!" sagot ko naman habang pinupunasan yung luha ko
"Stop lying halata sa boses mo!" inis na sabi nito sakin
"Bakit ka napatawag?" tanong ko naman dito
"I just want to know if Sheena's okay?" nag aalalang tanong nito sakin pero mahahalata parin yung tamlay sa boses niya
"She's fine!" tanging sagot ko lang dito
Wala nang nagsalita samin, pero hindi parin nakapatay yung tawag. Hindi ko na mapigilang umiyak. Iyak lang ako ng iyak.
"Magiging okay din ang lahat Gwenny!" iyon lang ang tanging sabi sakin ni Ate Aiah
"I hope so!" hindi ko parin talaga kayang pigilan yung luha ko
"You want me to call the girls?" nag aalalang tanong naman niya sakin
"Huwag na, I just I to be alone!" sagot ko naman sa kanya
Alam kung may pinagdadaanan rin si Ate Aiah ngayon. Hindi niya kayang humarap kay Sheena dahil sinisisi nito ang sarili niya sa nagyari.
"Pahinga ka na muna Ate Aiah!" sabi ko naman sa kanya
"Take care Gwenny!" sabi niya lang bago nagpaalam kaya pinatay ko na yung tawag
Ang gulo ng isip ko ngayon hindi ko alam kung nasaan ako lulugar. Ang laki ng mundong to pero bakit makiramdam ko ang sikip sikip. Para akong mauubusan ng hininga ano mang oras.
Mga dalawang oras rin akong nakatambay sa rooftop ng maisipan kung bumaba na dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi pa pala ako kumakain.
"Ate Maloi?" nagulat naman ako ng nakita itong nakatayo sa likod ko
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko naman sa kanya
"Kanina pa ako nandito hindi mo man lang ako napansin" nakangiting sagot niya naman sakin
"Hindi mo naman ako tinawag!" sagot ko naman dito, tsaka lumapit sa kanya
"Okay ka lang?" nagulat naman ako ng bigla ako nitong niyakap
"Yeah!" tanging sagot ko sa kanya, parang naubos na yata yung luha ko kanina
"Kanina ka pa namin hinahanap!" sabi niya naman sakin
"Bakit?" takang tanong ko naman
"Anong bakit? Syempre nag aalala kami sayo!" sagot ng naman sakin
"Oh thank you but I'm ok na!" nakangiting sabi ko naman sa kanya bago bumitaw ng yakap
"Mabuti naman!" nakangiting sabi naman nito kaya bumaba narin kami
Nang makarating kami sa kwarto ay nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Staku at Jhoanna.
"Huy!" takang sabi ko naman sa kanya
"Magbabati rin kayo!" bulong sakin ni Jhoanna bago ito bumitaw sa yakap niya
"Kain ka na Gwen" sabi naman ni Staku sakin
Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi na muna ako tumingin kay Sheena na kinakausap si Ate Colet ngayon.
"Mikha kain ka narin!" tawag naman ni Ate Maloi kay Mikhs na nakahiga sa sofa
Tumayo rinq naman ito agad at lumapit sakin. Napangiti nalang ako dahil alam kung sinadya niya huwag muna kumain para may kasabay ako.
"Thank you!" nakangiting sabi ko naman sa kanya
"Whatever!" sagot nito sakin at inirapan pa talaga ako
Kumain nalang din kaming dalawa. Habang nakikinig sa kwentuhan nila Staku at Jhoanna. Hindi naman nakakatawa yung mga kwento nila pero tawang tawa si Ate Maloi habang nakikinig sa kanila.
"By the way sabi nga pala ni Ate Tin pwede ka nang makalabas sa susunod na araw Sheena!" sabi naman ni Jhoanna
"Salamat naman!" sabi lang ni Ate Colet at tumayo na
"Alis muna ako!" paalam nito samin pero kay Sheena sa ito nakatingin
"Ingat!" sabi naman ni Sheena at kumakaway kaway pa habang nakangiti
Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy yung pagkain ko.
"Punta tayong mall kapag nakalabas na si Sheena!" aya naman ni Staku samin
Sumang ayon naman ang lahat para narin makapag relax yung mga utak namin.
