Chapter 6 "Trust"

11 0 0
                                        

Sheena's POV

Pauwi na kami ngayon sa dorm namin, kasama ko si Staku at Ate Jho. Yung ibang girls ay nasa bahay lang naghihintay samin.

"Yung gamot mo Sheena huwag mong kalimutang inumin!" bilin naman sakin ni Ate Tin na siyang nagmamaneho ngayon

"Opo!" sagot ko lang

Hanggang ngayon ay hindi parin kami nag papansinan ni Bebe. Nahiya rin kasi ako sa nasabi ko. Hindi ko lang talaga mapigilang magduda sa kanya.

"Ako na pong bahala sa gamot ni Sheena, Ate Tin!" nakangiting sabi naman ni Staku, mas mabuti yung may nagsabi sakin dahil baka makalimutan ko

"Thanks!" sagot lang ni Ate Tin at nagpatuloy na sa pagmamaneho

Nag kwentuhan lang kami habang nasa byahe. Actually si Ate Jho at Staku lang talaga yung nagkukwentuhan nakikinig lang ako.

Kakausapin ko nalang mamaya si Bebe dahil hindi ko rin kayang hindi siya kinakausap. Alam kung nasaktan ko siya, pero alam ko namang hindi niya rin yun magagawa sakin. Pero kung hindi siya, SINO? Iyon lang ang laman ng utak ko hanggang makarating kami bahay.

"Welcome back Sheena!" natawa nalang ako sa ginawa ni Ate Maloi, nakataas pa yung isang kamay niya. Hindi parin kasi ayos yung kaliwang kamay niya, medyo namamaga pa.

"Si oa naman toh" natawa lang sila sa sagot ko

Kinuha naman ni Ate Colet yung mga gamit sa kotse. Bakit wala dito si Bebe? Galit parin ba siya sakin? Nalungkot naman agad ako.

"What's with that face?" tanong naman ni Mikhs sakin at binuksan yung pinto

"Nasaan si Bebe?" tanong ko naman dito

"Sa kwarto nagpapahinga" sagot naman nito sakin

Wala rin si Ate Aiah dito sa baba. Ayaw ba nila akong makita?

"Girls kain na muna tayo!" tawag naman ni Ate Maloi samin, kaya dumeretso na kaming dining area

"Tawagin ko lang sina Ate Aiah at Gwen" sabi naman ni Ate Jho at umaakyat na

"Bakit ang daming pagkain naman?" takang tanong ko naman sa kanila

"Syempre ok ka na eh!" sagot naman sakin ni Staku

"Sheena plato mo" nagpasalamat naman ako kay Ate Colet

Maya maya pa ay bumaba narin sila, niyakap lang ako ni Ate Aiah at umupo na. Si Bebe naman ay tinitignan lang ako.

"Kain na tayo girls!" sabi naman ni Ate Tin samin ng wala ng magsalita pa

"Mabuti pa nga at gutom narin ako!" sagot naman ni Staku

"By the way, yung about nga pala sa debut natin ay napag desisyonan ng management na hindi na muna itutuloy this year!" sabi naman ni Ate Jho samin

"Ang dami narin kasi hindi magandang nangyari at kailangan pa natin ng pahinga" pagpapatuloy naman nito

Magsasalita pa sana si Ate Colet, pero naunang magsalita si Mikhs.

"It's the best decision for now!" sabi naman ni Mikhs at tinaasan ng kilay si Ate Colet

Nagtaka naman ako sa tinginan ng dalawang to. Kung wala lang kami sa hapagkainan baka nagsabunutan na sila.Yung iba naman ay tahimik lang at wala imik.

Nang matapos na kaming kumain ay nagtalo pa talaga sina Ate Jho at Staku kung sino yung maghuhugas ng pinagkainan namin.

"Ano ba ang gulo niyo!" inis na sabi ni Ate Colet habang nilalagay yung mga pinggan sa lababo

"Ako yung naghugas kanina" inis na sabi naman ni Staku

"Syempre ikaw lang rin naman yung kumain kanina!" sagot naman ni Ate Jho

"Kahit na!" sabi naman ni Staku at aalis na sana ng bigla siya hinila ni Ate Jho

"Ano ba!" sigaw naman ni Staku at binatukan si Ate Jho, syempre magpapatalo ba si Ate Jho

"Aray, masakit yun!" sabi naman ni Staku

"Sheena pahinga ka na muna!" aya naman sakin ni Mikhs kaya umakyat narin kami

Hindi parin tapos sa bardagulan yung dalawa. Yung ibang girl's naman ay pinapanood lang sila. Sanay narin naman kami na ganyan sila.

"Gusto mong maligo muna?" tanong naman ni Mikhs sakin

"Mamaya na matutulog muna ako, sumakit rin kasi yung ulo" sagot ko naman sa kanya

"Ok baba nalang din ako para makapagpahinga  ka!" sabi niya naman at lumabas na

Nagbihis lang ako at humiga narin. Narinig kung bumukas yung pinto pero hindi ko nalang pinansin dahil masakit talaga yung ulo ko. Ang ingay kasi nila Ate Jho at Staku eh.

❣ After two hours ❣

Naalimpungatan ako ng bumukas yung tubig sa banyo. Pinuntahan ko naman iyon at tinitignan kung may tao sa loob.

"Be!" tawag ko kay Bebe, siya lang naman kasi yung kasama ko dito sa kwarto eh

"Hmm!" tanging sagot lang nito sakin

Nakahinga naman ako ng maayos ng may sumagot sakin. Humiga nalang ulit ako ng kama at naghintay sa kanya para makausap ko ito.

"Sheena it's time for your gamot!" napaupo naman ako ng biglang pumasok si Staku ng kwarto

"Hindi ka ba marunong kumatok?" inis na tanong ko naman dito

"Kita mo to?" sabi niya naman at pinakita yung dala niya baso at gamot

"Pwede namang ulo yung ikatok eh!" sagot ko naman sa kanya at inom na yung gamot

"Try mo!" mataray na sabi niya naman sakin

"No thanks, but thanks for the gamot!" sagot ko naman sa kanya

"Alis na ako para may time rin kayo!" nakangiting sabi naman sakin ni Staku at tinuro yung banyo

"Alis na!" pagtataboy ko naman dito

Kinabahan naman ako ng bigla kung naalala si Bebe, baka kasi galit parin ito sakin. Hinintay ko lang itong matapos maligo.

Naghanap nalang muna ako ng damit para magamit ko. Nagulat naman ako ng biglang may umakap sakin sa likuran.

"I'm sorry!" napatingin naman ako kay Bebe, tapos na pala itong maligo at nakabihis narin

"No, ako dapat yung humingi ng sorry sayo dahil sa mga sinabi ko!" humarap naman ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya

"Do you trust me?" seryosong tanong niya naman sakin

"I will at hinding hindi na mangyayari yung dati!" nakangiting sagot ko naman sa kanya

"Dapat lang!" sagot naman nito sakin at niyakap ako ng mahigpit

"Miss me?" nakangiting tanong ko naman sa kanya

"Nope!" sagot nito at bumitaw na

"Be naman, ngayon mo nga lang ako niyakap!" sabi ko naman dito pero tiningnan lang ako nito at nagsuklay na

Bahala ka dyan maliligo na ako, mabuti nalang at hindi ito galit sakin. Makakatulog na ako ng maayos.

Walo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now