Chapter 9 "Survive"

8 0 0
                                        

Mikha's POV

I'm on my way to go back and meet the girls today. The training must go on. At least nakapagpahinga narin kami.

"Bakit parang may sumusunod satin?" napamulat naman ako agad

"Where?" tanong ko at tiningnan yung salamin sa gilid

"Are they after us?" tanong naman ng Kuya ko

"I don't think so!" sagot ko naman at umayos ng upo

"Pero kanina pa sila nakasunod satin" sabi naman nito sakin

Hindi ko nalang ito pinansin at tiningnan yung phone ko. I forgot to charge it. Napahawak nalang ako sa ulo ko.

"Ouch!" napasigaw naman ako ng biglang may bumangga sa sasakyan

"I told you!" sabi naman sakin ni Kuya

"What are they up to?" inis na tanong ko naman

Patuloy parin sila sa pag bangga ng sasakyan namin. Hindi ba talaga sila titigil?

"Let me drive!" sabi ko naman kay Kuya

"No!" agad naman na sagot nito sakin

"Dali na!" nakangiting pakiusap ko naman dito

Wala na itong nagawa kundi ang magpalit kami ng pwesto. Marunong naman ako mag drive.

"Ayusin mo talaga, pag ako napagalitan. Lagot ka sakin" pagbabanta nito sakin

Hindi ko nalang ito pinansin at pinatakbo na yung sasakyan.

"Dahan dahan lang!" natawa naman ako sa reaction ni Kuya

"Bakit nakasunod parin tung mga to!" inis na sabi ko

Patuloy lang sila sa pagsunod, nahirapan silang mabangga yung sasakyan dahil magaling akong umiwas.

"Ayaw niyo talagang tumigil!" inis na sabi ko at binagalan yung takbo ko

Babanggain na sana nila yung sasakyan sa gilid ng biglang akong ng break kaya nauna yung sasakyan nila samin.

"Let's go!" sigaw ko naman at ako na yung bumabangga sa kanila ngayon

"Mikha Lim! Ano ba!" inis na suway ng kapatid ko

"Relax!" sagot ko naman dito at patuloy lang ako sa pagsunod sa kanila

"Paano?" natawa nalang ako dito at pinatakbo ulit ng malakas yung sasakyan

Biglang bumilis kasi yung nasa unahan namin. Natawa naman ako dahil sa sigaw ng kapatid ko. Ang ingay naman nito.

"Dahan dahan lang!" inis na sigaw nito ng makitang babangga na kami sa sasakyan sa unahan

"What the h*ck!" inis na sigaw ko ng tumama yung braso ko sa manibela, hindi nga pala ako nakasuot ng seatbelt

"Bakit ayaw umandar?" inis na tanong ko, lumabas naman agad kami pero wala na yung sasakyan ng sinusundan namin

"Tingnan mo yung ginawa mo!" inis na sabi ni Kuya sakin

"Whatever!" sagot ko lang dito

Umuusok na yung sasakyan namin. Lagot talaga ako pag nalaman ng magulang ko yung pinaggagawa ko.

Ano bang problema ng mga iyon samin. Hindi ko naman kilala yung nag magmaneho ng sasakyan na umatake samin.

Kinuha ko nalang yung gamit ko sa loob. Hindi rin ako makatawag sa girls dahil lowbat yung phone ko. Alam ko rin kanina pa nila ako hinihintay. Lagot talaga ako kay Jho nito.

"Mikha?" napatingin naman ako sa tumawag sakin

"Ate Tin!" nilapitan ko naman ito

"What happened?" nag aalalang tanong nito sakin at bumaba ng sasakyan para tingnan ako

"Nabangga po kami" tanging sagot ko naman dito

"Let's go to the hospital muna para matingnan yung braso mo!" sabi nito sakin

Nagpa iwan lang si Kuya dahil ipapaayos niya pa yung sasakyan. Sinabi ko naman kay Ate Tin yung nangyari pero syempre hindi ko na sinabi na ako yung nagmamaneho. Baka hanggang bukas pa yung makuha kung sermon.

"I texted Aiah on what happened na!" sabi naman ni Ate Tin sakin, tumango lang ko at hindi na nagsalita hanggang sa makarating kaming hospital.

"It's all good!" sabi sakin ng Nurse matapos niyang tingnan yung braso ko

"Thank God!" sabi naman ni Ate Tin, bakit kasi nakalimutan kung magsuot ng seatbelt. Na excite lang kasi ako kanina.

Nagpasalamat lang kami sa Nurse at umuwi narin. My ears are ready for the girl's.

Nang makarating na kami ay agad akong sinalubong ng tanong. Sabi ko lang sa girls ay may sumusunod samin kaya kami nabangga. Napansin ko ring walang plate number yung sasakyan ng sumusunod samin.

Nang matapos na yung tanungan nila ay hinila na ako ni Staku paakyat ng kwarto para makapag pahinga. Sabi nang ayos lang ako, pero ang kulit parin nila.

"Pahinga ka muna!" nilagay niya naman yung mga gamit ko sa kama at lumabas na

"Ano na naman?" akala ko bumalik na naman si Staku, pero si Ate Colet yung pumasok ng kwarto.

" Nagsisimula na siya!" sabi lang nito sakin

We're been talking about the things happening lately. Hindi kami naniniwalang aksidente lang lahat ng nangyayari samin ngayon. Someone's behind this.

"I'm aware of that!" sagot ko naman sa kanya

"Sana hindi niya pagsisihan yung ginagawa niya!" sabi naman ni Ate Colet at napabuntong hininga nalang

"She knows what she's doing, hindi na siya bata!" inis na sabi ko naman

"Ikaw naman yung target niya ngayon?" natatawang tanong niya sakin

"We'll sorry to disappoint them, I'm strong!" napangiti naman ito sa sagot ko

"You should! Marami pa tayong kailangang gawin" sabi naman nito sakin

"Nag usap na ba kayo ni Ate Maloi?" takang tanong ko naman

"Hindi pa, ayaw niyang maniwala sa sinabi ko!" nilapitan ko naman ito

"Kahit ako naman ay hindi rin naniniwala, mabuti nalang at nakita ko sa sariling mata ko!" sabi ko naman dito

"Kung hindi mo siguro makita iyon hanggang ngayon pati ikaw hindi ako kinakausap!" natawa naman ako sa sinabi

"It's hard to believe na kaya niyang gawin yun, we're been together for almost three years!" napa isip naman ako

"I hope hindi siya magtagumpay sa balak niya!" tanging sagot lang nito at lumabas na, I'm also praying for it.

I can say na we're a good actor na talaga. Mabuti narin yung ganito para hindi nila mahalata. Nag bihis narin ako bago humiga ng kama. Inaantok rin kasi ako dahil hindi pa ako natulog.

I've been thinking the reason kung bakit nagawa niya gawin samin yun. Behind those smiles ay may nakatagong mala demonyong ugali. Kahit matagal na kami magkasama ay hindi parin talaga namin kilala ang isat isa. Nakakalungkot lang isipin na nagawa niya kami ipahamak.

Walo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now