Third Person's POV
"What the hell is happening?" inis na tanong naman ni Mikha sa sarili niya
"Gwenny inom ka munang tubig" sabi ni Stacey at binigyan ng tubig si Gwen
Hindi parin ito tumitigil kakaiyak, nasaktan ito ng husto dahil sa pagbebentang sa kanya ni Colet. Hindi niya lubos maisip na yun ang tingin sa kanya nito.
"Don't mind her Gwenny!" sabi naman ni Mikha at niyakap niya lang ito
"Bakit ba kasi yung debut parin yung nasa isip ni Ate Colet?" inis na sabi naman ni Stacey
"Ano?" parang hindi makapaniwala ni Jhoanna sa narinig
" She's worried na baka hindi tayo matuloy next week!" sabi naman ni Mikha sa kanila
"Iyan pa talaga ang iniisip niya, hindi pa nga nagigising si Ate Aiah at Sheena!" inis na sabi naman ni Jhoanna
"Importante din naman yun sating lahat pero dahil sa nangyari, mas mabuting huwag nalang munang ituloy" sabi naman ni Stacey habang nakatingin sa natutulog na si Sheena
"Kakausapin ko nalang mamaya si Ate Tin at yung management, if ever they have suggestions rin kung ano ang tamang gawin!" sabi naman ni Jhoanna
Jhoanna is the leader of their soon to be group. According to the management she is the most suitable for this responsibility. Wala rin namang problema yun sa girls dahil tama lang ng napili yung management. Even though pangalawa siya sa pinakabata sa kanila. Age doesn't define your capability, as long as you work hard for it.
"Puntahan ko lang si Ate Aiah sa kabilang kwarto!" paalam naman si Stacey sa kanila
"Dito nalang ako matutulog, ayaw ko munang makita si Ate Colet" sabi naman ni Mikha
"Sige, doon nalang muna ako" sang ayon naman ni Stacey at umalis na
Nang makaalis na si Stacey ay nag usap lang silang tatlo sa kondisyon ni Sheena. Sinabi naman ni Jhoanna na under observation parin ito dahil sa pagsuka niya ng dugo. At dahil kagigising lang din nila Mikha at Gwen ay wala silang alam.
"Did you call our parents ba?" tanong naman ni Mikha kay Jhoanna habang si Gwen ay naghihintay rin ng sagot
"Hindi na muna pinaalam sa kanila, lalo na yung grandparents ni Sheena. Baka mas mag alala pa ang mga ito" sagot naman niya
"Mabuti nalang at hindi nila nalaman, baka pauwiin na talaga tayo kapag nagkataon" natatawang sabi naman si Gwen, mabuting nalang at naging maayos na yung pakiramdam niya, hindi na ito umiiyak ngayon.
Natawa narin yung dalawa kasi alam nila hindi mag dadalawang isip yung mga magulang nilang lalo na't may nangyaring hindi maganda.
"Girls tulog muna ako, sumakit na naman kasi yung ulo ko" sabi naman ni Gwen samin bago siya humiga ng kama
"Yung kumot mo Gwenny" inayos naman ni Mikha yung kumot niya
"Thanks!" ngumiti lang si Mikha at natulog narin naman si Gwenny, mas madali itong nakatulog dahil narin sa mahapdi nitong mata kakaiyak
"Bakit kaya ganun nalang yung naging reaksyon ni Ate Colet kanina?" takang tanong ni Jhoanna kay Mikha
"Do you really think na kayang gawin yun ni Gwenny? Or me?" tanong naman ni Mikha dito
"Kung si Gwen baka maniwala pa akong hindi niya kaya gawin, pero ikaw?" natatawang sagot nito
"So funny Jhoanna Robles!" inis na sabi ni Mikha at inirapan ito
"Joke lang, syempre hindi!" bawi naman nito sa sinabi niya kanina
"All we have to do right now is to trust each other!" ma kahulugang sabi naman ni Mikha
"Sorry Mikhs, but I don't trust you!" sabi naman ni Jhoanna at dinilaan lang si Mikha
"Same here!" inis na sabi ni Mikha at binato ito ng unan
"Masakit!" sigaw nito ng matamaan ang ulo, tumawa lang si Mikha dahil sa naging reaksyon ni Jhoanna
"Deserve!" sabi ni Mikha at inirapan ito, hindi parin talaga nawawala ang pagiging makulit nito kahit sa ganitong sitwasyon
❣Sa Kabilang Kwarto❣
Nang makapasok si Stacey ng kwarto ay wala doon sila Colet at Maloi.
"Ate Tin hindi pa ba bumalik dito sila ate Colet?" tanong naman nito sa Manager nila
"Akala ko ba magkasama kayo?" takang tanong naman nito sa sa kanya
"Nauna po kasi silang lumabas sakin" sagot naman nito habang inaayos yung hihigaan niya
"Baka nagpahangin lang muna!" nakangiting sagot rin nito
"Hayy baka nga!" sagot niya naman at napatulala nalang
"May problema ba kayo? Bakit umiiyak si Gwen kanina?" nag aalalang tanong naman nito
"Ewan ko Ate Tin, hindi ko na alam ang gagawin. Bakit ba kasing ang daming problemang dumarating? Hindi ba pwede magsaya nalang kami kasi debut na namin next week eh!" umiiyak naman na sabi ni Stacey dito
"Sabi nga nila diba, everything happen for a reason" lumapit naman ito sa kanya at niyakap siya
"Pero paano kung mas lumala yung kondisyon ni Sheena? Hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising" umiiyak na sabi naman ni Stacey, hindi niya na sinabi yung pagbebentang ni Colet kay Gwen kasi hindi rin naman sila sigurado kung totoo nga yun
"Sheena is a strong girl as well as Aiah!" sabi naman nito sa kanya
"Let's erase all the negativity!" nagulat naman si Ate Tin ng biglang sumigaw si Stacey
"That's the Stacey I know!" nakangiting sabi nito sa kanya habang hinahaplos nito ang buhok niya
"Ate Aiah gising na, miss ko na yung pagiging oa mo" sabi niya kay Aiah habang pinupunasan yung pisngi niya
"Need lang niya ng kaunti pahinga!" sabi ni Ate Tin sa kanya
Kahit papaano ay gumaan din yung nararamdaman niya. Isa si Ate Tin sa nakasaksi kung paano sila nagsumikap para maabot yung mga pangarap nila. Ito ang tumayong nanay sa kanila lahat, sumusuporta sa ginagawa nila kaya talagang malapit ang loob nila dito.
Nagulat naman sila ng makarinig ng ingay sa labas ng kwarto. Agad na tumayo si Ate Tin para tingnan kung anong nangyari.
"Anong nangyari?" tanong naman ni Jhoanna na kakalabas lang din
"Puntahan nalang natin!" aya naman ni Ate Tin sa kanya
Laking gulat nilang ng makita namimilipit sa sakit si Maloi na nakaupo na ngayon sa ibaba ng hagdan.
"Ate Maloi!" agad rin naman nila ito tinulungan
Nagtaka naman si Jhoanna ng makitang kay pigura na nakatayo lang doon sa itaas ng hagdan kung saan nahuyog si Maloi. Sino iyon? Tanong niya sa isip niya, pero agad din naman nawala iyon ng sumigaw si Maloi ng mahawakan ni Jhoanna ang braso nito.
"Sorry! Sorry!" agad na paumanhin niya at tinulugan na nila ito