Chapter 4

8 1 0
                                    

Stacey's POV

Isang linggo na ang lumipas nang nangyari yung aksidente. Gising narin si Ate Aiah pero hindi namin siya makausap ng maayos dahil sinisisi nito ang sarili sa nangyari samin. Nakauwi narin siya ng bahay namin at tanging si Sheena nalang ang hindi pa nagigising.

Si Gwen lang ang kasama ko ngayon dahil nasa meeting  yung ibang girls, they are planning what  to do about our debut. Alam kung mas malabo iyong mangyari dahil narin sa sitwasyon namin ngayon  at hindi pa nagigising si Sheena.

"Staku anong gusto mong food?" tanong ni Gwen sakin habang kinukuha yung wallet niya

"Fried Chicken!" nakangiting sagot ko naman sa kanya, natawa nalang ako ng nilahad niya yung kamay niya

"Ano?" nakataas kilay kung tanong

"Bayad mo!" sagot niya naman sakin

"Akala ko ba libre mo?" tanong ko naman sa kanya at binigay yung bayad ko

"Mahirap pa ako Staku" sabi niya naman sakin at kinuha na yung pera

"Sige alis kana Gwen, gutom narin ako" sabi ko naman dito

"Bye!" sabi nito bago umalis, nagligpit lang muna ako ng mga gamit dito sa kwarto habang naghihintay kay Gwen

"S-staku!" nagulat naman ako ng biglang may tumawag sakin, agad akong napatili dahil doon

"Huuyyy dito ako!" agad naman akong napatingin

"Sheenaaaa!" sigaw ko naman sa tuwa ng makitang gising na ito

"Ayy si Oa naman to!" sabi naman nito sakin

Masaya lang talaga ako dahil sa wakas ay gising na ito. Tinulungan ko namang itong makaupo ng maayos.

"Sorry naman na excite lang this ferson!" nakangiting sabi ko naman sa kanya at niyakap ito

"Ikaw lang ba?" tanong niya naman sakin

"Kasama ko si Gwen, pero lumabas lang saglit para bumili ng pagkain" sagot ko naman sa kanya

Nagulat naman ako ng biglang nagbago yung itsura ng mukha niya ng mabanggit ko yung pangalan ni Gwen.

"Is something wrong!" takang tanong ko naman sa kanya

"Nope! Na miss ko lang kayo" sagot niya naman sakin at ngumiti

"Hintayin nalang natin si Gwen" sabi ko naman sa kanya

"Pwede ba akong uminom ng coke?" tanong naman nito sakin

"Tanong ko lang sa nurse mamaya!" sabi ko naman sa kanya mas mabuti na yung sigurado baka bawal kasi

"Here's your chicken Staku!" sabay naman kaming napalingon ni Sheena ng bumukas yung pinto

Gulat na napatingin si Gwen kay Sheena at hindi parin umaalis sa pinto. Tumayo nalang ako at hinila siya.

"Mabuti naman at gising ka na!" iyon lang ang sinabi ni Gwen at nilapag na sa lamesa yung pagkain

"Yeah!" tanging sagot lang ni Sheena

"Sheena kumain ka nalang muna, punta lang ako sa nurse station para ma check ka rin nila at matanong ko yung gusto mo. Tawagan ko narin yung girls para makapunta sila dito" paalam ko naman sa kanila

"Gwen tulungan mo nalang si Sheena!" sabi ko naman sa kanila, tanging tango lang ang sinagot nilang dalawa sakin, ang wierd naman ng mga toh

Nang makalabas ako ay tsaka ko lang tinawag si Jhoanna para ipaalam sa kanila na gising na si Sheena. Si Jho nalang yung tinawagan ko, magkasama rin naman silang lahat ngayon.

"Thank God!" ayy mas oa naman to sakin, masakit sa tainga yung sigaw ni Jho

"Dala nalang din kayo food dito na tayo kakain!" sabi ko naman sa kanya

"Ok ok patapos narin naman kami dito!" sagot niya naman sakin

"Ok bye!" paalam ko naman bago pinatay yung tawag

Pinuntahan ko narin yung nurse na naka assign kay Sheena para matingnan nila yung kondisyon niya. Tinanong ko narin kung pwede bang uminom ng softdrinks si Sheena, pwede naman daw kaya lumabas narin ako para bumili. Tung batang to talaga ginawa ng tubig yung coke.

"Pabili po, isang coke po!" sabi ko naman doon sa tindera na nakita ko pagkalabas

Nang makuha ko na yung binili ko ay babalik na sana ako ng makita ko si Ate Colet. Anong ginagawa niya dito? Ang bilis naman yata nila makarating, kakatawag ko pa nga lang kay Jho.

Tatawagin ko na sana ito, pero nagulat ako ng biglang may dumating na babae. Pumasok rin agad sila ng hospital. Parang nagmamadali pa nga eh.  Hindi ko nakita yung mukha dahil nakasuot ito ng mask. Sino kaya yun? Hindi kasi ito pamilyar sakin eh. Kilala ko naman yung ibang mga kaibigan ni Ate Colet.

Hindi nalang muna ako bumalik ng room. Hihintayin ko nalang yung girls dito sa labas. Para narin makapag usap yung dalawang iniwan ko sa kwarto. Hindi kasi ako sanay na ang tahimik ni Sheena.

"Salamat naman at dumating na kayo!" after 20 minutes of waiting sa wakas at nandito narin sila

"Why are you here?" takang tanong naman ni Mikhs sakin

"Kasi wala ako sa loob!" pabalang kung sagot sa kanya

"Whatever!" inirapan lang ako nito

"Nasaan si Ate Aiah at Ate Colet?" tanong ko naman sa kanila kahit pa nakita ko na si Ate Colet kanina

"Nangpapahinga lang muna si Aiah, susunod rin yun mamaya!" sagot naman ni Ate Maloi sakin

"Ate Colet?" ulit na tanong ko naman

"Hindi namin alam, kaninang umaga pa yun umalis. Hindi nga sumama sa meeting" sagot naman ni Jho

What are you up to Ate Colet? Tanong ko nalang sa sarili ko. Bakit para ang wierd kasi nito simula nung aksidente namin. Hindi na namin ito masyadong nakakausap.

"Let's go!" sabi naman ni Mikha at inalalayang maglakad si Ate Maloi, hindi parin kasi maayos yung kamay niya. Pero nagagalaw niya naman ito ng pa unti unti.

Wala ng magsalita samin habang paakyat kami. Nagulat namin kami nung dumating kaming kwarto ay wala na doon si Gwen. Si Ate Colet yung nandoon habang yakap niya si Sheena na mukha kakaiyak lang.

"Huy anong nangyari?" nag aalalang tanong ko naman kay Sheena

"Napuwing lang ako!" nakangiti sagot naman nito sakin, as if namang maniniwala ako

"Where is Gwenny?" tanong naman ni Mikhs

" Lumabas!" iyon lang ang tanging sagot ni Ate Colet,inirapan lang ito ni Mikha at tiningnan si Sheena.

"May masakit ba sayo?" mag aalalang tanong naman ni Ate Maloi

"Nope! I'm strong kaya!" natawa nalang kami sa sagot niya at pinakita pa talaga yung braso niya

"Anong nangyari dyan?" tanong naman ni Sheena habang nakaturo sa kamay ni Ate Maloi

Nagkatinginan lang kami at naghihintay kung sino yung magsasalita.

"Kumain nalang muna tayo, gutom narin ako!" aya ko naman sa kanila ng mapansing walang plano sumagot kay Sheena.

Walo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now