Jhoanna's POV
Kasama ko ngayon si Mikha habang naghihintay kami kay Ate Maloi ng ginagamot pa yung sugat niya ng nurse. Si Ate Tin naman bumalik narin ng kwarto dahil walang kasama sila Sheena at Gwen.
"What are you doing here?" nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Mikhs
"Bat mo natanong?" pabalang na sagot naman ni Ate Colet na kakarating lang
Naalala ko naman yung nakita ko kanina. Si Ate Colet nga ba yun? Pero kung siya man yun bakit hindi niya tinulungan si Ate Maloi?
"Where are you nung nahulog si Ate Maloi ng hagdan?" matapang na tanong ni Mikhs dito
"Nasa rooftop ako nagpapahangin!" sagot naman nito at umiwas ng tingin
"Paanong nasa rooftop ka, diba kayong yung magkasama kanina?" inis na tanong ni Mikhs
"Anong ginagawa mo sa hagdanan kung nasa rooftop ka nga?" tanong ko naman kay Ate Colet para makita yung reaksyon niya
"Ano bang pinagsasabi niyong dalawa? Tingin niyo ba talaga kaya kung itulak si Maloi ng hagdan?" tanong naman nito samin
"Nakita kita kanina!" sabi ko naman sa kanya, parang nagulat naman ito sa sinabi ko
"What? Nandoon ka pero hindi ka tumulong?" gulat na tanong ni Mikhs dito
Hindi naman ito nagsalita at umupo nalang sa tabi. Tinitignan ko naman si Mikhs para kasing may sasabihin pa ito. Mabuti naman at nakuha siya ng tingin at hindi na umimik. Hindi mabuti kung parehong mainit yung ulo naming lahat, wala ito patutunguhan mabuti.
Nang makalabas na si Ate Maloi ay may bandage yung kaliwang braso niya. Mukhang masakit talaga ito, pero ngumiti lang ito samin.
"You need to rest for awhile before your bruise gets better. Huwag muna itong igalaw" bilin naman ng Doctor sa kanya
"Bat Doc may debut pa kami next week?" nagulat naman kami sa sinabi ni Ate Colet
"Iyon pa talaga ang naisip mo?" inis na tanong si Mikhs dito
"Hindi niya pa kayang galawin yang braso niya, mas lalala lang kung pipilitin niyo pa!" sagot naman nito kay Ate Colet
Kita ko sa mukha ni Ate Maloi na parang maiyak na ito. Bakit yung debut parin ang iniisip ni Ate Colet ngayon na para bang wala kaming pinagdadaanang problema.
"Dapat kayanin niya!" iyon lang ang sinabi ni Ate Colet at umalis na
Nagpasalamat narin kami kay Doc. at bumalik ng kwarto. Wala ng nagsalita samin hanggang sa makarating kami. Hindi ko parin maintindihan si Ate Colet, para bang ibang Ate Colet na yung makasama namin ngayon. Hindi man lang siya nagtanong kung ok lang ba si Ate Maloi.
"Are you ok?" tanong naman ni Stacey ng makarating kami, wala dito si Ate Colet nasa kabilang kwarto siguro
"I'm fine!" sagot naman nito kahit halata sa kanya na nahihirapan siya
"Ate Maloi kain na muna" sabi naman ni Staku dito, tumango lang si Ate Maloi at tinulungan niya ng kumain si Ate Maloi
"Uyy!" tawag ko naman kay Mikhs na nakaupo lang sa sofa
"Hindi ka pa gutom?" tanong ko naman dito at umupo narin sa tabi niya
"Why do I fell na parang nag iba yung ugali ni Ate Colet?" tanong niya naman sakin, ang galing tanong din yung sagot sa tanong ko
"Baka stress lang siya masyado!" tanging sagot ko nalang dahil kahit ako ay walang ideya sa inaasal ni Ate Colet ngayon
"The h*ck stress! Siya lang ba?" inis na sabi naman nito, naawa naman ako kay Mikhs dahil kakagising lang nito at puro problema agad ang salubong sa kanya
"Kumain ka nalang muna, para makapagpahinga ka" sabi ko naman dito
"Staku anong ulam?" tanong ni Mikhs kay Staku
"Tinola" sagot naman nito
"Bili nalang muna ako sa labas" sabi naman nito, hindi niya siguro gusto yung ulam
"Ako nalang bibili Mikha!" sabi naman ni Staku
"No thanks baka mapagod pa yung Prinsesa namin!" nakangiti sabi naman ni Mikha bago nag paalam na lalabas
"Buti alam mo!" sigaw naman ni Staku, hindi parin talaga mawala samin yung kunting asaran
"Punta lang ako kabila kwarto" paalam ko naman sa kanilang dawala
"Shooo!" kainis talaga to si Staku kahit kailan, hindi ko nalang siya pinansin at lumabas na
Tok! Tok! Tok!
"Ate Tin!" tawag ko dito bago mupasok, pero tanging sila Sheena at Gwen lang ang nandito
Tiningnan ko naman yung C.R. pero wala ring tao. Kaya nag text naman ako para malaman kung saan siya.
"Bili muna ako food!" basa ko sa reply niya, si Ate Colet ay wala rin dito
Pagtingin ko sa lamesa may food naman doon, pero tinola nga lang. Baka ayaw rin ni Ate Tin kaya lumabas rin, parang Mikhs lang. Si Staku siguro yung bumili ng food dahil puro tinola nalang.
"Saan ka galing?" tanong ko kay Ate Colet na kakapasok lang, pero hindi niya rin naman sinagot yung tanong ko
"Uwi lang muna ako, balik rin ako bukas. May gusto ka bang ipadala?" tanong niya sakin
"Wala!" tiningnan naman ako nito ng masama ng hindi ko siya sinagot
Bakit naman siya nagmamadali at pinagpapawisan pa ito. Hindi naman mainit.
"Anong gagawin mo sa bahay?" tanong ko naman dito
"May kukunin lang ako!" sagot niya naman sakin at umalis na
Saktong pagkaalis niya naman ay nagising narin si Gwen.
"Nasaan sila?" tanong naman nito habang kinukusot yung mata niya, ang cute naman ni Gwenny
"Lumabas muna si Mikhs at Ate Tin para bumili ng pagkain!" nakangiting sagot ko naman sa kanya
"Bakit parang mas sumakit yung katawan ko?" takang sabi naman ni Gwen nang pababa na ito ng kama
"Matagal ka rin kasing natulog!" sabi ko naman sa kanya
"Baka nga, Jho patulong naman sa paghanda ng pagkain. Nanghihilamos lang muna ako" sabi naman nito at pumasok ng banyo
"Yeah sure!" sagot ko naman sa kanya at nilabas na yung pagkain
Mainit parin naman yung tinola dahil nakalagay ito sa stainless na lalagyan.
"Nasaan si Gwen?" tanong agad ni Ate Tin ng makapasok ito na may dalang pagkain
"Nasa banyo po, naghilamos lang muna" sagot ko naman sa kanya
"Kumain ka na ba? Kung hindi pa sabayan mo nalang kami" tanong nito sakin
"Sige po!" sagot ko naman at naglabas narin ng plato ko
"I'm hungry!" parang batang sabi ni Gwenny ng makalabas ito
"Let's eat na Gwenny gutom narin ako" sabi ko naman dito at binigyan na siya ng plato
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Hindi ko muna sinabi kay Gwen yung nagyari kay Ate Maloi baka mag alala na naman ito.
