Prologue

131K 1.9K 157
                                    


Naiinis akong nagmaneho patungo sa kung saan man ako dalhin ng wisyo ko. Hindi ko na maiintindihan ang sarili ko. Magulong-magulo ang buhay ko at wala na itong direksyon. Tama si Daddy, dapat kong ipagpasalamat na buhay ako pero nasasaktan pa rin ako dahil ni minsan ay hindi niya isinumbat sa akin ang nangyari. Gusto kong parusahan ang sarili ko, gusto kong tapusin na ang lahat na paghihirap sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit dito sa lumang tulay ako nakaisip magpunta. Madilim pero naririnig ko ang malakas na agos ng ilog; isa itong musika sa tenga na parang tinatawag ako. Ito na marahil ang sagot sa lahat. Hindi ko na kakayanin pa ang mabuhay na walang silbi, na walang paroroonan, na nababalot sa mapait at malagim na nakaraan.

Inakyat ko ang railings ng tulay at pinakiramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Pumikit ako at nangarap na sana maintindihan ako ni Daddy. Tatalon na sana ako nang may marinig akong isang babaeng umiiyak kaya hinanap ko kung saan ito nanggaling.

Nakita ko siya, nakaakyat na rin siya sa railings ng tulay.

"Miss," tawag ko sa kanya.

"Lumayo ka sa akin!" umiiyak niyang sambit.

Agad akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang boses niya. Hinding-hindi ako magkakamali. Malinaw sa alaala ko ang boses na yun. Lumapit ako para makasiguro na siya nga.

"Miss, anuman ang pinagdaanan mo, pag-usapan natin,"saad ko.

"Huwag kang lumapit!" bulyaw niya sa akin, "pabayaan mo na ako, please."

"Miss, kausapin mo muna ako," dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Lumingon siya sa akin at nasilayan ko ang kanyang maamong mukha nang matamaan ito ng kaunting sinag ng buwan. Siya nga! Hinding-hindi ako magkakamali. Mga dalawang buwan ko rin siyang hinanap at sa wakas ay nakita ko na siya pero hindi ko akalaing sa ganitong sitwasyon kami magkikitang muli.

"Walang kwenta ang buhay ko!" iyak niya, "mas mabuti pa ang mamatay!"

Agad akong nakaramdam ng kirot sa puso. Hindi ko man alam ang lahat pero alam kong isa ako sa dahilan ng kanyang miserableng buhay. Naiinis din ako sa sarili ko lalo pa na alam kong kasing edad lang niya ang kapatid kong namatay. Akala ko ay pinoprotektahan ko siya noon pero hindi ko inakalang mapapasama pala siya sa ginawa ko.

"Miss," dismayado kong sambat, "pag-usapan natin, 'to."

"Ang dumi-dumi ko," bumagsak ang balikat niya habang humikbi, "gusto ko nang mamatay."

Sinamantala ko ang panghihina niya upang sakopin ang baywang niya saka ko siya hinila pabagsak sa katawan ko.

"Bitiwan mo ako!" nagpumilit siyang kumawala sa akin pero hindi ko na siya binitawan. Tama na yung nakita ko ang patay na katawan ng aking kapatid, hindi ko kakayaning may kasing edad niya ang mamamatay rin sa harap.

"Aaagh!" pumilipit siya habang hinawakan ang kanyang tiyan kaya agad akong nataranta.

"Bakit? A-ano ang nangyari?" tanong ko nang maramdaman ko na nasasaktan siya pero hindi ko na kailangang marinig ang sagot niya dahil nakita ko ang pulang likido na lumalandas sa kanyang hita.

"Sh8t! Bakit ka dinudugo?" hindi ko alam ang gagawin ko.

"A-ang sakeeeet!" sigaw niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na kargahin siya at ipasok sa sasakyan ko. Binilisan ko ang pagmamaneho dahil parang mawawalan na siya nang malay at napapansin ko na rin ang pamumutla niya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkaganoon, wala naman akong nakitang matalas na bagay doon sa pinagbagsakan namin.

Dirty Secrets (Adonis Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon