Please like our FB pages
www.facebook.com/AdonisSeries
www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses
Join us in our FBGroup - just search for AnjSmykynyzeAAT
*Cerise's POV*
Kanina ko pa hindi maintindihan ang sarili habang napag-uusapan namin ang kahulugan ng tula ni Maya Angelou. Naiilang din kasi ako dahil napapansin kong paminsan-minsan ay tumitingin sa akin ang dalagang propesor na para bang sinasabi niya na ang mensahe ng tula ay para sa akin.
"Every woman has her imperfections but we are phenomenal in our own way," saad ni Professor De Jesus, "We are beautiful inside out so there is nothing to fear. All we have to do is bring out the best in us."
"Miss Bernard," tawag niya sa akin, "tell us about your insecurities."
Nanginginig akong tumayo, "I-I am considered the TAUNF," tumikhim ako para mawala ang parang may nakabara sa lalamunan ko, "it means The Appointed Ugly Nerdy Friend."
"Would you allow that to consume you?" tanong niya.
"Well, they are right in some ways," sagot ko, "I don't get the stares that men threw to my friends and I do not get to enjoy the special kind of treatment that people give to my friends."
"You are pretty –"
"With all due respect, Professor De Jesus," binara ko siya sa kung anuman ang balak niyang sasabihin, "I do not think it would be appropriate to talk about me and my inner misery to explain the meaning of the poem we are currently discussing," saad ko dahil hindi ko nagustohan ang atensyong nakukuha ko ngayon. Hindi naman sa ayaw kong mapansin, ayoko lang mapag-usapan kung ano ang kulang sa akin. Matagal ko nang tanggap na kailanma'y walang lalaking tatanggap sa akin. Katawan lang ang magiging habol nila sa akin dahil walang sinuman ang makakayanang mahalin ang isang babaeng katulad ko.
"Okay," bumuntong hininga si Dr. De Jesus, "for your writing requirement, I want you to write a 500-word paragraph about your analysis on the poem. I want you to include your personal thoughts about the poem in relation to yourself and to your experience."
Agad na nagsi-ayos ng mga gamit ang mga kaklase ko habang napatitig ako sa tula na pinag-uusapan namin. Paano ko masasabi na isa akong kanais-nais na babae? Kahit hindi ako ang pinakapangit sa mundo, isa naman akong maruming babae. Sino naman ang magmamahal sa isang babaeng katulad ko? Naalala ko na naman ang nakaraan ko.
*flashback*
Dinig na dinig ko ang masayang hiyawan ng mga kalalakihang nakapalibot sa amin ngayon. Katabi ko ang ibang mga babaeng pagpipilian nila. Hindi ko maaninag kung sinu-sino sila dahil bukod sa madilim, nasa sa amin din nakatutok ang ilaw.
"Siya," may pumili sa akin. Napagtanto ko sa boses niya na isa siyang matanda.
"No, I'll take her," saad naman ng isang mas batang boses.
"Ako ang nauna!" galit na saad ng matanda, "magbabayad ako ng sampung libo para sa kanya," pagpapatuloy ng matanda.
Sampung libo? Yan lang ba ang halaga ng pagkatao ko? Gusto kong umiyak. Gusto kong maglaho. Hindi ko maiwasang tanungin sa Diyos kung bakit hinayaan niyang mangyari ito sa akin. Ganito din kaya ang buhay ko kung sakaling nahanap ko ang ama ko? Wala kasing sinasabi si nanay tungkol sa kanya. Umalis daw ito nang ipinagbubuntis pa lang ako.
"Dodoblehen ko ang bayad niya," napabalik ang wisyo ko nang marinig kong muling nagsalita ang mas batang lalake.
"Wow! Ayos yang napili mo, Pare," napansin ko ang magiliw na saad ng mga kasama nito. Pakiramdam ko nakadruga ang mga ito dahil kahit walang nakakatawa ay tumatawa ito.
BINABASA MO ANG
Dirty Secrets (Adonis Series 5)
Romance"Love conquers all," is an old cliche that every hopeless romantic tried to hold on to. Love conquers all pa rin ba ang mangyayari sa dalawang taong parehong may lihim sa kanilang nakaraan? Handsome, Rich and Gentleman - yan ang tatlong katangian...