*Cerise's POV*
Pinagpawisan akong gumising dahil napanaginipan ko na naman siya. Napanaginipan ko na na naman ang taong walang mukha. Rinig na rinig ko pa ang mga halakhak sa paligid namin habang damang dama ko pa ang pagdampi ng kanyang balat sa akin. Hindi ko maalala kung ano talaga ang nangyari sa gabing iyun basta ang alam ko, yun ang pinakamalagim na gabi sa buhay ko.
*flashback*
Nagsasayaw ang pula, berde, dilaw at azul sa kalagitnaan ng dilim habang mga hindi kanais nais namang pagtatanghal ang nakikita ko sa entablado. Nanginginig ang tuhod kong sumunod sa mga hakbang ng aking tiyahin na itinuring ko na ring ina mula noong namatay ang tunay kong ina dahil sa sakit na tuberculosis. Hindi ko alam kung ano ang pakay namin doon basta sinabi niya lang na pagtatrabahuin niya ako.
"Yan na ba ang sinasabi mo, Melba?" narinig kong tanong ng isang bakla sa tiyahin kong ngayon ay nikahithit na rin ng sigarilyo.
"Oo, siya na nga," nilingon ako ng tiyahin ko kaya ako napayuko. Simpleng shorts lang at puting blusa ang suot ko pero nanindig ang balahibo ko nang makita ko ang mga babaeng nakaupo sa harap ng salamin.
"Ipaupo mo na siya doon," utos ng bakla, "tamang tama, may mga anak ng mayayaman tayong customers. Gusto nila ng virgin."
"Makukuha ko ba agad ang bayad?" narinig kong tanong ng tiyahin ko.
"Depende yan kung siya ang mapipili," saad ng bakla, "lagyan mo nga siya ng konting make-up para magmukha namang tao."
"Halika nga dito," hila sa akin ng tiyahin ko saka inilabas ang isang lipstick at pulbo. Nilagyan niya ng lipstick ang mga labi ko saka pinahiran ng konting lipstick ang aking mga pisngi. Marahas niyang pinahid ang konting lipstick na yun gamit ang kanyang mga daliri saka niya ako nilagyan ng pulbo.
"Tiya, ano pong trabaho ang gagawin ko?" tanong ko kahit alam ko na kung anong klaseng lugar itong pinagdalhan niya sa akin. Madalas mainit ang ulo ng aking tiyahin pero bilang pinsan ng aking ina, mataas pa rin ang respeto ko sa kanya. Alam kong balang araw ay matutunan niya rin akong mahalin kaya hindi ko inisip na dumating ang araw na ibebenta niya ako sa bugaw.
"Cerise, makinig ka," mariing saad ni Tiya Melba, "isang beses lang 'to, kailangan ko lang ng pangtubos sa tiyo mong nakakulong. Alam mo namang ang Tiyo Gaspar mo lang ang bumubuhay sa atin 'di ba?"
"Tiya Melba, natatakot po ako," naiiyak kong saad.
"Isipin mo na lang ang kinabukasan natin. Kapag magtagal ang tiyohin mo sa kulongan, pare-pareho tayong mamatay sa gutom," paliwanag niya, "kung pwedi nga sana na ako ang gumawa nito, gagawin ko na. Kaso hindi na nila ako tatanggapin kaya ikaw na lang ang pag-asa namin. Ito na lang ang pambayad mo sa ilang taong isinakripisyo namin sa pagbuhay sayo."
"Tiya, maawa po kayo," nagbabadyang pumatak ang mga luha ko pero inirapan niya ako kaya pinigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha.
"Huwag kang mag-aalala," saad niya, "may gamot silang ipapainum sayo. Paggising mo bukas ng umaga, wala kang maaalala."
*end of flashback*
Bumangon ako para uminom ng tubig. Limang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ko ang gabing iyun. Hindi ko man maalala ang lahat, alam kong binaboy ako ng pitong kalalakihan. Hindi ko man makita ang mga mukha nila, naalala ko naman ang mga anino nila na nakapaligid sa akin habang papalit-palit nila akong pinaglaruan. Isang masakit na musika ang kanilang mga halakhak habang tanging isang munting ilaw na mula sa bintana lamang ang hinuhugutan ko ng lakas.
BINABASA MO ANG
Dirty Secrets (Adonis Series 5)
Romance"Love conquers all," is an old cliche that every hopeless romantic tried to hold on to. Love conquers all pa rin ba ang mangyayari sa dalawang taong parehong may lihim sa kanilang nakaraan? Handsome, Rich and Gentleman - yan ang tatlong katangian...