Dirty Secrets - Chapter Three

68.6K 1.4K 68
                                    


Join us in our FBGroup : Just search AnjSmykynyzeAAT and click join

*Angelo's POV*

Nilalaro ko ang aking ballpen habang nakangising iniisip ang nangyari kagabi. 

Malakas ang hiyawan ng mga tao sa loob ng hall ng tinawag ang mga pangalan namin. Nakakatuwa dahil kahit tatlong taon na kaming hindi nakabalik sa university, kilala pa rin kami at marami pa rin kaming fangirls. Hindi naman namin maipagkakailang nakakatulong din ang pagiging artista ni Kaz kaya inaabangan talaga ng mga kababaihan ng university ang aming pagdating.

Tulad ng palaging ginagawa ko tuwing nagpeperform kami sa mga gigs, tahimik lang akong umakyat sa entablado at dumirecho sa keyboard.  Ako ang keyboardist ng grupo at hindi katulad nina Kaz, Mago at Marco, nananatili lang ako sa pwesto ko hanggang sa matapos ang pagtatanghal namin.  Nang makapwesto na ako sa keyboard ay agad kong nilibot ang aking paningin sa buong hall. Kitang-kita ko sa mga mata ng mga babae ang pagnanasang sana ay mapansin sila nfg bawat membro ng Adonis band pero hindi ang mga mata nila ang nais kong makita.  Bagsak balikat akong tumungo sa keyboard dahil hindi ko makita ang isang pares ng mga mata na inaasam ko na sana ay isa sa mga humahanga sa amin ngayon. Bumigat ang loob ko sa isipang baka hindi siya dumalo sa homecoming pero nabuhayan ako ng loob nang makita ko si Sky.  She is pointing at something, no, someone. Sinunod ng aking mga mata ang direksyong tinuturo niya at doon ko siya nakita. Sa isang sulok kung saan hindi masyado natatamaan ng mga sumasayaw na ilaw, nakatayo ang future wife ko.

Ramdam ko sa paningin niya ang takot at pangamba. Gusto ko sana siyang lapitan pero kailangan naming simulan ang aming pagtugtog. Sinusulyap-sulyapan ko na lang siya sa gitna ng mga hiyawan at sayawan ng mga taga hanga namin. Habang ini-enjoy ko ang pagtatanghal, hindi ko rin maiwasang pansinin ang pagkakaiba na ang mga babae ngayon sa university kumpara sa mga nakasalamuha namin noon. Kung noon ay kontento na ang mga babae na nasa dance floor lang sila, ngayon ay kusa silang umaakyat sa stage upang makipagsayawan sa amin.

Ayaw naman naming mabastos ang mga ito kaya sinasabayan na lang namin. Natatawa naman ako sa halatang kinakabahan na si Marco, medyo nagiging selosa kasi si Janine kaya alam kong lihim na nagdarasal  si Marco na sana maiintindihan ng kanyang buntis na asawa ang ginawa niyang pakikisama sa mga babaeng nais siyang makasayaw. Patuloy lang ako sa pagtugtog ng keyboard habang patuloy din sa pagsulyap-sulyap sa aking inspirasyon ngunit sa kalagitnaan ng aming huling kanta ay nakita kong may mga babaeng lumapit kay Cerise. Napangiti ako dahil naisip ko na hindi pala malala ang pagka-anti-social niya pero napakunot ang noo ko nang makita ko ang ginawa ng isang babae sa kanya.

Hindi nakaligtaan ng mga mata ko ang pag-iwas niya sa gulo at pagtakbo dahilan upang mabangga siya sa waiter at matapon sa kanya ang mga inuming dala ng waiter. Patapos na ang kanta noon pero hindi ko inalis sa paningin ko ang sitwasyon ni Cerise.  Nakita ko kung paano siya pinahiya ng isang babae. I wore my fierce look as went down the stage. Nararamdaman ko ang kakaibang takot na pumalibot sa bawat taong nadadaanan ko. Kilala ako sa university bilang tahimik pero kakaiba kung magalit na tao. Siguro nakatatak pa rin sa utak ng mga nakakaalala kung paano ko binugbog ang isang quarterback na sinadyang balian ang tailback namin noon dahil lang sa selos. Halos masira ko na kasi ang mukha ng tao at na-confine pa ito ng isang buwan sa ospital.

Tahimik ang buong paligid ng marating ko ang kinaroroonan ni Cerise. Pati ang malditang babae ay napaatras sa takot dahil sa masamang titig ko sa kanya. Nakatitig pa rin ako sa kanya nang hubarin ko ang suot kong suit. Nakasaad sa titig ko ang katagang humanda siya dahil pagbabayaran niya ang ginawa niya sa pinaka-importanteng babae sa buhay ko. Lumuhod ako para ipatong sa balikat ni Cerise ang suit ko saka ko siya pinatayo. Nanginginig ang maliit niyang katawan habang kumukuha ito ng lakas sa akin. Nakatayo na siya nang maisipan niyang tumingala upang makita niya ang mukha ko. Naghuramentado ang puso ko nang magtama ang aming mga paningin. She is still as fragile and as tender as she was the first time I met her. Gusto kong ngumiti pero ayokong ipakita sa mga tao sa hall na malambot ako. Gusto kong manatiling kinatatakutan nila ako para kung sakaling maulit ito kay Cerise, alam nilang hindi basta-basta ang tinatapatan nila.

Dirty Secrets (Adonis Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon