Dirty Secrets - Chapter Two

80.6K 1.5K 132
                                    

*Angelo's POV*

Hindi ko masukat ang inis na nararamdaman ko nang ibinaba ko ang receiver ng phone. Kausap ko kasi kanina ang ama ko dahil gusto niyang ako ang makikipagmeeting sa bago niyang kasosyo sa negosyo. Ang totoo, alam ko na may ibang dahilan kung bakit gusto niya na ako ang humarap sa kasosyo niya. May mga anak kasi itong mga babae na nirereto nila sa akin. Ayoko mang gawin, hindi ko naman kayang tanggihan ang aking ama.

Napahilig ako sa swivel chair at mariing ipinikit ang aking mga mata. Naalala ko na naman siya. Anim na taon na ang lumipas pero sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyayari. Isang gabi lang yun. Isang gabi na bumago sa buong pagkatao ko.

Hindi ako ganito katahimik dati. Marami akong mga kaibigan maliban sa Adonises. Hindi naman kasi kami laging magkakasama. Maliban sa iba-iba ang mga kursong kinuha namin, magkaibang school org din ang mga nasalihan namin. Sa Basketball varsity sina Marco at Stuart, sa Chess club si Mago, sa theater arts si Kaz at sa Football naman ako.

Isang gabi, nagkayayaan ang team pero hindi ako pinayagan ni daddy. Dinahilan niya ang pag-alis niya ng bansa at ang pagkaiwan ng aking mommy at kapatid kong si Angela sa bahay. Pero matigas ang ulo ko. Inisip ko na may mga security guards ang subdivision kaya kahit puro sila babae na naiwan sa bahay ay okay lang. Hinintay ko lang na makatulog si mommy saka ako tumakas palabas ng bahay.

Yun ang unang beses na sumuway ako sa mga magulang ko pero napakasaklap ang kabayaran nito. Alas dos ng madaling araw akong umuwi pero nabalot ako ng takot nang makita kong napalibutan na ng pulisya at mga imbestigador ang bahay namin. Dali-dali akong tumakbo patungo sa entrance ng gate pero, "Bata, bawal pumasok," harang sa akin ng isang pulis.

"Dito po ako nakatira," nanginginig kong saad, "ano po ang nangyari? Nasaan ang mommy ko? Ang kapatid ko?" nakita ko ang makahulugang tinginan ng dalawang pulis bago sila nagdesisyong papasukin ako. Agad kong tinakbo ang pintuan namin pero hindi pa ako nakapasok ay nakita ko na ang nagkalat na dugo sa sahig. Lahat ng tao sa loob ng bahay ay natahimik nang makita ako.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Puno ito ng galit, paghihinayang, inis sa sarili, pagkamuhi. Nanginginig ang mga paa ko habang hinakbang ko ang kinaroroonan ng aking kapatid. Si Angela, 13 years old, hubot hubad na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.

"Anong nangyari?" tanong ko kahit malinaw na hinalay at pinatay ang nakababata kong kapatid.

"Pitong lalaki ang humalay sa kanya, nahuli ang apat pero nakawala ang tatlo," sagot ng isang imbestigador.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko pero naalala ko si mommy kaya agad akong umakyat sa hagdanan pero pinigilan ako ng isang pulis, "walang tao sa itaas."

"Si mommy?" tanging sambit ko. Malungkot ang mukha niyang hinawakan ang braso ko at iginiya ako sa likuran ng bahay namin. Nanlumo ako sa nakita kong kalagayan ng aking ina. Si mommy, kasama ang dalawang matatandang kasambahay namin, nakatali at sabay-sabay na sinunog.

Hindi ko napigilan ang mapaluhod at mapaiyak. "Paano nangyari ito?" tanong ko sa kanila.

"On-going pa ang imbestigasyon pero kung gusto mo, pwede kang manood sa gagawing interrogation. Hinihintay lang namin ang iyong ama," saad ng pulis.

Kinaumagahan na nang dumating ang aking ama. Wala akong mukhang maiharap sa kanya at inasahan ko ang masuntok o mapalayas dahil sa kapabayaan ko. Pero hindi ko inakalang isang yakap mula sa umiiyak kong ama ang tanging natamo ko. Akala ko mas okay yun. Akala ko mas madali na hindi niya ako sinisi. Pero mali ako. Mas masakit makita ang paghihirap ng aking ama dahil sa kagagawan ko. Mas mahirap na sa kabila ng lahat ay pagmamahal pa rin ang isinukli niya sa akin.

Dirty Secrets (Adonis Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon