www.facebook.com/AdonisSeries
www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses
Join us in our FBGroup just search AnjSmykynyzeAAT on facebook
*Cerise's POV*
Kakaiba ang excitement na nakapalibot ngayon sa school. Bukod kasi sa napapabalitang ground breaking ceremony ng gagawing HRM Hotel laboratory, pinag-uusapan din ang tungkol sa bagong estudyanteng nag-enroll kahit kalagitnaan na ng semester pero ang dahilan kung bakit naging maugong ang balita ay dahil si Angelo Cruz ang estudyanteng ito.
Hindi ko alam kung ano dapat ang ipapakita kong reaksyon dahil hanggang ngayon, hindi pa kasi nakakalimutan ng mga estudyante ang tungkol sa pagkarga niya sa akin noong homecoming. Nakakabit ang insidenteng iyon sa balitang pagpasok niya sa unibersidad. Maraming kinikilig dahil sinasabi nilang ako ang dahilan kung bakit bumalik sa pag-aaral ang iniidolo nilang Adonis, ngunit mas marami ang nangungutya at nagsasabing isa daw akong bruha na ginayuma si Angelo.
Ang totoo? Hindi ko alam kung ano ang trip ng taong ito. Mayaman siya. Kahit sinong magagandang modelong gugustohin niya ay pwede niyang makuha. Higit sa lahat, kilala siya sa buong bansa bilang isa sa mga pinakabatang bilyonaryo kaya nakakapagtataka ang ginawa niyang ito.
Narinig kong pumalakpak si Savannah habang sinalubong ako, "andito na pala ang FAMEwh*re!"
"Savannah, ayoko ng gulo," mahina kong sambit.
"Sinong may sabing nanggugulo ako?" sarcastic na tanong niya, "I was just trying to congratulate you dahil nagtagumpay ka. Wow! Sikat ka na, pwede bang magpa-autograph?" lumapit siya sa akin kaya napa-atras ako.
Sasagutin ko sana siya pero narinig kong may tumikhim sa likod ko. Napansin ko rin na agad tumuwid ang pagkatayo ni Savannah saka nag-iwas ng tingin, "S-sorry Cerise," pagmamadali niyang saad saka umalis kasama ang kanyang mga alipores.
Nagtaka ako sa biglaang pagbabago ng asal ni Savannah kaya nilingon ko ang taong nasa likod ko. Bahagya akong nagulat nang makita ko ang isang anghel na nakangiti sa akin. Nakita ko naman sa aking peripheral view ang pagbubulongan ng mga taong nakatingin sa amin kaya itinaas ko ang isang kilay ko saka walang pag-alinlangang tumalikod upang magpatuloy sa paglakad. Alam kong dadami ang bashers ko kapag magpakita ako ng kilig dahil presensya niya. Paniguradong gagawan nila ako ng kwento at baka nga hahalungkatin nila ang nakaraan ko na matagal ko nang ibinaon sa limot.
Naramdaman ko ang pagsunod niya. Hahayaan ko na lang sana siya kaya lang hindi na ako mapakali sa kakaibang tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. Dahil dito hindi na ako nakatiis at hinarap ko siya, "Sinusundan mo ba ako?"
"Hindi, bakit? Gusto mo?" nakangiti niyang sagot sa akin kaya naparolyo ang mga mata ko.
"Eh bakit ka nakasunod sa akin?" inis na tanong ko.
"Papunta ako sa klase ko. Bakit? May patakaran bang nagsasabing sa fire exit dadaan ang mga new students?" natameme ako sa sagot niya. Tama nga siya, nasa main hall kami kaya natural na dito siya dadaan.
"Huwag ka na lang masyadong maglakad malapit sa akin," mahina kong saad.
"Bakit? Bawal ba?" tanong niya.
"Wala nang masyadong tanong," napabuntong hininga ako, "basta lumayo ka na lang ng konti dahil pinagtitinginan tayo."
"Anong problema doon?" pinatagilid niya ang kanyang ulo na mas lalong nagpabilis ng aking puso dahil lalong lumitaw ang kagwapuhan niya.
BINABASA MO ANG
Dirty Secrets (Adonis Series 5)
Romance"Love conquers all," is an old cliche that every hopeless romantic tried to hold on to. Love conquers all pa rin ba ang mangyayari sa dalawang taong parehong may lihim sa kanilang nakaraan? Handsome, Rich and Gentleman - yan ang tatlong katangian...