06

607 8 1
                                    

"How are you?" I asked my two sisters, Kaixa and Kira.

"I miss Kuya Leonn," Kai answered.

Heto 'yung masakit kapag may nawalang tao— 'Yung namatay. Ang sakit no'n para sa mga maiiwan nila.

Wala si Kuya Leivi dito and I understand him. Panay ko siyang pinupuntahan sa condo niya para bisitahin. Mahirap iwanan basta si Kuya dahil nga ilang beses na niyang sinubukan ang tapusin ang kaniyang buhay. Baka hindi na namin kayanin pa kapag sumunod siya.

"Condolence..." sabi ni Majo sa family namin.

Ipinagpapasalamat ko na wala dito si Lolo at Lola. Ang mga narito lang ay ang relatives namin at mga kaibigan nina Kuya Leonn.

Sa mga sumunod na araw, nanggagaling pa ako sa Alabang papasok sa campus namin. After training naman, umuuwi ako sa condo ni Kuya at sa madaling araw umuuwi sa Alabang.

Nandito lahat ng mga kapatid ko ngayong gabi. Multi mong si Kuya Leivi ay nandito dahil huling gabi na ni Kuya Leonn. Pinilit ko lang talaga siya na magpunta dito kahit pa na ayaw niya. Buti nalang din at may hiya pa sa katawan sina Lolo at hindi gumawa ng eksena.

"Silipin mo si Kuya Leonn?" tanong ko kay Kuya Lei but he shaked his head. "Hindi mo pa siya tinitingnan simula noong sa hospital."

"I can't..."

Damn... I'm not used to this version of Kuya Leivi where he look so sad and at the same time, blaming himself. He look like he lost himself after Kuya Leonn died.

Siguro bukas, kaya na niyang silipin ang kambal niya? Huling beses na makikita na kasi namin si Kuya bukas dahil ililibing na siya. Swabe ang sakit pero hindi ko alam at wala akong maiyak. Maybe mas iniintindi ko ang mga kapatid ko, lalo na si Kuya Leivi. Alam kong napaka sakit sa kabiya ng pagkawala ng kakambal.

"Dapat pumasok ka nalang," sabi ko kay Majo.

"Gaga. Nakakahiya hindi makipag libing."

Weekday ang libing ni Kuya kaya kinailangan pa naming mag-absent sa campus. Bahala na kung kailan babawi. Ilang araw na rin akong lumiliban sa klase para samahan sila sa burol. Ang dami kong kailangang habulin niyan.

Nang makarating kami sa sementeryo, nagsimula na ang mini ceremony. Nagsalita ang mga relatives, specially Mom and Dad. Kuya Leivi refused to tell some message like me. I don't want to break down in front of a lot of people. I'm wearing a sunglasses just like Kuya Lei to cover our swolen eyes.

Nang tuluyan ng mamaalam si Kuya Leonn, nagsi-alisan na ang mga tao. Natira lang kaming magkakapatid dahil gusto pa naming manatili. Kahit sina Mom and Dad ay umuwi na dahil hindi na kaya ni Mommy na magstay pa dito. Kanina pa siya iyak ng iyak. Who didn't, right?

Nakaharap kami ngayon sa puntod ni Kuya Leonn. Ang mga kapatid ko ay kinausap ang lupa na tila ba sasagutin sila ni Kuya Leonn. They are talking while crying. Masyado silang malapit kay Kuya Leonn dahil hindi ito umalis sa Alabang kahit na nasa kolehiyo na siya.

"Uwi na kami," paalam ni Zio kaya tumango kami.

"Who will drive you home?"

"We'll wait manong to come."

Hinayaan na namin silang umalis. Ramdam ko ang pagod nila dahil sa ilang araw na pagpupuyat sa burol ni Kuya Leonn. Si Kira ay hindi makausap dahil sa lungkot nito sa pagkawala ni Kuya Leonn.

"Can we stay?" Kuya Lei asked me. "My friends will come."

"Ah, sige," sagot ko naman. "Won't you talk to Kuya Leonn now? Tayong dalawa nalang naman ang narito."

Hindi niya ako sinagot pero mas lumapit siya sa lupa na pinagbaunan kay Kuya Leonn. Hinabud niya pa ang sunglasses niya saka tumitig saglit sa lupa na kinaroroonan ng kapatid. Mayamaya, nagpakawala siya ng magaang ngunit napaka sakit na ngiti.

Wild Series #2: CowgirlWhere stories live. Discover now