light lang 'to
________"The game will start," someone announced.
The game started ng maayos na ang board. Nasa bandang gilid na ang rack at nasa loob no'n ang billard balls. Someone is assisting us. Ang kalaban ang unang titira kaya bigla akong kinabahan. I know that people around us know him because he's good at this. Gayong siya ang unang titira, posibleng tapusin na niya ang laro at umupo nalang ako hanggang sa matapos.
"Lagot," bulong ni Majo sa tabi ko.
This guy is so f*cking great! Ang hot ng pagkakahawak niya sa cue stick niya at seryosong itinututok sa bola. Ang ugat niya sa kamay niya ay flex na flex. Hindi kung okay na rin kapag natalo ako. Drop all my boys? That's hard but if he entertains me well, why not? Basta ba magaling siya, walang magiging problema.
Sumablay siya sa pang-apat na bola. Nakangisi akong tumayo mula sa kinauupuan sa tabi ng kaibigan ko at mayabang na binitbit ang cue stick ko. Tumayo ako sa gilid ng billiard table at itinutok ang bola. Sinipat ko ng mabuti bago ko tinira. Hindi gano'n ka-pwersa ang pagkakagalaw ko ng cue stick ko para hindi mapunta kung saan ang bola maging ang cue ball. I need to relax the hell out of me para hindi sumablay.
"Go, 'te!" sigaw ni Majo kaya napailing ako. "No pictures, please! Lagot kami kay coach," saway pa ng kaibigan ko sa nakita.
Masyado kaming eksena dito sa bilyaran. Ang daming nanonood at nag-aabang kung sino ang mananalo. Ang daming pumusta. Seryoso tuloy lahat ng nanonood tulad namin ng kalaban ko. Ni hindi ko alam kung ano ng pangalan nitong lalaki.
Sunod-sunod kong ipinasok ang mga bola sa pockets. Maigi kong sinisipat ang cue stick ko sa tapat ng bola bago tinitira. Momol din ang kapalit nito, dagdag pa na hindi ako mapapahiya sa mga pumusta para sa akin.
"Last one... Please, be good..." I whispered habang sinisipat ang pangwalong bola ko.
Sinipat ko ng mabuti ang bola dahil last na ito. Kapag sumablay ako dito, parang ginago ko nalang ang sarili ko. Matapos ang makapigil hininga kong paglalaro hanggang sa umabot sa ika walo, ngayon ko pa ba hahayaan na sumablay. Matapos masipat ang bola, pinakawalan na ng kamay ko ang cue stick pausad, pasalpok sa bola.
"Omg! Panalo tayo! Kiara lang malakas!" my friend shouted.
Para akong nabingi sa ingay ng mga tao sa loob ng bilyaran ng mahulog ko sa pocket ang ika walong bola. Ang iba ay tunog disappointed dahil sa kabila sila pumusta, ang iba naman ay nagtatalon sa tuwa dahil nanalo ako. I wonder how much they spend for the game? Parang masyadong malaki ang taya nila.
Someone finally announced that I won the game. Nakangisi ako sa lalaki na ngayon ay katabi ko na. We shake hands, tinatanggap niyang talo siya.
"Momol?"
"Let's do it in my place—"
"Kiara! Papasok sa bilyaran ang Kuya mo!" Majo shouted.
Kaagad akong napailingon sa kaibigan ko na mukhang galing sa labas. Lagpas ang lipstick nito, baka nakita sa labas ang boyfriend niya at nakipag tukaan.
"Kiara Yu. Follow me on my socials and let's talk about the deal."
"Kiara..." I heard him whisper before I went out.
Sa likod kami dumaan ni Majo dahil delikado kapag nakita kami ni Kuya. Malalagot ako kapag nalaman no'n na nandito ako sa bilyaran at gumawa ng eksena. Sana naman ay itikom ng mga tao roon na naglaro ako. Malala pa, sana huwag na idakdak no'ng lalaki ang tungkol sa deal namin. Baka ilibing ako ng buhay ni Kuya Leivi.
"'Te, kani-kanina ko lang nagets. Sikat 'yung nakalaro mo kanina kasi basketball player 'yon sa ADMU."
"I don't know that guy..."

YOU ARE READING
Wild Series #2: Cowgirl
RomanceKiara Kae Yu is from Business Management Department at DLSU. She's a famous volleyball player at their university. He's like his Kuya Leivi who don't give a damn but the difference is she's afraid for the consequenses of her wrong doings. Kaagad niy...