"Hi, Knight!" bati ni Majo kay Knight.
He picked me up after the training. Sinabihan na kasi niya ako na susinduin na niya ako araw-araw. Pwede na ang offer niya para hindi na ako magcommute pa pauwi sa condo unit ko.
Napabaling ako sa lalaki ng gumalaw ito. Mula sa pagkakasandal niya sa saskayan, binuksan niya ang pinto nito, iminumuwestra na pumasok na ako.
"We're going home, Majo," paalam nito sa kaibigan ko.
"We're going. Drive safely," sabi ko din sa kaibigan.
Matapos namin magpaalam sa kaibigan ko, nagdrive na si Knight palabas ng university. Hindi gano'n kalayo ang campus namin sa condo kaya mabilis lang kaming nakrating.
Bitbit ni Knight ang school bag at paper bag from a chinese restaurant. Ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa kamay ko.
"How was your day? You look so tired," panimula niya.
"My day been so tiring. Ang daming quizzes at saka nagtraining pa," tugon ko naman kaya napatingin siya sa akin. Sinimangutan ko siya ng makita kong may nang-aasar na tingin doon. "It's true! Nag-aaral na ako ng mabuti."
"I didn't say anything, Kiara. You so defensive."
"You gave me look as if you know my academic background."
"I'm not judging you about that."
"So you knew!" Doon na siya tuluyang natawa.
Lalayo na sana ako sa kaniya ng hapitin ako nito sa bewang. Nagulat ako kaya hindi ko na nagawa pang lumayo ng tuluyan sa kaniya. Sa tangkad at laki ng kaniyang katawan, mahihirapan akong makakawala sa hawak niya. Matangkad naman ako pero hindi kasing tangkad niya. Naggy-gym din naman ako pero hindi kasing laki at tigas ng katawan niya ang akin.
Pagkapasok namin sa loob ng condo ko, hinayaan niya akong magshower muna at magpalit ng pantulog na kasuotan. Paglabas ko ng banyo, nakahanda na ang hapag. Naroon na ang pagkain galing sa isang restaurant.
"How much is the food? I'll gonna pay you for that," sabi ko rito kaya sumama ang mukha nito.
"Why will you pay? There's no need of that. I bought these without you asking me," ani nito. "I bought these because I want us to eat together."
Tumango nalang ako bilang pagtugon sa kaniya. Mahirap kalabanin si Knight kapag ganiyang bagay ang ipinaglalaban niya sa akin.
"You have game tomorrow, right?"
"Will you watch?" balik tanong ko rito.
"Hmm... Vacant ko naman no'n kaya makakanood ako."
Tumango ako. "Will you bring Mellisa with you?" wala sa sariling tanong ko rito.
Gusto ko kaagad magpalamon sa kinatatayuan ko ngayon ng mapagtanto ang ibig kong sabihin. Nakalahiya! Baka sabihin naman niya ay napaka selosa ko gayong wala kaming label. Nakakahiya pa dahil mukhang inilalayo ko ang kaibigan niya sa kaniya.
"Is it turn off if a guy have a girl bestfriend?" he seriously asked me.
Ilang beses akong umiling. Nakakahiya!
"Huy wala akong sinabing ganiyan, ah. Tinatanong ko lang kung isasama mo ba 'yung kaibigan mo tulad noong nakaraang nanood ka," tugon ko rito. "At saka walang tayo para manghingi ka ng opinion sa akin tungkol sa babaeng kaibigan. Ayos lang, Knight."
Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga.
"Heto pala ang iniiwasan ni Lei," bulong niya. I wonder kung babae iyang Lei na iyan o lalaki rin? "Kiara... It is okay if you don't like girl bestfriends. Women usually are not confortable that their man have a girl bestfriend. I am not saying men should avoid having girl bestfriends but they should know their limitations. Just like me and Mellisa. We have our limitations because we are just friends. Malinaw sa aming dalawa na pagkakaibigan lang ang maibibigay namin sa bawat isa."
YOU ARE READING
Wild Series #2: Cowgirl
RomanceKiara Kae Yu is from Business Management Department at DLSU. She's a famous volleyball player at their university. He's like his Kuya Leivi who don't give a damn but the difference is she's afraid for the consequenses of her wrong doings. Kaagad niy...