Chapter 5

361 9 1
                                    


Nakasalubong nila yung mga stars ng creamline at chocomucho bago pumasok sa loob. Matyagang pinagkuha ng pic ni Bea si Cait katabi ang mga idol nito.


"Wow ang tangkad niyo ng jowa mo miss a. Bakit di kayo volleyball players?" Tanong samin ni Thang Ponce.


"Naku hinde kami pareho naglalaro ng volleyball." Sagot naman ni Cait dito.


Pero nung si Alyssa na ay nagkagulo na ang fans kaya hinila na ni Bea palapit si Cait sa kanya.


"Tara baka maipit ka pa jan. Sakin ka na lang magpapic matangkad pa nga ko sa kanila." Nahampas naman ito ni Cait. Napahimas na naman si Bea ng braso.


"Maiba ko diba schoolmates kayo ni Alyssa?"


"Yep she is a household name there."


Nagniningning ang mga mata nito na nakiusap kay Bea. "Sama mo ko pag may alumni events kayo baka andun mga idols ko."


"Yay damay na buhay ko sa work?"


"Sige na please?" Nakanguso pang pagmamakaawa ni Cait kaya napabuntong hininga na lang si Bea.


"Fine! Anything for you my girlfriend."


"Yes! Thank you Bea, you're the best." Napayakap naman si Cait dito at agad niyakap pabalik ni Bea ng mahigpit.


Nauna na umupo si Cait at sumunod lang si Bea pagbalik ay may dala na itong popcorn at drinks sabay inakbay ang braso nito kay Cait.


Nagmamadaling kumuha si Cait ng popcorn kaya andami nitong cheese sa bibig pinunasan naman ito ni Bea. At pinagbukas ng tubig ng di inaalis ang pagkakaakbay dito at inalalayan pang uminom. Tinapik naman ito ng bahagya ni Cait. "Ano ka ba ako na ok lang."


"Ok din pala tong may tagahawak ako ng popcorn." Napailing na lang si Bea dito. Dumadaldal in between si Cait habang nagkukwento ng nangyayari sa loob ng court pero walang naiintindihan si Bea kaya si Cait na lang ang pinapanood nito.


"Manood ka nga." Naiilang na sagot ni Cait ng napansing napako lang ang tingin ni Bea sa kanya.


"Not interested di ko maintindihan."


"Then magcellphone ka muna matatapos na to."


"Boring yun mas nakakaaliw ka panoorin. The way you react to every play."


Maya maya pa ay may Kiss cam pala at nagkagulatan sina Cait at Bea ng tumapat ang camera sa kanila at naghihiyawan sa paligid. Kumindat si Bea sa kanya pero pinandilatan lang ito ni Cait kaya nagsettle si Bea sa paghalik sa cheeks nito pero nung nangulit ang crowd na lips pinakitaan ng fist ni Cait si Bea kaya natawa na lang ang nakakatangkad na babae.


Natapos na ang laro at lumabas na sila.


"Teka cr muna ko bago tayo umuwi." Pero di agad binitawan ni Bea ang kamay niya kaya napisil niya ito para bumitaw. Tumawa lang ito at tumango.


Habang nagdadrive si Bea ay dumampi ang kamay ni Cait sa hita nito. "Thank you Bea sa pagpapaunlak kahit di ka nag enjoy at di mo naman hilig ang volleyball."


"Hey who said I didn't enjoy? You are putting words into my mouth. I enjoy every moment with you. You know that."


"Ay nako bolera wala na kayang tao."


Hininto sa side ni Bea ang sasakyan at tumingin dito. Nilagay ni Bea ang kamay nito sa chin ni Cait at pinatingin sa kanya. "If you're happy then that is all I care about."


Somewhat the comforting thought brought a smile to Caitin's face.


====================================


AN: UD para di puro ayuda nasa isip niyo 😆. Habang may iniintay din akong mag UD. 😁 Anyway next UD neto sa off ko na. 

CharadeWhere stories live. Discover now