Chapter 11

400 14 7
                                    


Caitlin POV


Nagmessage sa akin si Alina with a photo and when I opened it, it was a screenshot of Bea's profile in the girlfriend for hire app.


Alina: Did you hire her or alam mong ganito trabaho niya pero jinowa mo pa din?


Cait: I hired her. How long have you known?


Alina: Matagal na ever since pinakilala mo siya samin na dinedate mo and knowing you na allergic sa strangers. You were so awkward with your supposed date. I couldn't help but search about her.


Cait: I'm sorry I'm just tired of explaining and dealing with people's expectations.


Alina: I'm sorry too ganyan na pala epekto ng mga sinasabi namin sayo. But friend umaarte ka pa rin ba talaga? Coz the last time I checked you two dont look like it anymore. Alagaan mo ang puso mo. Trabaho niya yan. And your heart is on the line.


Di pinalagpas ni Alina na iinterrogate pa ko at inaya ako magBGC.


While looking outside the shop displays napalingon ako sa may di kalayuan and I saw a familiar person. It had to be Bea and she looks like in a date with a foreigner girl. And they were laughing heartily at kitang kita yung kilig sa mukha nung foreigner akala ko ako lang ang nakapansin.


"Friend diba si Bea yun? Parang may kadate client niya kaya or gf?" Sambit ni Alina


"Mukhang siya nga friend tara na magpunta na tayo sa Zara."


"Di ka ba nacucurious anong status nila at san sila pupunta? Tara sundan natin."


"Huy ano ka ba nagpunta tayo dito para magshopping hindi mangstalk."


"Ay nako friend kilala kita wag mo ko echosin. Alam ko gusto mo din malaman tara na." At hinila nga ko nito para sundan yung dalawa.


Mukhang sanay na sanay si Alina alam na alam niya san kami magtatago habang sumusunod kahit mukha na kaming tanga at may mga passersby na pinagtitinginan yung ginagawa namin. "Friend bakit parang ginagawa mo na to dati?"


"Hay nako friend nagkaron ako ng ex na babaero kaya naimprove ko ang stalking skills ko."


"Oh kaya naman pala."


"Friend grabe pala kaalalay si Bea ano. Kilig na kilig si ate girl o ayun pinaghila pa ng upuan at ipag oorder pa. Ganyan din ba siya sayo?"


"Oo ganyan naman siya very gentleman."


"Baka pag ako naghire diyan mainlove din ako. Oops" Napatakip ng bibig si Alina sabay tingin sakin.


"Tinitingin mo diyan di ako inlove no."


"Pero may feelings?"


"Wala kaya."


"Aysus bakit parang labas sa ilong yung wala?"


"Ewan ko sayo halika na nga para na tayong tanga dito."


"Wait ayan na yung exciting part may binulong si Bea."


Napalingon tuloy ako dito at nakita ko kung gano sila kalapit sa isa't isa halata dun sa babae na kinikilig nagbablush siya kitang kita sa maputi nitong mukha.


"Wag ka mag-alala friend mas bagay naman kayo. Pero trabaho lang talaga walang personalan."


"Alam ko tara na nga kasi."


"Chill eto na nga bakit biglang ang init ng ulo? Alam mo mabuti pa turuan na lang kitang lumandi kasi daig ng malandi ang maganda. Sure ako marami ka mabibihag pag ganun friend."


Kung ano ano pa ang pinagsasasabi ni Alina pero parang wala na kong naririnig bagkus ramdam ko lang ang bigat ng mga paa ko habang binabagtas ang daan pauwi. Sing bigat ito ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Oo nga pala hinde ako special what she does with me, she does with all her other clients. How could I forget at bakit ako nagpadala sa isang bagay na alam ko naman na di totoo simula't sapul.


=======================================


AN: UD habang nag-iintay sa laban ng Capital 1. Ang masasabi ko lang Churro ikaw na! 😆

CharadeWhere stories live. Discover now