Chapter 14

2 0 0
                                    


TLE time na at wala naman kaming masiyadong ginagawa dahil nag-aayos lang ng grade ang Teacher namin. Pasimple akong naglaro ng phone ko dahil wala nga naman kaming ginagawa.

Katabi ko noon sa may bandang kanan si Marcus at sa kaliwa ko naman si Stevie na pasimple ring gumagamit ng phone. Naglaro kami ni Marcus ng 8ball pool sa phone ko. Kaya't pinagsasali't salitan namin ang phone kapag tumitira. Nang hindi ko mai-shoot ang bola, ay pasimpleng pinasa ko na kay Marcus ang phone para siya naman ng sunod.

Kahit may ginagawa si Maam, ay hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa amin. Kaya't noong si Marcus na ang tumitira, napansin ni Maam na parang gumagamit kami ng telepono kaya't sinaway niya kami.

"Ano 'yan, gumagamit kayo ng cellphone?Diba sabi ko 'wag gumamit ng cellphone?Ano 'yan,ha?" Saway nito sa amin.

Pagkasaway ni Maam sa amin ay bigla namang tinago ni Marcus ang phone, para hindi makita.

"Wala po—, nagrereview lang po.." Nauutal-utal kong saad.

" 'Nagrereview' pero titig na titig sa cellphone? Ako ba pinagloloko-loko ninyo? Akin na 'yan"

Mangiyak-ngiyak kong ibinigay ang phone ko rito. Nang maibigay ko na ito, ay hindi ko na nga napigilang hindi umiyak. Agad akong nagtakip ng mukha at sumandal sa balikat ni Stevie.

Talaga naman kasing nangku kumpiska ito ng mga gadgets o mga airpods. Unang beses lang nangyari sa akin na makumpiska ang phone ko dahil hindi naman talaga ako gumagamit ng gadgets habang klase. Gumamit lang ako nito dahil nga wala namang ginagawa pero hindi ko naman alam na bawal parin gumamit nito kahit na ganoon.

Kung unang beses ako makuhanan ng cellphone, Si Stevie naman ay dalawang beses. Ang unang beses, ay noong nagsasagot kaming mga hindi sumama sa sining pinagpala ng long quiz. Habang ang mga sumama, ay naka upo lang sa gilid.

Habang nagsasagot ako ng long quiz noon, ay nakita kong naglalaro si Marcus sa cellphone ni Stevie. Nasa isip ko na agad na baka makumpiska ito ng adviser namin, dahil nangunguha rin ito ng gadgets.

Maya-maya, nakita kong lumalakad lakad si Maam at biglang hinablot ang cellphone na hawak ni Marcus.

"Ano, akala mo hindi kita makikita. Ang sarap pa ng laro mo d'yan,ah" Saad ni Maam kay Marcus nang ibinulsa ang phone.

Noong nakuha ito ni Maam, ay marami namang nagsabi na hindi ito kay Marcus at si Stevie ang nagmamay-ari nito.

"Bakit nasa kaniya?" Tanong ni Maam kay Stevie.

"Hiniram niya po kasi sa'kin"

"Oh,bakit naman niya hiniram?"

"Ewan ko nga po, hindi ko po alam sakaniya, lagi niya rin pong hinihiram 'yan," Nauutal na sagot ni Stevie.

"Sa guidance office ninyo na 'to makukuha,ah. Dalhin ninyo 'yung magulang ninyo, lalo ka na Santiago"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

True Love Can Wait (Based on a True Story) | CIF_StoriesWhere stories live. Discover now