"Ok,time is up!Group 1 syempre ang mauunang magpresent. Group 1,are you ready?" Tanong ni Maam Danna sa amin.
"Opo Maam,ready na kami" Saad ng President namin.
"Sanchez,sama niyo siya sa pag-rap" Saad sa amin ni Pres at tinuro si Angelica.
"Hala,kabisado mo na ba?" Tanong ko kay Angelica.
"Hindi,pero sabi daw ni maam pwede daw may script"
Sagot nito."Akala ko ba kakanta ka?"
"Sabi ni Pres wag na daw,kasi madami na yung mga kakanta kaya rap nalang ako"
"Ahh sige,kaya mo ba?"
"Hindi nga eh,nabubulol-bulol ako"
"Naku,sige lang try mo ulit-ulitin kaya mo yan"
Saad ko rito.Bago pa kami mag present ay tinulungan ko pa si Angelica kung paano ang pag pronounce sa ibang words dahil nabubulol nga siya. At dahil sa puwede namang may script ay mas mapapadali naman ang pagsunod niya. Kaso ang inaalala ko ay baka hindi siya makasabay sa tono dahil nahihirapan siya rito.
"Ok,line up na"
Anunsiyo ni Maam.when we were ready we started playing the music and started singing.
Napag-usapan pala namin kanina na ako muna ang mauuna at sunod na sila so that our voices would flow well. At nagsimula na nga akong mag-rap at sumunod na sila. Sa kalagitnaan ng lyrics ay nabulol at hindi na nga nakasunod sa tono si Angelica at para hindi masiyadong halata,ay nilakasan nalang namin ang boses namin ni Salonga.
Maayos naman naming natapos ang presentation namin. Ngunit pagkatapos nito,ay bigla nalang akong nagkaroon ng panic attack dahil nga siguro ay ayoko ng mga klaseng ganung gawain na marami ang nanonood. Umupo na lamang ako sa aking upuan kasama si Salonga at Angelica.
Pare-parehas kaming ayaw ang center of attention. Kinakalma ko lang ang sarili ko habang ang ibang grupo ay nagpe-present na.Hindi ko talaga kaya ang mga ganun.
"Grabe nakakahiya,nabulol pako" Natatawang saad ni Angelica habang nagtatakip ng mukha.
"Nanginginig ako,ayoko ng ganun" Naiiyak na saad ko.
"Ako nga din eh" Sulpot ni Salonga.
"Oo,di mo napapansin kanina nanginginig ako?" Tanong ni Angelica.
"Oo nga,nakita kita"
"Hays,ganito talaga pag-introvert ayaw ng center of attention. Lalo na nabubulol pako kanina" Hiyang-hiyang saad nito.
YOU ARE READING
True Love Can Wait (Based on a True Story) | CIF_Stories
Romance"Ayoko lang na masaktan ka" -Marcus Rhyle Santiago "Pero mas nasaktan lang ako sa ginawa mo?" -Zyrille Cordelia Sanchez 03/09/22 ░CIF STORIES░