Pagod at nanghihina akong dumating ng bahay at dumiretso agad sa higaan.After ko namang magpahinga ay nagbihis narin ako para makakain na.
Pagkatapos kong kumain, ay nagpahinga narin muna ako bago matulog. Nagscroll² ako sa Facebook nang maalala ko si Santiago.
Ewan ko ba, pero parang gusto kong kilalanin siya. Kaya sinubukan kong i-search ang pangalan niya rito.
Marcus Rhyle Santiago?..
In-add friend ko ito at nagpatuloy nalang ulit sa pag-scroll.
5:49 na ng hapon, sinubukan kong buksan ang Facebook ko nnag makita kong in-accept ako nito. Ewan ko kung ano ang kabaliwang naisip ko at ini-stalk ko siya.Family oriented siya ah infernes..
░CIF STORIES░
Kakarating ko lang room namin, nang makita kong nag-uusap usap sila Angelica at Eloise.
"Ano,Gel, nakuha mo na cap mo?" Bungad ko rito.
"Oo, binalikan ko nga eh. Pero pagkabalik ko dun wala na sila"
"Bayan, nagpagod-pagod ka lang. Ang init init kaya. Sabi ko kase sayo ngayon mo nalang kunin eh, kulit mo din kase"
"Ok na yan. Alam mo ba, para akong lasing habang naglalakad nun" Tumatawa nitong kuwento.
"Balik-balik ka pa kase eh" Natatawa kong saad.
"Nga pala,Ms Park, sayang di ka nakasama sa'min kahapon, nag park kami kahapon eh" Dagdag ko.
'Ms Park' ang tawag ko kay Eloise. Dahil bonding na namin ang magpaka-delusional na asawa namin ang bias namin.Asawa niya daw kasi si sunghoon HAHAHAHA.
'Ms Suson' naman ang tawag niya sa'kin dahil bias ko si Ken from SB19.Asawa ko yun noh HAHAHAHA.
"Oo, nga daw. Daya niyo di niyo 'ko sinama. Umalis pa kasi kayo eh"
"Bumili lang kami sa labas tas pag-balik namin wala na kayo. San ba kasi kayo pumunta nun?"
"Andoon lang kami, di kami umalis"
"Eh? wala kayo dun pag-balik namin eh"
"Ewan ko, baka di niyo lang kami nakita"
"Siguro. Sayang naglaro kami dun eh"
YOU ARE READING
True Love Can Wait (Based on a True Story) | CIF_Stories
Romansa"Ayoko lang na masaktan ka" -Marcus Rhyle Santiago "Pero mas nasaktan lang ako sa ginawa mo?" -Zyrille Cordelia Sanchez 03/09/22 ░CIF STORIES░