Chapter 4

129 4 0
                                    

DEMELZA couldn't count how many times Karilio owned her. Siniguro talaga nito na bawat sulok ng condo nito ay napwestohan nila. Ultimo gilid ng fridge nito. She was exhausted but she can't stay any longer. May naghihintay sa kaniya.

Dahil maaga naman sila nag umpisa ni Karilio, maaga rin sila natapos. Mabuti nga at tulog na tulog ang lalaki, siguradong pagod ito dahil ito naman halos ang gumalaw.

Kumuha na lang siya ng masusuot na malaking damit sa damitan ni Karilio. Tinali niya ang slacks sa harao dahil sira na ang zipper nito at medyo napunit pa sa baba. She left quietly. She left no trace.

Tulak niya ang cart pababa. Pagdating ay nakabantay na ang senior niya. Dismayado ang mukha ng matanda habang palapit siya. Umiiling pa ito at malalim ang paghinga.

"Dem," bumuntong-hininga si Riza, ang kaniyang senior na nasa mid 50's na.

"Alam ko po. Liligpitin ko lang po ito tapos aalis na ako." Tipid siyang ngumiti sa matanda. She move to the staff room to grab her things. Nag paalam na siya sa mga kasama na nag tataka sa nangyari. She didn't explain furthermore.

Bagsak ang balikat niya pauwi sa bahay. Masakit ang katawan niya pati ang pagkababae pero pinilit niya talagang gumalaw. Nadatnan niya ang anak na babae sa sala at nanonood habang gumagawa ng assignment. Nang makita siya tumayo agad ito at humalik sa pisngi niya.

"May isaw sa kusina, Ma. Bumili si kuya sa kanto kanina, may sinaing na rin kung gutom ka." Ani Katlyn. Napangiti siya.

"Nasaan ang kuya mo?" tanong niya nang hindi ito makita.

"Tulog, Ma." Sagot ni Katlyn. Lumakad na ito pabalik sa sala at tinuloy ang ginagawa.

Pumasok siya sa kwarto nila ni Katlyn, nakahiwalay ang kwarto ni Karl sa kanila para bigyan ito ng privacy bilang lalaki. Sinabi niya naman kay Katlyn na kapag may pera na sila, hahanap siya ng bahay na malaki para magkaro'n ito ng sariling kwarto. Maunawain naman ang mga anak niya. Ang kaso, paano siya magkakapera kung wala na siyang trabaho ngayon?

Malungkot siyang naligo. Panandalian kaligayahan kapalit ng kaniyang paghihirap, damay pati anak niya. Was it worth it?

Napaluha siya habang nakaupo sa toilet bowl. Ngayon lang siya inatake ng anxiety. Gusto niyang saktan ang sarili. How can she give in to Karilio that fast? She's so selfish for doing that. Saan na siya ngayon kukuha ng pangkain nila? Pihadong tumulong ang mga kapatid niya. Suntok sa buwan iyon.

Kinalma niya ang sarili bago lumabas. Nag linis na lang siya ng bahay hanggang sumapit ang hapunan. Sabay-sabay silang kumain ng kambal ulam ay adobo. Masaya silang kumain. Nawala saglit sa isip niya ang problema dahil sa kulit ng dalawa.

"Malapit na po pala ang pirmahan ng card, Ma. Attend ka po, ha?" ani Katlyn.

"Oo naman. Sabihin niyo lang sa akin kung kailan at anong oras," she paused. "Grade 4 na kayo, ano?" kumamot siya sa ulo. Hindi kasi mukhang elementary ang kambal, kung junior high school pa siguro. Ang lalaking bulas kasi ng mga anak niya kaya sa school ay napagkakamalan na repeater ang mga ito kahit hindi. They're just 9-year-old.

"Opo, Ma."

After their dinner they started cleaning. Isa-isa naligo ang kambal para presko pagtulog.

Siya naman ay nanatili sa sala para manood sa TV. Wala pa siyang balak matulog kahit sobrang sakit ng katawan niya. Kahit pagod siya at halos lagnatin sa ginawa nila ni Karilio.

She's still asking herself if it's worth it. Nawalan nga siya ng utang rito, kawawa naman siya. Ipo-proseso na kaya agad nito ang kanilang divorce paper? She wanted it so bad. She wanted to cut ties with him, so is to her siblings. They will dump her when they realize she have nothing left. Mas okay sa kaniya iyon. She'll start a new life with her children. Kung maaari lalayo na sila, sa lugar kung saan wala ang mga kapatid or even Karilio.

Her Fractured KarilioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon