Chapter 6

126 3 0
                                    

NAPAYUKO si Demelza habang sapo ang leeg. Noong makiusap siya kay Karilio noon na iwan siya. She can still vividly recall his crying face. Kung paano ito magmakaawa at lumuhod sa harap niya. It was all fresh in her memory. Walang labis, walang kulang.

She asked him to leave. Dahil hindi na siya masaya dito, the lame lie she made up just to push him away. Masiyado itong nasaktan sa mga binitawan niyang salita kaya pinili na nitong pabayaan na siya. And he did.

Pero ngayon, hindi. Malabo pa sa kape na umalis ito. Lalo ngayon na kaharap na nito ang mga anak, alam na nitong nagbunga ang kanilang ilang beses na pagtatalik noon.

"Hindi kami sasama sa kaniya, Mama." Seryosong sagot ni Karl nang sabihin ni Karilio na kukuhain sila nito. Humarap sa kaniya si Karl. "Sa 'yo kami sasama, Mama. Kahit dumaan tayo sa barangay, hindi niya kami mapipilit."

Bumagsak na naman ang mga luha niya. How bad of a mother she can be? Pinagkait niya sa mga anak ang makilala ang ama nito, not forcely, not intended, but bye telling them about the reason why she had to leave their father. Lumaki ang mga anak niya na piniling intindihin siya, to the point na hindi na nito naiisip ang pangangailangan ng ama. Kasi siya ang iniisip ng mga ito. She's a bad mother. A selfish mother.

"Anak, kasi wala nang trabaho si mama. Kailangan niyo muna sumama sa papa niyo, panandalian lang naman. Kapag may pera na ako kukuhain––"

"You're not taking them away from me, Demelza." Karilio cut her off.

Napaiyak lalo siya. Nakayakap sa kaniya si Katlyn.

"Kaya kayong buhayin ng papa niyo, anak. Si mama hindi. Hayaan niyo, bibisita naman ako."

"Ma, dito lang kami sa 'yo." Humahagulhol na humigpit ang yakap sa kaniya ni Katlyn.

"Hindi pwede, anak. Wala na akong ipambubuhay sa inyo ni kuya mo."

"Ayaw namin kay papa, mama. Ayaw namin." Umiiyak na nagpapadyak si Katlyn.

She look up to Karilio who was looking at her. Kita ang sakit sa mga mata nito dahil sa naririnig sa anak.

"Karilio, please, bigyan mo muna ng panahon ang mga bata."

Kumibot ang labi nito. "Para ano? Itakas mo ulit sila?"

"Hindi, hindi ko sila ilalayo sa 'yo. Kung gusto mo, dalawin mo sila araw-araw. Please. Natatakot lang sa 'yo ang mga anak mo dahil sa ginagawa mo."

Lumambot ang ekspresyon nito sa huli niyang sinabi. Nilingon nito ang kambal na halatang ayaw talagang sumama sa ama dahil ang higpit ng yakap sa kaniya. Tumingin ulit ito sa kaniya.

"Alright, I'll give them time." His expression hardened. "But I will make sure you're not taking them anywhere."

"I promise. Hindi ko sila ilalayo." She promised.

Karilio didn't say a word. She wipe her tears.

"Kain na kayo, anak, may pasok pa kayo." Pag-iiba niya sa usapan. Hinila niya ang kambal sa kusina at inasikaso ang tanghalian, kahit halata sa mukha ng mga ito ang pagkadisgusto sa nangyayari. Halos tipirin na ng mga ito ang pagkain, halatang na trauma sa nasaksihan.

"Hayaan niyo, anak. Kakausapin ko ang papa niyo, hmm? Aayusin namin ito."

Katlyn look at her with her teary eyes. "Salbahi si papa, mama. Sinasaktan ka niya." Naiiyak nitong turan. Pinigilan niyang maiyak. Hindi niya inaasahan na masasaksihan pa ng mga bata ang nangyari.

"Shh, pagod lang si papa. Baka may problema lang. Kain na kayo." She urge them to eat more. Tinalikuran niya saglit ang dalawa at lumabas sa kusina. Naabutan niya sa pinto si Karilio na nakasandal sa hamba.

Her Fractured KarilioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon