Chapter 12

104 3 0
                                    

Trigger Warning, sharp objects and lots of profanity 🔞

MASAMA ang loob ni Demelza sa kapatid niya. Pero mas masama ang loob niya sa sarili. She couldn't please Karilio enough to give her time to talk to her sister first before making a move. Kinuha talaga ni Karilio ang mga anak nila.

And here she is, trying to talk him out of it. Miss niya na ang kambal, pero si Karilio ang malaking pader na humaharang sa pagitan nila ng kaniyang mga anak.

"Please, Karilio, gusto ko lang naman makasama ang mga bata."

Sa wakas, binigyang pansin na siya ng lalaki. He's been staring at his laptop for hours without giving her even second of his attention. Kaya naman nang lingunin siya nito ang laki ng pasasalamat niya kahit ang sama ng tingin nito.

"How sure am I you're not carrying any substance with you?" his cold voice sends shiver down her spine. Tinatagan niya na lang ang loob.

"Hindi naman ako gumagamit--"

Kumibot ang mapulang labi nito. "Your sister does. Every fucking single one of your siblings are addict, none of them has clean records! Who knows Rona was using it around your house and the substance had been clinging on your shirt right now?" parang kulog ang boses ni Karilio.

Araw-araw niyang sinusugod si Karilio sa opisina nito para lang kausapin ng maayos ang lalaki pero iyon at iyon pa rin ang mga sagot. Malapit niya na makuha nag bawat line nito sa mga sasabihin niya.

"W-Wala nga, please, hindi ko naman ipapahamak ang mga anak ko." Naluluha niyang pakiusap kay Karilio.

Tinitigan siya ng malalamig nitong mata. She wanted to turn around and leave because she knows what his answer will be. Pero nagulat siya ng tumayo si Karilio.

"Alright, prove me. You'll undergo tests."

Malakas ang loob niya na tumango. Kumpiyansa siya sa sarili dahil hindi talaga siya gumagamit. She never let her things get near Rona or her kids. Aminado naman siyang pamilya niya ay mga adik, pero iba siya. That's why Karilio despise her family. Naiintindihan niya ang seguridad nito sa kambal. Sinisiguro lang nito ang kaligtasan ng mga anak.

"Sige. Kung iyan ang gusto mo."

"But before that, I will fuck you first." Kinalas nito ang necktie at nag simulang kalasin isa-isa ang botones ng puting polo.

Namilog ang mga mata niya at napaatras. "Teka! Kailangan ko muna makuhaan ng samples, Karilio. You can't have sex with me--"

"So gumagamit ka nga?" his thick eyebrows knotted. Dumilim ang mukha nito at tumapang lalo ang hulma. She bite her bottom lip before shooking her head.

"Hindi... Pero para makasiguro na rin." She rub her arm to calm herself. Ilang araw na siyang walang maayos na tulog. Iniisip niya ang mga anak niya, kahit pa alam niyang maayos ang lagay ng mga ito hindi pa rin sapat iyon. She wants to see them.

Minsan nga gusto niya na puntahan sa school ang mga bata pero natatakot siya na baka magalit si Karilio at tuluyan nang ilayo ang kambal.

Nagiging balisa na rin siya. Siguro dahil hindi siya sanay na wala ang kambal. She couldn't sleep nor calm down every day. Nagugulo din ang utak niya sa mga kapatid na nagiging daanan na ang bahay niya. Nang malaman ng iba na nando'n si Rona, parang mga asong habol sa nakatatandang kapatid at ginawang hawla ang bahay niya. They're not a very sophisticated family. Masisiraan siya ng bait sa sobrang gulo ng kaniyang bahay.

Napahikbi na siya. She can't pull herself together after the twin left home. Mas mahirap pala iyon kaysa sa isipan niya.

"Demelza."

Her Fractured KarilioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon