Hindi ako maiinip na maghintay hanggang sa dumating ang panahong malaya ko nang matitigan at masisilayan na mangusap ang iyong mga mata.
Hindi ako maiinip na maghintay hanggang sa mapagmasdan ang pagngiti ng iyong labi at mapakinggan ang 'yong matatamis na halakhak.
Hindi ko rin ipipilit na ikaw ay aking agad na mahalikan, mayakap at makasama.
Sapagkat batid kong hindi pa napapanahon at hindi ako magmamadali.
Naniniwala akong mas matamis ang prutas kapag hindi hinog sa pilit, mas manunuot ang lasa ng pag-ibig kapag hindi minadali, at naniniwala akong pagtitibayin ng oras at panahon ang dalawang pusong laging pipiliin ang manatili, sa panahon man ng hirap o ginhawa.
Kaya aking tangi, nais kong malaman mo na handa akong maghintay at hindi ako magmamadali.
![](https://img.wattpad.com/cover/373519977-288-k544995.jpg)
BINABASA MO ANG
Tangi
PoetryKoleksyon ng mga tula: Katha ng pag-ibig para kay Sheena. "Ikaw sa bawat pahina"