Kung sakaling dalawin ka ng kalungkutan na siyang maging sanhi ng iyong pagkabalisa at pagkabahala, pumikit ka.
Sa oras na sa tingin mo ay mabigat na ang lahat, at tila walang katapusan ang daang malubak, pumikit ka.
Sa sandaling makaramdam ka ng pag-iisa at kawalan ng pag-asa, pumikit ka.
Pumikit ka at magpahinga. Hayaan mong ang oras ay lumipas sapagkat wala kang dapat ipangamba. Makatitiyak kang sa pagmulat ng iyong mga mata, naroon ako, nananatiling tapat na nagmamahal sa iyo.
BINABASA MO ANG
Tangi
PoésieKoleksyon ng mga tula: Katha ng pag-ibig para kay Sheena. "Ikaw sa bawat pahina"