Salamat sa suporta mo.
Hindi lang ako ang nagtagumpay rito.
Sa laban kong ito, ika'y kasama ko.
Lubos ang tiwalang ibinibigay mo.Umpisa palang ito ng landas na lalakaran ko.
Hindi ako matatakot sapagkat ika'y nasa likod ko.
Ikaw ang lakas at motibasyon ko.
Ikaw ang pahinga sa magulo at nakakapagod na mundo.Sa mga plano't pangarap, nakaukit iyong ngalan.
Walang halong pag-aalinlangan,
Ito'y aking paninindigan,
Kaalinsabay ng ating pag-iibigan.Sa itaas ito'y idinulog,
Sa mga pagsubok, hinding-hindi mahuhulog.
Ito'y isang malaking hakbang patungo sa pangako,
Pangakong ika'y mamahalin nang buong-buo.
BINABASA MO ANG
Tangi
PoetryKoleksyon ng mga tula: Katha ng pag-ibig para kay Sheena. "Ikaw sa bawat pahina"